"Miss, kotse mo yata yung nakaharang"
"Anong pakealaman mo?"pagtataray ko.
"Baka kasi pwedeng pakilipat, nakaharang kasi sa gate ng bahay ko"wika pa nito.
"Bahay mo pala yan? Akala ko parking lot"wika ko.
Nandito ako sa isang kalye na iilan lang ang bahay. Madalas ako pumunta dito para mapag-isa.
"Iniinsulto mo ba ako?"
"Oopps! Naiinsulto ka ba? Well, I don't care"
"Miss, pakialis na lang yang kotse mo okay?"
"Inuutusan mo ba ako?" tinaasan ko ito ng kilay.
"Pinapakiusapan kita, PAKI-alis"wika pa nito.
Padabog akong sumakay ng kotse ko.
"Pati ba naman dito may bwiset!" wika ko.
"Salamat" wika nun lalaking bwiset.
"Bwiset!" Sigaw ko.
Dumeretso na din ako paalis ng lugar na yun. Nagdesisyon na lang ako na umuwi ng Mansion.
Good thing wala si Papa ngayon, nasa US.
"Good afternoon Ms. Bianca!" bati ng mga FC kong maids.
"Walang good sa afternoon ko lalo't kayo ang sumasalubong sa akin" wika ko.
Pagpasok ko ng mansion abala ang ilan sa mga maids.
"Anong meron?"
"Ay Ms. Bianca uuwi daw po si Madam" wika ni Manang Lumen ang mayordoma.
"Eh bakit kayo naglilinis, sanay sa dumi ang mga bruha kaya tigilan nyo yan!" utos ko.
"Pero utos po ng Papa nyo na linising mabuti ang Mansyon"
"Wala akong pakealam,wala si Papa diba? So sino ang amo nyo ngayon? Ako diba kaya tigilan nyo yan!"
"O-opo"sagot ng ito.
"Manang Lumen ipaghanda nyo ko ng miryenda, bilis!"
"Opo, Ms"
So, uuwi na pala ang babaeng magnanakaw! Yes! Magnanakaw!
Ninakaw nya si Papa sa Mama ko! Kaya nga namatay si Mama dahil sa babae na yun.
*Monique is calling.....
Bwiset na Monique to ang kulit ha! Pagkatapos nya kampihan si Papa?! At ngayon uuwi pa ang isa sa mga kontrabida sa buhay ko? Kailangan ko mag-recharge ng powers sa kamalditahan.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Novela JuvenilSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.