ELI POV"Eli, I think we should go home already." Suggest ni Reya, pero wala pa talaga akong balak umuwi. Wala akong pakeelam kung gabihin ako at wala akong kasama, basta wala pa akong balak umuwi.
"Nah~ I'll stay here." Tinignan niya ako.
"Pero Eli gabi na, baka hinahanap ka na ni Tita." Pagpipilit niya. "Okay lang ako Reya. I'll just text Mama." I assure her. "Sigurado kang okay ka lang?" I smile at her. "I'm okay, sige na umuwi ka na." She nodded then start to walk away. Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat.
--"Ah.. napaka peaceful talaga.."
"Tama ka." Napatingin agad ako dun sa nagsalita. At kung kanina ayaw ko pang umuwi, ngayon pinagsisisihan ko na. Dapat pala sumabay na ako kay Reya.'Di ko siya pinansin, bahala siya diyan. Na sense niya na wala akong balak na kausapin siya, tumabi siya sa'kin. Uurong na sana ako ng higitin niya ako pabalik, dahilan para mapayakap ako sa kanya. Nagpupumiglas ako ng hinigpitan pa niya lalo ang pagyakap.
"Migz I'm sorry.." Ngayon pa?! Nakakabwisit siya!
*sniff-sniff*
What the hell? U-umiiyak si Claude?
"Tama ka.. I'm such a big idiot.. 'di kita pinaniwalaan. S-she admit that she's just using me, pero 'di niya talaga ako minahal." Ano 'to? Hanggang pati sa oras na 'to, gagawin niya na naman akong punching bag na sasalo sa mga suntok niya? Gusto na naman niyang i-comfort ko siya.
"Bitiwan mo ako. Kung ang dahilan bakit ka nandito, ay dahil iiyak ka na naman sa'kin umalis ka na lang." Tinanggal ko yung kamay niya na nakayakap sa'kin at nagmadaling umalis. Pero bago pa man ako makatayo, hinawakan niya yung kamay ko.