Knew you less, Love you more

19 0 0
                                    

"Our beginning doesn't matter, ang importante ay yung kasama kitang bumubuo ng pangarap nating dalawa magpahanggang ngayon. Siguro yung umpisa natin hindi siya yung typical love story na ilang buwan nagligawan, o sa umpisa pa lang magkakilala na. Tayo kasi yung kumbaga bigla na lang nag click sa unang pagkikita. Na tipong parang matagal na nating kilala ang isa't-isa. Ilang linggong ligawan, hanggang sa nakuha ko na yung matamis mong oo sa sandaling panahon na yon."

I can't contain my tears the moment I saw my love crying while listening to my speech. I paused for a while to wipe those tears away from her beautiful face. And that earned some "awws" from the audiences.

"But you know what, mahal? Those were my happiest moments during those time. Every single day nakikilala kita ng mabuti, mas nahuhulog ako sa'yo. You unexpectedly came into my life. I never expect that I'll fall for you this hard. I know you love me so much, but you have no idea how hard I prayed for someone like you to came into my life. You're not the best or the most beautiful gift na naibigay sa akin. You wanna know why? Because you're the greatest gift for me. I love you, best, mahal ko."

I look at her lovingly before leaning in to kiss her lips. I never imagined my life without this woman in my arms. She's my life and my home, I don't think I can live without her by my side.

📍📍

Crayle


Habang nag-i-scroll ako sa fb, I feel so sad, knowing all of my batchmates are now successful. May kanya-kanya na silang work, yung iba nga after ng graduation meron na sila agad na work. Samantalang ako, eto. 2 years na akong naka tambay lang sa bahay, sasama-sama sa lakad ng aking butihing ina pero most of the time bahay lang talaga ako.

Feeling ko napaka walang kwenta ko, na napaka inutil ko. Kasi ako na lang yung walang trabaho sa amin. Ewan ko, takot? Anxiety? Shit na social anxiety na yan. Puta pati nga course na pinili ko hindi ko gusto, wala lang akong choice kasi wala talaga akong pangarap na course. Ewan, bobo siguro ako? Tamad? O wala lang talaga akong pangarap sa buhay. I should've at least one, pero wala eh. Lagi nila akong tinatanong ano daw ba yung pinaka pangarap ko na lang, kahit huwag na yung work. Sagot ko sa kanila? Wala. Hindi ko alam. Tinatanong nila ako kung yung magulang ko ba hindi mahalaga sa akin at hindi ko sila pinapangarap na guminhawa man lang? O gawin man lang silang inspirasyon. Ang sagot ko? I feel so apologetic to them, dahil hindi ko maibigay yung deserve nilang pahinga. Dapat ako na yung bumubuhay sa kanila, pero heto ako, palamunin pa rin hanggang ngayon. Ewan, ang malas lang siguro talaga nila sa anak.

Tinigil ko na yung Facebook and shut my phone for a while. Pumunta ako sa tindahan, kapitbahay lang namin. Makikipagkwentuhan muna ako sa kanila para mawala tong down-feeling ko.

"Ay sa wakas lumabas ang reyna sa kanyang palasyo." Natawa ako sa sinabi ng kaibigan kong barbie. Pero madali akong lumapit sa kanya kasi nakita ko madaming tao sa tindahan nila ngayon at nakatingin sila sa akin. Fck those eyes. I really hate it when people look at my direction, like, ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Hays. Tapos puro pa sila lalaki, eh sobrang naiilang ako sa mga lalaki. Kamalas-malasan!

"Ikaw talaga Xhell. Pero di mo ko in-inform na ang daming kadete."

"Alam mo Crayle, pag sinabi ko sa'yong liberty (meaning "labasan" sa school) hindi ka na naman lalabas diyan sa lungga mo. Lalaki lang yan, babae tayo friend " I sighed. Oh well, nandito na rin naman ako. As long as hindi ko iisiping may mga tao dito bukod sa amin ni Xhell, ok na ako.

SHORT STORIES x ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon