Nagtataka pa rin ako sa kinikilos ni Nanay, tapos itong si Tobi naman ayaw sabihin kung sa'n pupunta. Pero habang tumatagal nagiging familiar na sa'kin yung nadadaanan namin. Dito kami laging dumadaan ni ... ni Oden, pag papasok na kami sa school ... Oden, the guy I want to be with for the rest of my life .. pero hindi gano'n ang iniisip niya sa'kin.Aish! Bakit ko pa ba rine-reminisce 'yon .. Napansin ko na lang na huminto ang sasakyan sa tapat ng school gate namin. Tinignan ko si Tobi ng may pagtataka.
"Andito na tayo ate Tabi."
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. Nginitian niya lang ako."Pumasok ka na ate, aantayin kita dito." bumaba na lang ako sa kotse. Then may sumalubong sa'king isang pamilyar na bata. Then nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko kung sino 'yon. "Len-len!" siya yung batang tinuturuan namin dati ni Oden. Ang laki na niya! Niyakap niya ako at gano'n din ako. "Ate Tabi , eto oh." *sabay abot ng isang papel* "Mamaya mo na buksan, pasok ka sa loob ate Tabi." sinunod ko ang sinabi ni Len-len. Nagpaiwan na siya sa labas, sayang naman gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Miss na miss ko na yung batang 'yon eh.
--"Bi, eto oh. Later mo na siya i-open." saad ni Maggie, bestfriend ko. Just what the hell is she doing here? Sa pagkakaalam ko nasa province siya ngayon para dalawin ang parents niya. Naguguluhan talaga ako? Ano ba talagang meron?
"Hoy babaita, anong meron at nandito ka? 'Di ba dapat bibisitahin mo sila Tita? Anong ginagawa mo dito?" ganyan ako, siga .. 'di ako sweet :D "Ayaw mo bang makita ako?" *pout* tinignan ko lang siya, then napasimangot siya. "Kahit kelan talaga Tabi. Anyway, may mas mahalagang okasyon pa kasi akong kailangan masaksihan kaya ako nandito. And besides sabi nila Mom na next week na lang daw ako pumunta, so .. yeah." yeah may naintindihan ako. -.- "Ano namang okasyon 'yon?" tinignan lang niya ako, is she mocking me now? Ngumisi siya sa'kin, aba! 'Tong babaitang 'to! "Ano ba kasi--" someone's cut me off.
"Ms. Letiza, good luck. Hope you'll be happy .. here take this." teka? Kanina pa ba si Mrs. Coral dito? She's my adviser in H.S. May binigay siya sa'king isang papel tulad nang kanina. Nakita ko naman sa gilid niya ang adviser ko nung College, si Prof. Marina. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Eh? "Eto Tabi oh." nagbigay din siya ng isang piece of paper pagkakalas sa yakap namin. "Sana maging happy ka." pagpapatuloy niya. Seriously? What's happening?
--Lumabas na ako ng school after naming magkwentuhan ng kung ano-ano at nagkamustahan. Sabi ko kay Maggie sumabay na sa'min ni Tobi, but she declined. May tutulungan pa daw siyang friend of hers, pero sabi niya magkikita pa daw kami. Eh? Sa'n? Ni hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin nitong kumag kong kapatid eh -.- Pagkasakay ko nang kotse, biglang nagsalita si Tobi.
"Do you have the 4 papers?" nagulat ako, pa'no niya nalaman? I just nod at him. "Okay, next destination na tayo ate!" he said cheerfully. Nawi-wirduhan na talaga ako sa mga nangyayari!
--"Long time no see Tabi! Sana maging happy ka na, after all this!" saad ng Manager ng favorite ice cream shop namin ni Oden. Yes, dito ako sunod na ibinaba ni Tobi. Naku-curious na 'ko ah! Nginitian ko lang siya.
"Can I ask, why do all of you giving me papers Cathy?" sabay wagayway nung mga papel na nakalap ko. And yes, binigyan din niya ako ng paper just like the others. "You'll know soon." tanging sagot niya.
--"Hoy bakulaw! Naeechosan na 'ko sa pwakwulo niyo ni Mwamwa." ang sarap talaga ng strawberry ice cream! Binigyan ako ng libreng ice cream ni Cathy nung paalis na 'ko sa shop. Eto yung favorite namin ni Oden .. Oden .. Oden again. -.-
"Chillax ka lang kasi kapatid. Malalaman mo din. And FYI! Sa gwapo kong ito tatawagin mo akong bakulaw? 'Wag gano'n kapatid. Maswerte ka nga at may gwapo kang kapatid at driver." inirapan ko lang ang self-proclamation niya. Nagpasiya na lang akong 'wag magtanong pa at ipinagpatuloy na ng pagkain ng ice cream.
--Next stop is..
"Partner! Here!" O.O
"PATI IKAW?!" Napaatras naman siya sa lakas ng pagkakasigaw ko. Pati yung partner ko sa pinagtatrabahuhan ko, binigyan ako ng papel. "Siya pala yung forever mo eh! Mr. O.D." eh? "Sige na baboosh! Kita na lang tayo later!" after that, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Sino pa ang susunod na magbibigay sa'kin ng papel?
--