--Alexys' POV--
"I won't." sabi ni Xander sabay nagsmirk
After that, hinila niya ako palabas ng resto at tumatakbo kaming dalawa...Madilim na.. Gabi na pala?
Suddenly wala akong nakita kundi ang nakakasilaw na ilaw at nakarinig ako ng isang maingay na busina.
....
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" sigaw ko
"Ate ate! Kanina pa po kita ginigising!" Sabi ng isang babae sa harap ko.Sino kaya to?
"Ate inom ka muna ng tubig. Nalipat ako ng room dito sa dorm eh, roommates na tayo."sabi niya habang inaabot yung baso ng tubig. Syempre ininom ko. Ngunguyain ko yung baso? ganun?
"Thank you. Ako nga pala si Alexys Sy. Ikaw?"
"Fritzy Colleen Montaverde po. Since highschool pa ako dito scholar."
"Talaga? Huwag mo na akong tawaging ate. First year ka din naman diba?"
"Opo. Hehe, salamat."
"Salamat din ah, kung wala ka, baka namatay na ako dito."
"Ano ka ba, wag kang magsalita ng ganiyan."
"Sige pala ligo na ako ah, magbbreakfast ako sa labas eh."Pagkatapos noon, naligo na ako, 5am na din eh.
Inaalala ko kung ano ba ang napanaginipan ko... Naaalala ko lang haponesa, restaurant, tapos maingay na busina at nakakasilaw na ilaw.
Grabeee. Ano kaya yun?!
Pagkatapos kong mag-ayos, umalis na ako at lumabas ng REU para pumunta ng McDo. Syempre kain kain din ng pancakes at hot choco drink.
"Ate pwedeng makiupo?" sabi ng isang batang chinita.
"Sige lang. Upo ka na." sabi ko. Makikiupo siya eh madaming bakanteng upuan?
"Ate, ano pangalan mo?" tanong niya.
"Alex. Ikaw?" sabi ko
"Methyl po." sabi niya habang kumakain ng fries.
"Ang cute naman, parang alcohol."
"Pareho kayo ng kuya ko. Hindi naman ako alcohol eee!" sabi niya habang nakapout yung lips. Ang cute niyaaaa. Siguro pogi din kuya nito.
"Hindi baby methyl, joke lang yun ni ate Alex." sabi ko
"Methyl where are you?"Sabi nung babaeng naka-killer heels. Nakabihis na pang executive na damit.
"MAAAAAAA..." sabi ni Methyl habang papalapit.
"Methyl, saan ka ba nagpupupunta? Umoorder lang kami ni kuya mo bigla kang nawala." sabi ng mommy niya daw.
"Doon po. Ate Alex, mommy ko oh." sabi ni Methyl.
"Nice meeting you po." sabi ko sa mommy niya.
"Alex, pwede ba kaming makiupo?" sabi niya
"Ah opo." sabi ko.May papalapit na lalaking may bitbit ng tray at nilapag ito sa table.
"Kuya Marcus, where's kuya Clyde?" sabi ni Methyl dun sa Marcus.
"Nasa car siya. Bakit Aya?" sabi nung Marcus. Gwapo sana kaso masungit din parang si Xander.
"Ate Alex, this is my Kuya Marcus." sabi ni Methyl
"Nice meeting you." sabi ko.
"Nice meeting you too." sabi niya at ngumiti. Shoooootttt ampogiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!PAgkatapos nun, may dumating na lalaking maangas. Sobra.
"Insan, sino yan?" sabi niya kay Marcus habang tinuturo ako.
"Asawa ko pre." sabi ni Marcus.
"Gago! Di nga pre girlfriend mo? Kailan ka pa nagseryoso?!" sabi nung lalaki.
"Oo girlfriend ko. Diba bebe ko?" sabi niya sa akin habang naka-akbay pa.
"Girlfriend? GIRLFRIEND MO MUKHA MO!" sabi ko at tinanggal yung kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
"AYOS YAN PRE. BUSTED KA AGAD! FIRST TIME TOL!" sabi nung lalaki.
"Ewan ko sayo. Oh, Alex bebe ko, pinsan ko, si Clyde." sabi ni Marcus.
"Bebe ko mo mukha mo. By the way, nice meeting you." sabi ko.
"Ang gwapo ng pangalan, pangit naman mukha at ugali. CLYDE YAN EHHHH!!!" sabi ni Marcus.Tawanan kami ng tawanan kasi ang gulo nilang dalawa.
"Uy Alex, pasensya ka na ha, may tama yang dalawang yan eh. " sabi nung mommy ni Methyl.
"Okay lang po yuunnn." sabi ko.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa 6:30 na pala.
"Ay una na po ako. 7am po first class ko eh." Pagpapaalam ko
"Byebye thank you." Sabi ni Methyl at ng mommy niya.
"Wait, ano school mo?" sabi ni Marcus.
"REU." Sabi ko.
"Tara sabay na tayo ni Clyde." Sabi niya.
"Sige sige. Hahaaha." Sabi ko....
Uwaaahhh...
7am na, wala pa si Ritchie... Wala pa si Xander. Wala akong kakwentuhan ditto sa room."Hey, our date." Sabi ni Xander. Aba, wala nang good morning?!
"Good morning din!" sabi ko.
"Lex! Namiss mo ko?" sabi ni Chie
"Miss mo mukha mo." Pambabara ko.Dumating din ang prof ko sa English.
"Class, you will have a new blockmate, totally, nakipag-switch siya kay Miss Chang. Pasok ka na Mr. Hernandez." Sabi ng prof namin. Si Kuyang Bebe sa McDo!!!
"Good morning. Marcus Bryle Hernandez here." Sabi niya.
"HEY YOU! BEBE KOOOOOOOO!" Sabi niya habang tinuturo ako.
"Ano baaaaa!" sabi ko
"YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE!" Sigaw ng mga blockmates namin.
"Tss, sino ba 'yan?" sabi ni Xander
"Mukhang unggoy si koya!" sabi ni Ritchie
"Dati si Xander, tapos ngayon si Marcus? Flirt." Sabi nung isang girl
"Wait, sinong flirt?" sabi ko.Natahimik ang lahat tapos biglang nag-ring ang phone ng prof naming at lumabas siya dahil may emergency meeting daw sila kaya canceled ang classes whole morning.
PARTY NA SANA EH PERO
Nag-walk out ako. Nakakainis eh.
"TEKA BEBE KOOO!!!" Sabi ni Marcus habang hinahabol ako.
"S-sorry." Sabi niya.
"Okay, bumalik ka na doon. Iwan mo na ako." sabi ko. Mabuti naman at sinunod niya ako.Umupo ako sa garden at nagpahinga.
Malandi ba ako? Oo. Aminado no?
Bakit ganun, pag sarili ko sinasabihan ko ng malandi, feel na feel ko pa, tuwang tuwa pa ako. Bakit pag sa ibang tao ko narinig, ang sakit sakit.
BINABASA MO ANG
Royal Eastern University [Book 1]
Teen FictionThe school you'll be dreaming of. (COMPLETED: MAY 03, 2014)