Napatulala na lang ako sa kawalan ng maalala ko yung ex-partner ko. Naghiwalay kami ng hindi nakakapag-usap ng maayos. Ewan ko ba, masakit eh. Ang sakit lang ng ginawa niya sa akin. Yung pangarap na binuo namin, pinangarap na pala niya noon sa dati niyang nobya. Dumating ako, tinulungan ko siya na matupad yung mga 'yon unti-unti.
Pero nung oras na bumalik yung nobya niya noon. Sa huli, ako, na tinulungan siyang buuin ang mga pangarap niya, iniwan niya.
I gave him everything I had, but because of that, I got ruined. Kasi walang natira para sa sarili ko. But at the end of the day here I am.. still waiting for someone to love me the way I love them, or way better than I love him. Well, maling tao lang talaga siguro ang napagtuunan ko ng pagmamahal ko. Pero masarap ang magmahal, that's the greatest feeling in the world. Hindi matitinag ng isang tao lang ang paniniwala ko sa love.
"Orange!" I want to pretend that I don't know that person, kaya lang kasing kapal talaga ng dictionary ang pagmumukha niya. Yumuko na lang ako dahil ayaw kong makipagtitigan sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Hindi ako na-inform na snobber na ang partner ko ngayon." Sarap sungalngalin, ngiti ngiti pa siya oh.
"Correction, business partner. Ayokong mapagkamalan na girlfriend mo no." Umakto ako na parang nandidiri sa thought na 'yon.
"Luh, as if naman gugustuhin din kitang maging love of my life ko no. Assuming 'to." Inirapan ko siya.
"Pisti ka, lumayas ka nga sa harapan ko War. Asikasuhin mo na lang yung mga customer pwede ba." Akmang aasarin pa niya ako ng tinignan ko siya ng masama. Thankfully lumayas na s'ya sa harapan ko. Grr.
By the way, that's War for you. Yes, his name is War Montenegro and as I said, he's my business partner. Actually, he's a good man naman, pala asar lang talaga kaya nakakainis minsan. But, I'm very much grateful to him, for he is the one who saved this cafe of mine. Nag dilang anghel kasi siya nung bigla na lang siyang nag pop-up as my cafe's investor. It's been half a year already at dahil sa kanya nabuhay muli itong cafe.
This cafe is my life. A dream turned into reality. No exaggeration. Matagal ko rin itong pinaglaban sa panghuhusga ng pamilya ko.
"Ms. Kahel, there's this client from yesterday. And he somewhat observed the paintings surrounding our cafe, and he emailed us kung for sale ba ang mga ito?"
"Oh wow, for real? I don't actually thought of selling my paintings, but that client gave me an idea. Hm. What do you think Dennie?"
"Do it." It's War's voice. Mm. Should I?
"Well, painting is one of your dream besides of this cafe. So, why not make the best out of it. Go and sell it, I'm pretty sure plenty of people would come to love it. At malay mo, that's one of your ticket to get the recognition that you always wanted from your family." That makes sense. I smile at War at ginantihan din niya ako ng isang matamis na ngiti. Sometimes nahihiwagaan talaga ako sa taong ito. I do wonder what his real personality is. Kasi minsan para siyang smarty pants eh. Minsan parang naive boy. But one thing is for sure War is my savior.
"Thank you for the encouragement, War." I sincerely said. And he nod.
"You're always welcome, Kahel." Hays. When he calls me in my real name, my heart literally flatters. Nakaalis na si War, pero nanatili pa rin akong nakangiti sa kawalan.
"Hala siyaaaaa. Kunwaring naiinis inis sa pang-aasar si Sir War, pero sa loob loob kinikilig na ang singit mo riyan Madame." Eto namang si Dennie, nagmo-moment pa ako eh. Tss. I gesture her to keep it down at mamaya marinig pa ni War.
![](https://img.wattpad.com/cover/58714928-288-k752885.jpg)