ME U.6

25 0 0
                                    


ELI POV

"Seems like you still haven't forgive him." Napatingin ako sa kaibigan kong si Reya. Siya ang lagi kong kasama pag nag-aaway kami ng bestfriend kong si Claude. Siya yung laging nagko-comfort sa'kin.

"Pa'no ko siya mapapatawad, kung pinagmukha niya akong tanga to everyone? Pinagmukha niya akong sinungaling! I hate him! I hate him! I hate him!" Pagmamaktol ko.

"Hey, alam mo namang mahal niya yung girl right? Sino ba ang mas paniniwalaan niya? Siyempre kung sinong mas matimbang sa puso niya. Tandaan mo Eli, you're just his bestfriend no more no less." Para naman akong tinadtad ng sandamamak na karayom sa dibdib. Tamado ako dun ah. Napaisip ako.
-

Ako si Eli.. isang dakilang tanga. Bakit? Kasi mahal ko ang bestfriend ko. Sobra ko siyang mahal, to the point na lahat ng babaeng lalapit sa kanya sasamaan ko ng tingin? Oo alam kong obvious, pero 'di naman nagagalit si Claude sa'kin. Ang alam lang niya kung bakit ako nagkakagano'n, kasi nagseselos ako bilang bestfriend niya. Pero ang totoo nagseselos ako bilang babae.. bilang nagmamahal sa kanya.. hindi bilang bestftiend niya. Ang sakit lag kasi.. na-stuck ako sa friendzone. Pero hindi naman ito ang gusto ko. Pero ano bang magagawa ko kung ito lang yung paraan, yung choice, yung option ko para makasama ko siya?

Pinili ko 'to, kaya dapat matuto akong makuntento sa set-up namin. Wala eh, wala na akong magawa. Kesa naman sa zero lang ang meron sa'min. Ang mahalaga nakikita kong masaya si Claude, 'yon naman ang importante 'di ba? Gano'n naman palagi ang tema pag one-sided lang.

SHORT STORIES x ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon