--Alexys' POV--
It's been many years mula nu'ng malaman ko ang totoo. Malaki na ang mga anak namin ni Xander. They're already in highschool. Saan pa nga ba sila mag-aaral? Sa Royal Eastern University din. Ang school na naging daan upang matuto akong umibig, matupad ko ang mga pangarap ko, malaman ko ang totoo, maging arkitekto, at makilala ko ang asawa't kapatid ko.
Si Ate Rahael? Ayun, close na close kami. Kinasal na din sila ng anak ni Attorney Sevilla. 'Yung Eric ba 'yun. Ewan ko sa kanilang dalawa, hahantong din pala sila sa kasalan. Ang sweet nga nila eh. May mga anak na din sila. Si Rache at Erael. Highschool na din, mga kaklase ng anak ko.
Kami ni Xander? We're going stronger. Siyempre hindi mawawala sa isang relationship ang away. Pero nagkakaayos din naman kami agad-agad. Tulad ng pinag-aawayan namin ngayon? Ang pag-aaral ni Winter, ang panganay namin. May nakuha kasi siyang scholarship sa Singapore. Ayaw payagan ni Xander mag-aral sa ibang bansa. Gusto niya ay pag-aralin din ng Architecture, taliwas sa kagustuhan ng bata.
Si Miaka? Sila ni Ritchie ang nagkatuluyan. May only daughter sila. Si Louisse Mitchie. Hahaha. Pero nasa Korea sila ngayon.
Si Charity at Marcus, may tatlong anak. Sila Charee, Charyle, at March. Si Charee ay kaklase naman ni Winter ngayong highschool.
Si Ayen naman at Clyde... Nawala din ang first baby nila pero may anak sila. Si Clyde Vien at Vyvian,
---
"Winter, nasaan na si Alely? Bakit hindi niyo kasabay?" tanong ko sa kaniya
"Ah mom, hindi po ba siya nagtext sa inyo? Hindi daw siya makakasabay pati sa pag-uwi." sabi ng panganay ko. He's Wintervince Alexander. Kuya figure talaga. Strikto. Pero kahit papaano, mapagbigay din 'yan. Napaka-artistic na bata kaya sa tingin ko eh may future din maging arkitekto gaya namin ni Xander.
"Bakit daw hindi siya sumabay? I-call mo nga. Sabihin mo umuwi na siya dahil uuwi si mama." sabi ko.
"Mommy, nagtext na pala oh. On the way na daw pauwi." sabi ni Alexandrix. Ang kakambal ni Alyxer. Parehong masungit. Ewan ko. Pero si Alexandrix ang carbon copy ni Xander. Kamukhang kamukha niya si Xander nu'ng bata pa ito. Pareho silang genius. Hindi lang bastang matalino, genius. Accelerated nga sila kaya kaklase na nila si Winter.
"Mommy oh. Our homeroom teacher wants to give to you." sabi ng bunso naming si Kallyx. Sobrang lambing na bata pero may pagka-taray kapag ayaw niya sa'yo. Kallyx Mykaella is her full name. Napakaganda ng boses. Super cute. Hahaha. Mana sa akin eh.Binuksan ko 'yung sulat. Parents-Teachers meeting. Election nanaman ng PTA officers sa REU. Alam niyo bang mula ng ipasok namin si Winter sa REU hanggang ngayon ay President ng PTA si Xander. Hahaha. Parang baliw diba. Parang dati lang, kaming dalawa yung palaging late sa gatherings at orientation.
"Sige akyat na kayo sa kwarto niyo. Mamayang 6:00pm dadating si mama kasama 'yung business partners. Mag-ayos kayo ha." sabi ko at nagsi-akyatan na sila.
"Hon. Ipili mo nga ako ng coat." utos ni Xander.
"Kung maka-utos ah. Bati na tayo?" sabi ko at eto nanaman siya, ang lalaking koala. Laging yumayakap.
"Sorry na hon." sabi niya.
"Tss. Matitiis ba kita?" sabi ko. Tapos hinila niya ako papasok sa masters' bedroom. He suddenly kissed me and I responded.
"Hon, sundan na natin si Kallyx. Malaki naman na siya eh." sabi niya sabay smirk
"G-Gago! Hanggang ngayon pervert ka pa rin!" sabi ko sa kaniya sabay hampas ng mahina sa braso niya. Siyempre, kaming dalawa, we always do it. Ikaw ba namang may asawang puno ng kamanyakan ang utak. Siyempre with protection. Ehdi sana dalawang dosena na ang anak namin. Aba! Mahirap kaya manganak!
"Para namang hindi natin ginagawa 'yun thrice a week. Busy ako sa trabaho ng isang linggo kaya matagal na akong.."
"Matagal ka nang ano? Tigang ka? Tch. Dalian mo. 4:30pm na. 30 minutes lang ha. 30 minutes. Dadating sila mama ng 6:00." sabi ko sa kaniya. Pinagbigyan ko na. I admit, namiss ko din naman ang asawa ko. Isang linggong subsob sa business plus may project pa silang condominium. Ako? Ang trabaho ko? Part ako ng firm nila. Kaso naka-leave ako pansamantala dahil gusto kong tutukan si Kallyx. Lalo na't grade two na 'yung bata.
"Ayoko. Gusto ko 1 hour."
"Engot! Mag-aayos pa tayo noh!"
"Sige. 30 minutes pero itutuloy natin mamayang gabi pagkauwi nila mama." sabi niya. At yun. We did it again.---
6:00 pm na, all set. Nandito kami sa living area at dumating na din ang mga bisita at si mama.
"Good evening mama." bati ko at niyakap niya naman ako.
"Tumatanda na talaga ako, hayy." sabi ni mama at niyakap din ang mga anak namin ni Xander. Lalong lalo na ang paborito niyang apo, si Kallyx.
"Mama nasaan na 'yung mga Kim?" tanong ni Xander kay mama
"Parating na sila. Hintayin nalang natin." sabi ni mama.---
"Good evening Mr. Harry and Sen. Minah Kim." sabi ng asawa ko at ngumiti din naman ako.
"Oh Xander! Tropapips! Musta na?!" sabi ni Harry. Ang tropa ni Xander nung college.
"Ayos lang, asawa ko nga pala, si Alexys." sabi ni Xander
"Hello!" sabi ko naman.
"Uy kayo parin till the end ha! Naks naman. Ito naman ang asawa ko, si Minah." sabi naman ni Harry
"Hello." pagbati namin sa isa't isa.
"Ahm, this is our children. Si Harvee, and his girlfriend Liz. Si Heaven, and ang bunso namin, si Hershee." sabi niya.
"Winter... Tara dito, isama mo mga kapatid mo." sabi ni Xander. Kinabahan naman si Winter. Alam ko, hindi masyadong close si Winter kay Xander.
"Ah hello po. I'm Winter. He's Alexandrix. He's Alyxer. She's Alely. And the other one is Kallyx." sabi naman ni Winter.
"NANDITO KA?! / YOU'RE HERE?!" sigaw nilang dalawa ng anak ni Harry na si Hershee.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Minah.
"H-hindi! / Opo." nye. Bakit hindi kilala ni Winter si Hershee kung kilala ni Hershee si Winter? Anyare?! Hahaha. I smell something fishy. Hmmm.
"Hahahahhaaha. Kayo ha...." sabi naming lahat kila Winter at Hershee. Nahiya naman ang mga bata sa lakas ng pang-aasar naming mga magulang nila.-----
Goodbye everyone. I'm Alexys Sy- Yu, and my story ends here. Thank you my dear alma mater,
Royal Eastern University.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's note:
GUSTO NIYO BOOK 2? HAHAHA CHAROT MALAMANG HINDI.
Thank you pala Ate Twinkle sa pagtulong sa book.
Dapat po kasi may book two ito. Kaso tinamaan ako ng katamaran. Tsaka si author ay hindi na arki kaya wala na siyang idea sa arki.
Weehee! Tapos na ho! Hahaha. Naloka ako. Ang daming nagrerequest ng BS pero siyempre inosente po ako. Hahaha. Hindi ako nagsusulat ng ganung mga bagay. Salamat po sa pagbasa ng storya kong sabog. Hahaha. Akalain niyo 'yun, natuloy ko 'to? Na-block kasi ang aking utak kaya medyo naging Hiatus 'to.
Salamat po sa mga nagvote, nagcomment, nagrecommend, at kung anez-anez pa.
BINABASA MO ANG
Royal Eastern University [Book 1]
Teen FictionThe school you'll be dreaming of. (COMPLETED: MAY 03, 2014)