ELI POVMalapit na ako sa bahay ng may maramdaman akong sumusunod sa'kin. Now what?! Grr. Binilisan ko yung lakad ko. Dalawang kanto pa bago sa'min, medyo malayo pa.. tatakbo na sana ako ng may humila sa'kin sa isang eskinita. Sisigaw na sana ako ng tinakpan niya ang bunganga ko.
"Mm!.." tinanggal niya na yung kamay niya sa bibig ko at hinarap ako sa kanya. Susuntukin ko na sana ng marealize ko kung sino 'yon.
"I hate--" bigla niya akong niyakap. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako, pero pakiramdam kong safe ako sa bisig niya.
"Shh, shh.. 'wag kang maingay Migz. I'm here, don't worry." Bulong niya sa'kin, at hinigpitan ang yakap niya. Claude can feel that I'm tensed up. Tinignan niya kung may sumusunod pa.
"Okay Migz wala na siya." Tinignan niya ako. "Hey okay na, nandito ako don't worry." Alam ni Claude na I'm afraid right now. I have a fear that only him knows. Kaya lagi kaming magkasama pag-umuuwi, kasi 'di ko kayang mag-isa pag madilim na. I hate darkness.
"Bakit ginabi ka? Sinabi ko sa'yong may gagawin ako, wala kang kasama. But still nagpagabi ka pa rin? Where did you go?" Ang hirap naman magsabi ng excuse dito.
"Bakit ka nandito muna? 'Di ba it's your monthsarry day? I thought you'll surprise her?" Pag-iiba ko ng topic, bigla namang lumungkot yung mukha niya. And I know why. 'Di siya sinipot nung magaling niyang girlfriend, kasi nakipagkita sa iba!
"She says sorry, babawi daw siya. 'Di siya nakarating Migz, May emergency sa bahay nila." I just nod at him, what a lame excuse. Naiyukom ko yung kamay ko. "But don't change the topic, where'd you go?" I gulp *sigh* 'di ako makapagsinungaling dito sa lalaking 'to. 😒