--Max's POV—
Ano ba naman 'yan malelate na ako. Kasi naman si mommy eh, may bisita daw mamaya kailangan daw sunduin naming sa airport. ABA. Eh sa tinatamad ako eh.
Dami-daming bodyguards, bakit hindi yun ang utusan. -_- May binigay pang Japanese signboard sa akin. Hindi ko naman maintindihan!
Tss.
Pagkapasok ko ng room, WALA PA SI PROF. Ang effort ko namang mataranta diba? INIS. -__-Seryoso nanaman 'tong si Alys. Lumapit ako siyempre katabi ko siya sabay sabi ng
"Hey, our date." Pagpapaalala ko.
"Good morning din!" sabi niya. Hahaha! Nakalimutan ko mag-good morning. Tinatamad ako eh.Pinagmamasdan ko lang 'tong katabi ko. Anong ginagawa niya?
Ayun, naging GV na. Dumating lang ako, Good Vibes na? AHAHAHA JOKE LANG PO.
Maya-maya pa eh dumating din yung prof namin sa English.
"Class, you will have a new blockmate, totally, nakipag-switch siya kay Miss Chang. Pasok ka na Mr. Hernandez." New blockmate, eh?
"Good morning. Marcus Bryle Hernandez here." Sabi nung lalaking maangas na nakatayo sa harap. May bitbit pa ngang gitara. Mukha ba 'tong music room?Lumingon yung Marcus sa direksyon namin at sumigaw ng:
"HEY YOU! BEBE KOOOOOOOO!" Ako ba yung tinutukoy nito? BADING. Yuck.
Pero may biglang nagreact.
"Ano baaaaa!" sabi ni Alys na naiirita. Magkakilala sila.
"YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEE!" Sigaw ng mga blockmates namin.
"Tss, sino ba 'yan?" napalakas yata boses ko, nagtinginan sa akin lahat eh.
"Mukhang unggoy si koya!" sabi ni Ritchie. Kahit kailan talaga may pagka-prangka ito.
"Dati si Xander, tapos ngayon si Marcus? Flirt." Sabi ng isang babae.
O-oh! Wrong move! Sinong nagsabi nun? Napaka-moody pa naman ngayon ni ALys. May PMS yan diba.
"Wait, sinong flirt?" sabi ni Alys.Tapos ayun nag-walk out. Sinundan naman siya nung Marcus. Tumayo si Ritchie bigla at sinipa yung upuan niya.
"Sinong bitch ang nagsabi nun?!" Sigaw niya.
Walang umamin.
"This is bullshit! Walang aamin? TANDAAN MO 'TO. Kung malandi si Alexys, MAS MALANDI KA." Sabi niya. Agad akong nag-alala, baka mamaya nagsuicide na si Alys. HAHAHA BIRO LANG.
Kasi diba, baka mamaya atakihin yun, eh kailangan daw magconsult nun sa doctor sabi doon sa medical report niya.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, binuhat ko yung backpack naming dalawa at pumunta sa garden.
Teka, si Alys 'yun ah! Shit!
Nakita ko siya nakahiga sa sahig kaya nabitawan ko yung mga bag at agad siyang nilapitan."Alys, Alys, wake up." Sabi ko habang tinatapik yung cheeks niya.
"Hmmm.. Bakit?" Sabi niya. SUS GISING PALA.
"Bakit ka nandito sa sahig? Kinabahan ako! Akala ko inatake ka na!" sabi ko sa kaniya.Kumunot ang noo niya sabay ngumiti siya.
"Concerned ka noooohhhh??" Tanong niya na parang tinutukso ako.
"Concerned ka diyan? ASA!" Sabi ko
"Deny deny din pag may timeeee!" Sabi niya. Pang-asar din to eh.
"Nag-aalala ako baka hindi matuloy yung date natin kaya sasama ka na sa akin ngayon." Hawak ko ang kamay niya at dinampot ang bags namin.
Hinila ko lang naman siya papuntang parking area. After that, nagdrive na ako papuntang airport. 9am na eh, eh yung pinapasundo pa ng mommy ko!"Saan tayo pupunta?" sabi niya.
"Airport."
"ADIK! Saan nga?!"
"Airport. Ayaw mo maniwala, kunin mo yang nasa likod na upuan."Sinilip niya ito at...
"Japanese susunduin mo?"
"Mukha. Sabi ni mommy business partner eh. Ihatid lang natin sa bahay tapos alis na din tayo."
"Ay oh? Ang galling naman. Naeexcite ako!"
"Hah? Bakit naman?"
"Aba, mahahasa ang Nihongo skills ko ngayon! Hahaha! ANATA WA BAKA DESUUUUUU!" sabi niya.Maya-maya pa, nandito na kami.
Hmm, sino naman kaya yun?
Hawak ko ang signboard na maliit at parang timang na nakatayo doon. Natawa naman ako sa supportive kong alalay.
Tinapatan niya ako ng mini fan na design pa Winnie the pooh. Pinupunas-punasan pa yung sweat ko sa mukha. Hahaha. Parang yaya.
"Yaya, I'm thirsty..." pang-aasar ko, nagbebaby talk ako! HAHAHA ANG BADUY
"Wait lang baby ko, kukunin ko" Sabi niya habang binubuklat yung backpack ko.
"Yayaaaaa!!!" Sabi ko.
"What?!" sabi niya
"I'm thirstyyyyy!" Sabi ko. Wala naman kasing inumin sa backpack ko eh! Hahahaha!
"Wait!"
"Ya----"
"Shut up baby ko! Just drink your saliva nalang baby!" sabi niya.ANG KULIT TALAGA.
"Did you say saliva, yaya?" sabi ko. Tapos ayun nagkikilitian kami. Ang dami na ngang nakatingin sa amin. Hahahah! Pulang pula na siya. Wala eh, HAHHAA!
"Excuse me?" sabi nung isang babaeng nasa harap namin.
"Miaka!" Sabi ko at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Royal Eastern University [Book 1]
Teen FictionThe school you'll be dreaming of. (COMPLETED: MAY 03, 2014)