AUTHOR's POV
Minsan kahit sabihin nating mahal na mahal mo ang isang tao, wala naman tayong assurance if they love us back the way we want them to. Ni hindi nga natin alam kung napilitan lang sila na pumasok sa isang relationship. Na baka nape-pressure sila kasi halos lahat ng nasa paligid niya ay in-a-relationship. Naiinggit na halos buong barkada niya may mga jowa na, samantalang siya wala.
Hindi natin maiwasang mag-isip in that way, lalo na kung nararamdaman mong wala man lang siyang ka-effort-effort sa relationship niyo. Pero minsan nahihiya ka din na magtanong, kasi nga baka magalit, mainis, mairita siya sa'yo. At 'yon ang iniiwasan mong mangyari 'di ba? Kasi ayaw mon gang mawala. Kasi mahal mo. Kasi mahalaga sa'yo. Kasi buhay mo.
--
NIKKA POV
"Anikka, 'san si Thorn?" napatingin naman ako sa bestfriend ko with my sad face. Na-gets naman na niya agad yung ibig kong sabihin. Tumahimik na lang ako at ininom ang kanina pang tunaw na shake ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Nawawala ako sa wisyo ko, nakakainis.
"Hay nako Anikka, ano ba yang boyfriend mo. Laging wala, laging busy or may emergency. Yung totoo? In-a-relationship ka pa rin ba? Malapit na kayong mag-isang taon, pero wala pa rin kayong progress." napabuntong-hininga na lang din si Frank. Lagi na lang kasing ganito ang nangyayari paglalabas kami ng boyfriend ko. Laging ang ending hindi natutuloy, at ang palagi kong kasama ay eto ngang si Frank, bestfriend ko.
"'Di ko na din alam kung bakit nga ba ganito ang kinahantungan ng relationship namin?" naihilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko. Napansin naman 'yon ni Frank, kaya naman agad niyang tinap yung ulo ko. Hindi na siya nagsalita pa, alam niyang in times like this I only need silence. Ako kasi yung tipo ng tao na pag malungkot, magpapakasenti pa ako lalo. Ewan ko bakit ako ganito? Siguro kasi pag tahimik, mas nakakahanap ako ng peace.
"Nikka.." napaangat agad yung ulo sa pagkakayuko, kasi napapaiyak na lang ako, nang marinig ko yung boses niya. Thorn? Anung ginagawa niya dito? Akala ko ba busy siya?
"Come with me." 'yon ang huli kong narinig sa kanya, bago niya ako hilahin palabas ng ice cream shop. Hindi ko na nagawang lingunin pa si Frank, kasi parang kusa na lang din akong nagpahila dito kay Thorn. -.- hay Thorn what did you do to me?
--
Nagtititigan lang kaming dalawa hanggang sa ako na ang umiwas. Hindi ko na siya kayang titigan pa ng matagal, nanghihina tuhod ko. Ang lakas talaga ng epekto ng lalaking 'to. -.- Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa magkabila kong pisngi, hinarap niya akong muli sa kanya. Eto na naman titigan na naman, but this time malapitan na. Damn it, Thorn!
"T-thorn.." hindi ko na lang siya tinitingnan. "Look at me Nikka." Hindi ko siya sinunod. "Nikk--" I cut him off. "Ano bang ginagawa mo Thorn? Hindi mo naman ako hinahawakan sa magkabila kong pisngi noon ah? Anong meron ngayon?" I tried to be calm as possible. Naramdaman kong marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. Gawd! I hope na hindi ako nag-blush! "Sorry. You think I'm weird now." I giggle at him. "Nah, it's okay. Anyway akala ko busy ka?" napayuko naman siya. Eh?
"I-I need to tell you something.." ano naman kaya 'yon?
"Uhm. Okay, what is it?" He stare at me again. Kailangan ba talaga 'yon?
"I want to introduce you to my family." Para naman akong napatanga sa tinuran niya. "Y-you're my girlfriend, so I.. I don't see anything wrong right?" Why he's stuttering? Kinakabahan din ba siya pag kaharap niya ako, tulad na lang nang nararamdaman ko pag kaharap ko siya? I find it funny.
*chuckle*
O_O
A-ako ba 'yong tumawa? Tinignan ko si Thorn na nanlalaki yung mata. Ako nga yung tumawa -.-
"It's your first time to laugh in front of me, Nikka." Oo nga 'no? First time ko lang na maging comfortable around Thorn. What's this feeling? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko?
*chuckle*
O_O
Thorn laugh too.
"It's your first time too, Thorn." As if on cue he smile. Not an awkward smile, but a natural one. Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang yung kamay ko papunta sa pisngi ni Thorn. He's eyes got widen, then it hits me. damn! Anong ginagawa mo Anikka? Paano ko ayaw ni Thorn na hinahawakan yung mukha niya?! I'm about to withdraw my hand from cupping his cheeks, ng pigilin niya ito. Ako naman yung nanlaki ang mata. Nagkatitigan na naman kami, but this time there's no awkwardness surrounding us.
The next thing I know is he lean in to me..
--