Another day comes around, another good morning, another sun rises.
As my daily routine, naligo, nagbihis, kumain ng breakfast at sabay gora sa school! It's our last day in Highschool, ano kayang mangyayaring memorable ngayon bago ang graduation?
How I wish na meron.
Naglalakad na ako papuntang school, since walking distance lang ang house namin sa school ko, nang may tumawag sa'kin.
"Elle! Aish, Elle!"
Napalingon naman ako sa taong ngayon ay nasa tabi ko at nakahawak sa kaliwang braso ko na hingal na hingal.
"Grabe athlete ka ba? Naglalakad ka lang ang bilis-bilis mo pa, saka kanina pa kita tinatawag 'di man lang ako lingunin." pagrereklamo pa niya.
"Eysh, sadyang usad pagong ka lang talaga Brent." pagbibiro ko sa kanya.
"Kaya nga eh, pati sa'yo usad pagong ako." may binulong siya 'di ko naman narinig, hanudaw?! Daming pinagsasabi neto wala naman akong maintindihan ni isa, pa'no ba naman kasi kinakain at binubulong lang yung sinasabi niya. Tsk.
"Oi! Nagsasalita kang mag-isa diyan? Share mo naman, binubulong mo lang kasi sa hangin eh. Psh." sabi ko.
"Sa'min na lang ng hangin yun! Haha. Tara na't pumasok, ambagal mong maglakad." aba't! Ako pang sinabihang mabagal, samantalang kanina aangal-angal siya sa bilis kong maglakad. Aish! Ang gulo nitong lalaking 'to!
••
Brent is my bestfriend since when we were a child. Pero I have a one-sided love on him. Hindi ko lang siya gusto, kundi mahal ko siya. Siguro sa tagal ng pinagsamahan namin, natutunan ko na rin siyang mahalin. Alam ko kung pa'no siya magalit, pa'no siya magtampo, pa'no siya lambingin, at kung pa'no siya magmahal .. at gusto kong maranasan yun. Pero mukhang malabo, friendzone lang ako.
Tuwing may ipapakilala siya sa'king girlfriend o nililigawan, parang sinasaksak ng sandamakmak na karayom ang puso ko. Pero hindi ko magawang umangal, because seeing him happy makes me happy too even if at the same time it really hurts. Madaming beses na akong umiwas, pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.
"Miss yung bag mo."
Bumalik naman ako sa ulirat ng may nagsalita at pagtingin ko si Manong Guard pala. Tumingin ako sa paligid, nasa school gate na pala kami. Pinacheck ko na yung bag ko saka ako pinapasok ni Manong Guard. Maglalakad na sana ulit ako ng may nagtawag sa'kin.
"Elle, wait for me!" sigaw nito.
"Hey, what's the matter? Kanina ko pa napapansing wala ka sa sarili mo ah?" tanong niya. Kinapa niya yung noo ko.
"Wala ka namang sakit? Do you have a problem Elle?" he asks worriedly.
Hala! Oo nga no! Nawala ako sa katawang tao ko, nakalimutan kong kasabay ko pala si Brent. Aish! What's the matter with you Elle.
"Ah, don't mind me Brent. I'm fine, don't worry." I assures him.
"As you say Elle." he said unconvince.
"Tara na." dagdag niya, I just nodded.
Habang naglalakad kami may nakasalubong kaming 'di kaaya-ayang mga babaita sa hallway. Si Claire, isang .. grr queenka 'kuno' ng school namin. Dating nililigawan ni Brent, ewan ko nga dito kay Brent kung anung nagustuhan niya kay Claire. Pero buti naman at naisipan niyang itigil ang panliligaw dito kay Claire. 1 month ago na, pero hindi ko alam ang rason bakit niya itigil ang panliligaw sa Claire-girl na 'to. I want to know why ..