"I never wanted to leave, but you make me go."**
Carri Tomas
Jaze Ocampo
**
CARRI
Kahit ilang beses kong punasan anng luha ko, wala naman itong tigil sa pag-agos. Nkakapagod na. Ayoko na, pagod na pagod na akong umasa na maibabalik ko kung anong meron kami noon, pagod na akong tulungan siyang baguhin ang sarili niya. Hindi ko na kayang manatili pa.
*flashback*
"Jaze, 'di mo ba kayang baguhin yung sarili mo? Kahit para kay Mama mo man lang at sa mga kapatid mo?" palagi na lang siyang ganito. Siya pa naman ang panganay sa kanilang magkakapatid, pero puro kagaguhan lang ang alam niyang gawin. Nag-uuwi ng babae sa bahay nila pag wala ang Mom nila. Anong oras ng umuuwi ng bahay nila dahil galing kung saan. Nagsusumbong palagi sa akin si Jade, tapos sasabihin ko kay Tita Min.
Sakit talaga sa ulo nila si Jaze. Kaya bilang bestfriend niya, ako lagi ang nilalapitan at pinapakiusapan ng pamilya niya na pagsabihin si Jaze, dahil sa akin lang daw ito nakikinig. Siguro kung noon, masasabi kong mapagsasabihian ko pa siya at makikinig siya sa akin. Pero ngayon? Hindi ko na alam, ang laki na ng pinagbago niya, halos hindi ko na makita ang dati ko bestfriend. Ibang tao na siya.
"Oh, anong gagawin ko sa kanila? Ako na lang ba palaging nakikita nila porket ako lang yung lalaki sa pamilya na ito? Tapos gagamitin ka pa nila para sumunod ako. Pwede ba Carri, ikaw na lang yung inaasahan kong iintindihin ako. Please lang ayokong magkainitan tayo dahil sa kanila. You mean so much to me, kaya sana 'wag mong sayangin yung pagkakataong binibigyan pa kita ng halaga." Nilagpasan niya ako at lalabas na sana ng kwarto niya ng magsalita ako.
"Ilang beses na kitang iniintindi, ilang beses na rin kitang kinukunsinti at maging pabor sa mga bagay na ginagawa mo. Pero Jaze, hindi sa lahat ng oras kailangan kong gawin 'yon. Dapat alam mo yung tama at mali, pero ano 'tong ginagawa mo?"
"Halimbawa na lang, yang pangbababae mo at yung pag-uwi mo sa kanila sa bahay niyo pag wala si Tita. Hidni ka ba nahihiya?" Sinamaan ko ng tingin si Jaze, pero parang tumagos lamang iyon sa kanya.
"Tsk. Yang sinasabi mong 'yan, dahil pa rin ba ito sa pakiusap nila Mom o dahil na ito sa feelings mo?" Napahinto ako. Ngumisi siya habang nakatingin sa mata ko ng diretso.
"Dahil gusto mong ikaw yung babaeng iuuwi ko sa bahay, pft." H-he's so unbelievable.
"Ano pa bang gusto mo? Pabor na nga ang pamilya ko sa'yo para sa akin eh. Ah! Yung puso ko ba? Pasensiya na pero hinding-hindi ko ito ibibigay sa'yo--"
*SLAPPPPPPPPPP*
Sinampal ko siya ng malakas, yung tipong mararamdaman niya yung sakit na dinudulot niya sa akin. Pati feelings ko dinadamay niya. Sumosobra na siya!
"Ayokong marinig 'yan sa lalaking hindi marunong magseryoso! Oo mahal kita hindi bilang mag-bestfriend lang. Oo mahal kita ng higit pa, pero hindi ko ginagamit ang pagkakaibigan natin para lang sa pansarili kong kaligayahan!" Napahinto siya at parang nawala yung ma-pride na Jaze kanina. Pero huli na siya.. hindi ko na kaya.
"I want to change you to be a better person, pero ito yung maririnig ko from you?! Pagod na ako Jaze, pagod na ako na lagi mong sinusumbat yung pagmamahal ko sa'yo. Pagod na akong maging kaibigan mo. Pagod na pagod na ako!" Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Umiiyak na ako .. napakahina mo talaga Carri. I never knew I love him this much.