Nandito ang dyosa sa pool area. Abala sa pagbabasa ng magazine. Hay! Ang sarap mag-isa. Walang matandang makulit, walang mga bwiset.
"Manang! Yung miryenda ko asan na! Kanina ko pa yang iniutos ah!"
"Oh Hi dear! Kumusta na?"
Napatingin ako sa babaeng nagsasalita sa likod ko.
"Hindi mo man lang ba iwe-welcome ang Mama mo?" tanong nito.
"Mama? Kelan pa kita naging Mama? Wag kang feeling okay?"wika ko at ibinalik ang atensyon sa magazine na binabasa ko.
"Hindi ka parin talaga nagbabago Hija. Ang talas parin ng dila mo" wika nito.
"Kayo din po walang pinagbago, pakialamera parin po kayo"banat ko.
"Oh well, maiwan na muna kita dyan. I'm tired, I need to rest"wika nito.
"Rest in peace forever" bulong ko.
"What?"
"Nothing"wika ko.
Bakit kaya bumalik ang bruha na ito? Good thing hindi kasama ang satanista nyang anak.
-----------------------
"So hanggang kelan daw mag-stay si Tita Dina?"
"I don't know and I don't care" sagot ko.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Ang boring kasi magturo ng professor namin sa Math so we decided to eat na lang.
"So kumusta naman sya?"
"Matutuwa ako kung titigilan mo ang pagtatanong tungkol sa bruha na yun. Pwede ba kumain ka na lang? Kanina ka pa tanong ng tanong eh. Kung gusto mo puntahan mo sya sa mansion"banat ko.
Maya maya ay may nalaglag na spoon sa ulo ko.
"Oh kalma" wika agad ni Monique.
"I'm so sorry Miss, hindi ko sinasadyang-----ikaw?!" wika nito.
"What? Kilala mo ko? Oh wait ikaw yung bwiset na lalaking mukhang parking lot yung tapat ng bahay"wika ko.
"Alam mo maganda ka sana eh, ang sama lang ng ugali mo" wika nito sabay dampot ng spoon.
"I know right!" Sagot ko.
"At proud ka pa talaga? Well, sayang ka"wika pa nito bago umalis.
"Gwapo ha!" wika ni Monique.
"Eww! Hindi no, ang laki ng mata oh. Saka ang yabang"wika ko.
"Saan mo naman nakilala yun"
"Wag na nga natin pag-usapan yan. Kung type mo lapitan mo"
Hay bakit ba hindi maubos ubos ang bwiset sa buhay ko.
Classroom...
"Good Afternoon students, I have an annoucement. We have a new student. He is from Paris"
"Sana gwapo" bulungan ng mga malalandi kong kaklase.
"As if namang may papatol sa inyo na gwapo hahaha" banat ko.
Tiningnan lang nila ako ng masama.
"What?" taas kilay kong tanong.
"Quite girls" saway ni Ms. Perez.
Maya maya lang ay pinapasok na nito ang New Student. Well, wala naman ako pakealam kung gwapo o chaka ito.
"Hi! I'm Sydney Buena, from Paris"
Mapang-asar talaga ang mundo. Sa dami ng pwede ko maging kaklase ang lalaking bwiset na ito pa?
"Waaaah!! Ang hot nya!"tili ng malalandi kong kaklase.
"Uy destiny kayo oh haha" pang aasar ni Monique sa akin.
"Pwede ba, nakakadiri ha!" Wika ko.
Sa pagkamalas-malas, sa tabing upuan ko pa ito pinaupo. No choice naman ako kasi yun lang ang bakante. Well, kami ang may-ari ng School na ito kaya naman.....
"Ms. Perez pakilipat ako ng upuan"
"But Ms. Bianca iyan na ang sitting arrangement nyo"
"Ililipat mo ba ako o ikaw ang isusunod ko kay Mr. Manzano!"banta ko.
"Bianca, don't do that. Anytime pwede kitang isumbong kay Tito Benny. Remember, itatapon ka nya sa Paris once na may gawin mang kalokohan"wika ni Monique.
So ako naman no choice. Padabog ako umupo. Bwiset!
Napansin ko naman na nakangisi si Mr. Bwiset habang nakikita akong inis na inis.
Grrrrr!!!

BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.