Chapter 1. Entrance Exam

10.3K 186 10
                                    

Chapter 1 Entrance Exam



-Alexys' POV-

Hayy quarter to 7 na. Pagkababa namin ng subway ni Mika, oh gosh this is it, natatanaw ko na ang big at golden gate ng REU.

By the way, the name is Alexys Sy. Well, kung iniisip niyong kabilang ako sa mga studyanteng anak-mayaman, well, I'm not. Galing ako sa normal family pero take note. Graduate ako as valedictorian sa Kopongkopong HighSchool. (AN: Pasensya na wala akong maisip na name eh) . Never pa akong nag-aral sa private school kasi medyo di afford eh.

Mag-eexam lang naman ako dito para sa scholarship nilang inaasam ng marami. Sabi nila sampu palang ang scholar nito since naestablish tong REU. Ang taas kong mangarap, hay.

To make it clear, Chinese ang papa ko pero he passed away nung bata pa ako with my mom sa plane crash. Nakikitira lang ako kila Mika, my bestfriend.

After konting lakad, we're here! Ang CONYO EWWWW! Pagdating namin sa main gate, may gate pass na binigay then iniswipe yung card sa keme machine nila. WOW TALAGA. Tapos may MIB as in Men in Black na nag-guide sa amin. Take note, tig isa pa kami ni Mika. Tapos inilapag yung gamit namin sa chorva machine na katulad sa airport. Conveyor ba 'yon? At tapos pinagpalit kami ng damit. Ang bongga dito. Entrance exam lang pero may temporary uniform pa. Isa lang masasabi ko, ang OA ng ka-sosyalan ng school na ito.

"Mika!"
"Alexys, bawal magtagalog at mag-ingay dito. Shh.."
"Wow ha bawal magtagalog pero nagtatagalog ka."
"Shhh. Just keep silent muna."
"Ano ako cellphone?! Silent?! BWahahhaa." Biglang nagtinginan sa akin yung mga MIB at sinenyasan ako na tumahimik.
"Just call me in my first name, we are not allowed to call each other in nicknames."
"Why? Ang arte ha."
"Nah, just for formality. Alexys."

At ayun na nga nakarating kami sa testing center. May four conference rooms. 'Yung una is the Taiwanese, next is Japanese, next is Korean, and our room, Filipino conference room.

WOW! ;Q; TULO LAWAY KO!

Puro iPad per seat kasi doon daw mag-eexam and agad malalaman 'yung score. Magkatabi kami ni Mika nung exam kasi Sy ang surname ko at siya naman Sanchez.

"For the attendance, when I call your name, just unlock the screen of the iPad in your respective seats."

Grabe lingon ako ng lingon mga mapuputi, kano, kongkoyla at ang gaganda at popogi nila. Eh kamusta naman ang mukha ng Ms. United Nations ng Kopongkopong Highschool? Ayun, nakanganga.

"Mr. ..... blahblah...." Dirediretso ang attendance at 56 years na at wala pa yung tinatawag nilang Mr. Yu.

"Mr. Yu? Mr. Max Alexander Yu?" sabi ulit ng proctor.

Suddenly may MIBs na pumasok sa room and pumila, naglakad yung poging poging poging pogi na lalaki na naka... nakasimangot?! Hmm gwapo sana pero mukhang mas mataray pa sa ate ni Mika. Habang naglalakad, nagbabow yung mga MIB. HALA? Anak ba 'yan ng may-ari ng REU? Hmmm.

Umupo siya tapos inunlock yung tab.

"You can leave." Sabi niya at
"Yes young master." Sabi ng MIBs. Hahaha pinanindigan ko talaga yung MIB.
"Okay, we'll proceed to the ladies. Miss blahblahblah...." Sabi ng proctor
"Miss Mika Sanchez?" huwaa natawag na si Mika. Ako na next. Teka paano ba 'to?
"Miss Alexandria Sy?" Hmm? Alexandria?
"Uhm, miss, if you wouldn't mind me to correct you, It's Alexys Sy." Sabi ko in a good way. Honestly nagnosebleed ako sa sinabi ko.
"Thank you for the correction, Miss Alexys Sy,  kindly unlock the tab." Sabi niya. paano ba to? Slide to unlock daw eh. magsslide ba ako sa upuan ko? okay ang korni ko na.

After ng attendance, may pumasok na isa pang proctor at nagsalita.

"So the exam is 100 items. Remember, you'll receive the results after you take the exam. Good luck. Time starts now."

...

"Mikaaaaa! Oh my gahhhh!!! Scholar akoo" grabe talaga I'm so happy. Opo! nagtagumpay ang iskolar na nagdala ng pangalan ng Kopongkopong Highschool dito sa REU! naks naman!
"A-alexys, ano diba, after nito, mauna na ako ha." Sabi ni Mika. Eh? Anyare?
"Uy Mika... Huwag mong sabihing...?" Tanong ko at bigla siyang umiyak at niyakap ako.
"Alexys we need to talk. I already asked my ate to pack your things and bring it at the main gate, we're leaving. I'll miss you." Sabi niya. teka! Ang bilis naman yata! Kaka exam lang, kaka tingin lang ng result, aalis na siya? Anong joke yun?!
"What? Mika hindi magandang biro 'yan." Sabi ko sa kaniya
"I'm not joking. Hindi kasi ako pumasa at ang kapalit papaalisin ka ni ate sa bahay. Sorry best hindi ko sinabi agad. I love you best." After niya sabihin, tumakbo siya. Hinabol ko siya pero everything went black.

Royal Eastern University [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon