Wacky
One summer when I met the man that I never thought would be mine. He is one of a kind. He is someone who's willing to give up everything just to provide you anything.
But despite all that, he still bow his head with such humility.
That's why I love him.
That's why it's also hard for me to forget him & everything he had ever done to me.
He's the man of my dreams.
He's the man that I thought would be mine .. For the rest of ours lives.
👑
>>14 years ago<<
Walang ibang ginawa si Wacky sa bahay nila kung hindi ang kumain at matulog. Hindi niya malaman kung anong gagawin niya bawat pag gising niya, lalo pa't bakasyon ngayon. Hindi naman pala gala ang pamilya niya kaya taong bahay ang ganap nila palagi tuwing bakasiyon. Pero gusto talaga ni Wacky na mag travel sa iba't-ibang lugar.
"Aha! Alam ko na! Talino mo talaga Wacky! Bakit hindi mo agad naisip 'yon?" bumangon agad siya sa kama niya ng may ideyang pumasok sa isip niya. Lumabas siya sa kwarto niya at nagtungo sa kwarto ng magulang niya. Kinatok niya ito at pinapasok naman agad siya ng mga ito.
"Oh himala't nakatayo ang Juanita natin ngayon Ma." pabirong saad ng Papa ni Wacky sa asawa nito.
"Anong meron Wacky? Napagod na ba yung kama mo sa kahihiga mo?" lalong humaba yung mukha ni Wacky sa tinuran ng Mama niya, kaya nagtawanan silang mag-asasa.
"Pinagtutulungan niyo na naman ako. Kayo rin naman eh!" tinawanan lang ulit siya ng magulang niya.
"Anyway, Ma, Pa. Magpapaalam lang ako sa inyo. Nababagot na ako sa bahay, so nag-decide ako na magbakasyon kila Tita Millet sa probinsiya. Pwede ba?" Dinadasal ni Wacky na sana pumayag yung mga magulang niya, though there's a slightest chance na payagan siya sa kadahilanan na ring babae siya.
Nag-isip ang mag-asawa at saglit na nagtinginan. Hinarap nila ng seryoso si Wacky na nakapagpalunok naman dito ng sunod-sunod. In the back of her head, she's already anticipating their answers. Pero dinadasal pa rin niya na sana payagan siya.
Kaya ng marinig niya ang magic word ng parents niya at nanlaki ang mga mata niya.
"Malaki ka naman na anak, basta 'wag kang pabigat kila Tita mo doon, okay? Just be careful Wacky."
Hindi na napigilan ni Wacky ang nararamdaman kaya naman napalundag siya sa kama ng parents niya at niyakap niya ang mga ito.
"Sige na, sige na. Mag-impake ka na, para bukas ihatid ka na namin doon. Mahaba-haba ang byahe mo, kaya magdala ka na rin ng mga pagkain mo." tumango-tango si Wacky sa Mama niya at nagpasalamat ulit bago tuluyang lumabas ng kwarto.
👑
Wacky
1wk. na rin yung nakakalipas simula ng magbakasyon ako kila Tita Millet. And so far, mas nagiging productive yung mga araw ng pamamalagi ko dito. I knew it! Buti talaga pinayagan ako nila Mama at Papa. Hihi.