Chapter 17

8 2 0
                                    

After a long long roadtrip sa wakas dumating na kami sa ipinagmamalaking probinsya ni epal. Hmmp!

"Welcome to Paete Laguna!"

"Para kang tanga, buhatin mo na mga bags ko bilis. Gusto ko mahiga sa kama. Sa kamang malaki at malinis ha. Allergic ako sa dumi at masikip so make sure na solo ko ang kwartong ibibigay mo sa akin"wika ko.

"Okay po Ms. Sungit, oh Monique ako na dyan" kinuha na din nito ang bags ni Monique.

Nagmasid ako sa paligid. Hmmm simple lang ang mga bahay. Infairness ha, super clean ng place. Hindi tulad sa Manila na ang usok, ang dumi at ang ingay.

"Syd-syd!!!"

Napalingon kaming tatlo sa matandang lalaki na pababa ng hagdan.

"Lolo!!!" agad naman sinalubong ni epal yung lolo.

"Naku buti naman at nakapunta ka, matagal ka na din namin hindi nakikita"wika nun matanda.

"Ehem, epal hindi mo man lang ba kami papasukin? Masakit na ang paa ko oh"reklamo ko.

"Aba apo, eto ba ang girlfriend mo? Makinis at ang puti ah" sabi nun matanda.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Ako? Sa ganda kong ito papatol sa epal na yan! Noooooo!

"Ewww! Hindi ko type yang apo nyo no..."

"Ah eh Lolo pasensya na po kayo kay Ms. Sungit. Eto nga po pala si Ms. Bianca at si Ms. Monique, mga kaklase ko po sa Manila" pagpapakilala ni epal.

"Ah ganun ba apo, akala ko nakabingwit ka na ng Manila Girl eh. Oh mga Hija feel at home ha"

"Hindi pa ba tayo papasok?"tanong ko.

My gosh yung kutis ko kasi nanlalagkit na. Gusto ko mag shower.

"Ah sige tara na sa loob, Lo asan si Lola?"

"Nasa bayan sila kasama mga pinsan mo, namamalengke"sagot nun matanda.

Nang makapasok kami sa loob, shower room agad ang hinanap ko.

"Oh Ms. Sungit ano pong hinahanap nyo?"tanong ni Epal.

"I need to take a shower, asan ba shower room nyo?"

"Naku Ms. Sungit hindi uso dito ang Shower Room eh. Pero malaki naman yung banyo namin eh. Halika samahan kita"

"No way! Tawagin mo na lang si Monique bilis!" Utos ko.

Maya maya lang ay nagsimula na ako maligo. Timba at tabo ang laman ng banyo nila. Isang sabon, sachet of shampoo at isang bato? Para saan ang bato? Oh well, wala na ako pakialam gusto kong maligo na para makatulog na uli ako.

Busy ako sa pagsasabon nang bigla na lang nawalan ng tubig sa timba.

"Epalllll walang tubig, my gosh yung eyes ko mahapdi!!! Waterrrr!!" sigaw ko mula sa loob ng banyo.

Agad naman tumugon si epal.

"Naku Ms. Sungit pasensya ka na, naubos na yung inipon na tubig. Sandali lang ha, ipag-iigib lang kita"

"Ano ba, ang sakit sakit na ng mata ko!!"sigaw ko.

"Naku Ms. Sungit sandali lang...ah eh...Monique!"nadinig ko na lang na tinawag na nito si Monique.

"Oh friend okay ka lang? Lumabas si Sydney, kumukuha ng tubig konting tiis lang"

"Ano bang klaseng bahay ito walang tubig! My gosh!"

Inis na inis ako dahil ang hapdi hapdi ng mata ko.

5minutes Later....

"Ms. Sungit eto na po tubig nyo, paki-bukas po yung pintuan para maipasok ko yung timba"

"Are you stupid! Bakit ko naman bubuksan eh nakahubad ako!"

"So paano ko ito maipapasok?"

"Ang utak ginagamit hindi dini-display. Monique ikaw magpasok nun timba bilis!!" Sigaw ko.

"Pero mabigat ito, baka hindi kaya ni Monique"

"I don't care! Just give it to her!"

"Oo na, buksan mo na itong pinto para maipasok ko na itong timba" nadinig kong utos ni Monique.

Dahan dahan ko namang binuksan ang pintuan. Medyo nakapikit pa ako pero naaninag ko si Monique, mahaba ang hair eh.

"Here" wika nito.

"Good, sige labas ka na"

Tinapos ko na ang paliligo at dumeretso sa kwartong ibinigay ni Epal.

Well, no choice naman ako kundi makipag-share kay Monique ng room dahil tatlo lang naman ang kwarto nila. Poor tsk!

"Friend, kakain na daw" bungad ni Monique mula sa pintuan ng kwarto.

"Fine"matipid kong sagot.

Kahit tinatamad ay napilitan ako bumangon. Maliit ang dining area nila, siguro mga isang dosena lang ang pwedeng kumain. Sa mansyon ko kasi twenty ang pwede kumain.

"Kumusta ang pag idlip mo Hija? Pasensya ka na sa aming bahay ha. Mukhang hindi ka sanay" wika ng isang matandang babae.

"Well, I have no choice. Yang epal na apo nyo lang naman po ang nagpumilit sumama ako dito"wika ko.

"Gusto ko lang naman mabawasan ang stress mo. Di ba nag promise ako na mag-eenjoy ka dito kaya trust me" sabat ni Epal.

"Naku Hija, tiyak na mag eenjoy kayo. Mamayang 7pm may program sa plaza, manood kayo"

"What kind of program po?" tanong ni Monique.

"Beauty contest, meron ding singing contest. Bukas ng umaga may agawan ng buko, basta madami" wika ng lolo ni epal.

"Mukhang masaya yun Lolo.....ahmmm"

"Lolo Tasyong"dugtong ng lolo ni Epal.

"Ah yeah Lolo Tasyong, mukhang masaya nga po manood. Bianca game ka?"tanong ni Monique.

"Inirapan ko lang ito"

"Oh sya mamaya na kayo magkwentuhan. Kumain na muna kayo at lumalamig ang niluto ko"sabat ng lola ni Epal.

"Ano to?"tanong ko.

"Adobo, hindi ka pa nakakakain ng adobo?" Tanong ni Lolo Tasyong.

"Nope"sagot ko.

"Tikman mo masarap yan, hindi ka Pinoy kung hindi mo alam ang adobo"wika ni Epal

"Anong konek? Hello, sorry naman ha, I'm a rich kid kasi.."wika ko.

"Tikman mo na friend, ang sarap"sabat ni Monique na puno na ang bibig.

"Don't talk nga, tumatalsik nasa bunganga mo oh. Eww"reklamo ko.

"Sige na Ms. Sungit, kumain kana. Mamaya ipapasyal ko kayo" wika ni Epal.

Syempre dahil maganda ako, kumain na ako. (Anong connect? Wala kayong pake).

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon