"'nak, may ibibigay ako sa'yo." seryosong saad ni Nanay. Bumalik kami sa bahay."Nay, 'wag mong sabihing pati ikaw may papel?" nginisian lang ako ng magaling kong Nanay.
"TAMA! 'NAK! TUMATALINO KA NA!" -.- "'nak! Good luck, I'm happy for you." sabay yakap ulit sa'kin ng mahigpit. Tinignan ko yung bakulaw kong kapatid na nakatingin lang sa'min ni Nanay. "Hoy bubwit .. 'wag ka ngang ngumisi diyan. Kung may papel ka rin namang ibibigay, ibigay mo na." obvious naman na meron din siyang papel na ibibigay.
"Sus, eto na po. Dyosa kong kapatid." inabot niya ang isang papel, kapareha ng mga nauna. Tinignan ko siya. "Tuwa ka naman? Ngayon lang 'yan, kaya lubos-lubusin mo na." sinamaan ko nga ng tingin, sarap sapakin eh. "Maganda ako magtigil ka diyan bubwit." balik ko sa kanya. Tumawa lang siya ng nakakaloko, nasisiraan na po ng bait ang bubwit kong kapatid mga kaibigan! "By the way, good luck ate Tabi. Pag-umiyak ka, sabihi mo lang sa'kin ah? This time walang pakundangang masasapak ko na siya." seryoso niyang saad. I'm not used at my brother's seriousness, it feels strange. Kahit si Nanay. "Ang weirdo niyo ni Nanay, lahat kayo." nag-shrug lang siya. "Fine 'di na talaga ako magtatanong, as if naman kasing may makukuha akong sagot." I give up.
--"Hoy! Ba-bakit tayo nandito Tobi?!" nagulat ako ng ibaba ako ni Tobi sa .. sa .. sa lugar kung saan naganap ang 1st anniversary namin ni .. argh .. ni Oden. "Maglibot ka muna ate Tabi, that's my suggestion." sabay ngiti.
Sinunod ko na lang yung suggestion kuno ni Tobi, kahit na I have an uneasy feeling inside me. This place is one of my favorite place at ito pa rin. Hinding-hindi mapapalitan ito.
"Tabi.." naputol ang pagre-reminisce ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. Lumingon ako sa kanya at mas lalo ko itong ikinagulat. "Romeo? Don't tell me?..-" he cut me off by hugging me. Akala ko ba malinaw na sa kanya na friendzone lang ang kaya kong ibigay sa kanya? So what's-- my thoughts got cut off.
"Don't worry I didn't plan all this. Matagal ko nang naisuksok sa kokote ko na hanggang magkaibigan lang talaga tayo." kumulas na siya sa yakap. "So I'm giving you this.." papel .. papel na naman. -.-
"Yung totoo papemeltori na ba ako?" napangisi naman si Meo sa tinuran ko. "Pwede mo ng buksan lahat ng papel na binigay sa'yo Tabi. Here, I'll help you." inilalayan niya akong umupo sa damuhan, pero bago 'yon nilatagan niya ng tela ang uupuan ko. Nagtaka ako pero kinalaunan na-realize ko na nakaputing bestida pala ako. -.- Isa-isa kong binuksan yung mga papel na ibinigay sa'kin. 9 papers in total. Lahat ng nakapaloob do'n sa papel ay puro letters. Pusang-gala naman, letra lang? Pasuspense pa 'tong mga taong 'to -.-
"A L I T M A A K"
Pagbukas ko ng last paper.. "H" nalaman ko a agad kung anong salita ang nabuo .. "MAHAL KITA". Tinignan ko si Meo ng may pagtataka.
"Oh, sinabi ko na sa'yo na hindi ako 'yan. Anyway, 'di na kita kailangang ihatid sa kanya. Kasi alam kong alam ng ouso mo kung saan ito tutungo." then iniwan na ako ni Meo, tumayo na 'ko. 'Di naman ako tanga para magtanong pa kung sino ang may pakana ng mga ito. Nag-umpisa na akong maglakad sa lugar na 'yon. Kung itong lugar na ito, ay ang pinaka-favorite place ko. Ang pupuntahan ko ay ang pinak-special na spot.
Malapit na ako do'n . konti na lang. Habol ang hininga ko, kinikapos ito. Hindi dahil malayo ang nilakad ko, hindi dahil tumatakbo ako. It's because I'm nervous, I'm excited. Naaaninag ko na ang isang matangkad na pigura na nakatalikod mula sa kinaroroonan ko. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Bigla na lamang bumagal ang oras habang papalapit ako sa kanya, parang nag-slow-mo lahat. At kaming dalawa lang ang nasa lugar na ito. Nang maramdaman niyang nasa tapat na niya ako, unti-unti siyang humarap sa'kin. Kahit na alam kong siya ang matatagpuan ko dito sa lugar na ito, 'di pa rin ako makapaniwala. It feels so unreal, everything. Lumapit siya sa'kin, ako namang parang estatwang ' di makagalaw at nakatitig lang sa kanya.
"O-oden.." 'yan palang ang kaya kong bigkasin sa mga oras na ito. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, halikan. Pero 'di ko magawa, nahihiya akong mag-initiate. Ang awkward din, kasi ngayon lang ulit kami nagkita sa loob ng limang taon.
"N-nakabalik ka na pala, ka-kamusta?" damn my stuttering! Napangiti siya, I miss that smile. "'Di ka man lang nagparamdam." uncomfortable, 'yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. "I did." napatingin ako sa kanya, he did? When?
--