Chapter 23. Our side

2.5K 58 1
                                    

--Ritchie's POV--

I'm sure madaming galit sa akin ngayon.
Fck eh hindi pwede tanggihan yung Kiss Camera eh. UGH -_-

UGHHHHHHHH!

(Konsensya: FAKE KISS? LUMANDING NGA YUNG LIPS MO SA GILID NG KISSABLE LIPS NI ALEXYS EHHH!)

Eh, hindi ko naman sinasadyang...

(Konsensya: Hindi sinasadyang? Hindi sinasadyang NADALA ka?)

Ano ba namang konsensya to -_-

(Konsensya: Oh baka naman HINDI MO SINASADYANG MAINLOVE?)

Ako? In love?

Weh?! Kay Alexys?! Sa CHILDHOOD FRIEND KO?!

Di nga?

EH ANG TAKAW NUN, MADALDAL, FEELING CLOSE, UHH... PERO IN FAIRNESS, MAGANDA NAMAN SIYA, MAGALING KUMANTA AT SUMAYAW... MABANGO YUNG BUHOK, MABAIT, DOWN TO EARTH, MA---

(Konsensya: EXACTLY KUYA RITCHIE LOUIS SANTILLAN! HARUUUUJUSKOPOOOO! FINALLY. Ngayon, nari-realize mo na siguro ang nararamdaman mo.)

Pero... Sa pagkakaalam ko....
May childhood sweetheart siya.

Nililigawan siya ni Max.

Paano pa ako makikisali? Makikisingit? Makikipagsiksikan?

FCKSHT ITUTULOG KO NA NGA LANG TO!

.

.

.

Kinabukasan...

.

Walang pasok pero ang aga kong nagising. Ang daldal ni EJ eh. Badtrip. Nasa baba yung living room pero yung boses ng magagaling kong mga kapatid, nangingibabaw.

"RITCHIE! R-I-T-C-H-I-E! SANTILLAN! RITCHIE LOUIS SANTILLAN! RITCHIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEE!" Ang ingay talaga. Kanina pa sigaw ng sigaw to. Pinagbuksan ko ng pinto sabay sinigawan ko.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?! WALA AKONG PASOK SO PLEASE, FOR GOD'S SAKE LIMA TAYONG MAGKAKAPATID. APAT KAYONG NASA BABA. MGA HINDI PAGOD. TATLO ANG PWEDE MONG DALDALIN! PAGOD AKO, OKAY? PAGOD AKO!" sabi ko. Bitbit ni Jae yung ipad niya at umupo sa kama ko.
"Umalis ka nga, matutulog ako -_-" sabi ko tapos tinutulak-tulak siya
"Kuya. Paki-explain nga, PAGOD KA? PAGOD KANG HUMALIK? YUNG TOTOO KUYA? NAKAKAPAGOD BA? BREATHTAKING?!" sabi niya sabay pakita ng picture namin ni... ni Alexys.

O_O

"Ano kuya? Na-tanga ka na diyan?" sabi ni maldita
"Matutulog muna ako. Labas na dali!"
"Kuya sagutin mo nga ako, may gusto ka ba kay ate Alexys?"
"Eh ano naman sayo?"
"Okay. Bye -_-" sabi niya tapos nagdabog palabas ng kwarto ko.

-_- Bullcrap! Panira ng araw!

--Max's POV--

(Medyo flashback muna tayo ng konti)

Nasa reception kami ng kasal nila Vivienne at Clyde.

Tss. May pa-kiss camera kiss camera pa sila. Teka nga, hanapin ko muna si Alexys.

AYUN!

Nagulat ako ng tumapat yung spotlight at camera sa tabi ko.

SHT BUTI NALANG HINDI AKO NASALI.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit ng biglang... Tumapat kay Alexys at Ritchie yung camera.

Bawal tanggihan yan.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Bakit ganito?!

Hinalikan ni Ritchie si Alexys. SAAN?!

Hindi kumikibo si Alys. Fck! Sila na ba?!

Pagkatapos ng 3 seconds na kiss na pakiramdam ko ay 22 hours nang nagaganap, lumapit ako at hinila ko si Alexys palabas hanggang parking lot

"Alys. Pakinggan mo 'ko!" napasigaw ako kasi nawawala na ako sa sarili ko. SHT TALAGA NABABADTRIP AKO!
"Xander?" sabi niya at parang kinakabahan.
"Sorry kung masakit yung pagkakahila ko." i managed to keep calm at inayos ang pananalita ko. Wala naman kaming commitment pero kung makaselos ako parang higit pa ako sa asawa. Siguro dapat lang na mag-apologize ako
"H-ha?" hanggang ngayon gulat pa rin siya.

Masakit.

Sobrang sakit...

Halikan ba naman ang taong....
ANG TAONG MAHAL MO?!
NG KAIBIGAN NIYA?

WHAT'S THAT?! Bahala na pero... Ang alam ko, nasasaktan ako. Siguro dapat malaman niya yun.

"Alexys, hindi ko alam. Ano kasi... Masakit dito." sht bakit ba umiiyak ako. Pero there's nothing to worry about dahil she's worth my tears. ALEXYS IS WORTH MY TEARS.
"Xander, a-ano ibig mong sabihin?" manhid ka ba? masakit! Magiging masokista ako para lang sayo. Para magkaroon ako ng pagkakataong maging akin ka. Kahit fake commitment lang. Umaasa akong magugustuhan mo din ako.
"Nagmamakaawa ako Alexys, pwede bang ako nalang. Kahit hindi mo ako mahal, okay lang. Basta ako nalang. Please Alexys." sabi ko kahit magmukha pa akong tanga dito. Napansin ko ding dumadami na ang mga tao dito sa labas
"Anong sabi mo?" sabi niya.

I guess I haven't had that chance. Napasabunot ako sa sarili ko at natauhan.

Mali ako.

Mali ang binabalak ko.

"I guess we should stop this. Ang laki kong gago. Sorry for that." sabi ko at nagmamadaling pumasok ng sasakyan ko

Gusto ko nang umuwi nang biglang hinawakan niya yung braso ko kaya hinarap ko siya. Hindi ko talaga matitiis tong babaeng nasa harap ko ngayon.

"M-max... Gusto din kita... A-ano... Kasi... Balak ko sana sagutin kita sa couple dance mamaya... Pero naunahan mo ako.... " a-ano raw? Talaga? Seryoso?
"T-talaga? Teka, eh si Ritchie?"
"Ha?"
"Yung kiss camera incident."
"Eh kasi ano, fake kiss lang yun."
"Fake? Hayy salamat. Hindi dumikit yung labi niya?" paninigurado ko at hinawakan ko siya sa balikat niya.
"D-dumikit."
"Saan?" O_O
"Dito" tinuro niya yung bandang gilid ng labi niya at pinunasan ko iyon ng tissue. Gago yun ah!
"Gusto ko ako ang first. Okay?" sabi ko at nagsmirk

HAHAHA NAKAKATAWA YUNG ITSURA NIYA PARA SIYANG CHERRY SA SOBRANG PULA NIYA XD

"TAYO NA DIBA?" tanong ko
"O-oo." niyakap ko siya ng mahigpit at dinala sa YS Group. Ang company namin.

Yung company na yun, itinayo yun ng family namin at ng family ni Alex, yung childhood friend ko daw sabi ni mommy. Pero dahil sa plane accident na kinasangkutan namin, I had an amnesia. Si Alex daw, na-coma. Yung parents niya, they passed away.

Wala na nga akong balita doon eh. Nasaan na kaya yun?

(BTW fastforward tayo ng konti)

"Alexys tara n--- Oh! Tito? Magkakilala kayo?" sabi ko kasi nakita ko si Tito Kian, ka-batchmate ni Dad nung highschool. Lawyer yun. Kilala siya here and abroad. Wala pang naitatalong kaso yun.
"Here's my calling card... Max, ikamusta mo ako sa mama at papa mo ah... Siya yung hinahanap ko matagal na. Isa sa mga anak ng clients ko na nag-iwan ng will." sabi niya at umalis na. WILL? Hmmm parang hindi ko alam to ah...Matanong nga..
"Okay po. Mauna na po kami." sabi ko at nagpaalam

Pumasok kami sa elevator. Tapos noon, pumasok kami sa private room ko.

Private room. Ito ang room dito sa YS group na tanging mukhang condo unit ang loob. Ito ang private space ko. Buong 17th floor, akin ang right side. Ang left side, diyan naman ang kay Alex. Pero hanggang ngayon, wala pang tuma-tao doon.

Siguro kung curious kayo kung bakit Alys ang tawag ko kay Alexys?

Kasi nakakaconfuse naman kung Alex din ang tawag ko sa kaniya, right? Max Alexander ang name ko. Parang tinatawag ko naman sarili ko kung tatawagin ko siyang Alex.

Royal Eastern University [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon