Mace
There's this guy, his name is Cain, he's two years older than me and we've been dating for 3 months now. We're on the 'getting-to-know' each other level. The first time we met was in the bahay bakasyunan of my friend back in College. And dang that feeling the first time I laid my eyes on him. Nung una kasi talaga hindi ko siya type, tahimik kasi siya, parehas kami actually. Kaya nga ilag ako sa kanya nung una kasi sa isip ko, ano yon para kaming pipeng dalawa? Parehas kasi kaming introvert kaya parang hindi click? But then, weeks after that, we begun talking to each other. Hanggang sa we got fond of each others' company.
Habang tumatagal, mas nakilala ko siya. Masarap na siyang kausap, masaya na siyang kasama. He's such a deep person, yung tipong laging may hugot sa buhay? Pero alam mo na yung mga hugot niyang yon kahit yung iba ang cringe ng pakinggan, pero totoo naman kasi based on experience talaga. Natutuwa lang ako kasi all along I thought he's the kind of introvert na hindi mo totally makakausap unless you start a conversation with them. Pero hindi eh, siya kasi yung introvert na deep? Na totoo palagi yung bawat salitang binibitawan niya. Na kaya niyang makihalubilo sa ibang tao willingly, haha.
And then, eventually, we've clicked. Na-realise na lang namin na ah! We have this spark that they're saying. Kaya we decided na we should date each other. Gano'n naman yon di ba? Hindi mo namamalayan na unti-unti ka ng mahuhulog?
We've been doing great since then. Hawak kasi namin ang oras namin, especially Cain, kasi bakasyon niya din from his school. Not until it was his time to go back to the academy he went to. Kung gaano kahaba at kasobra yung oras namin sa isa't-isa nung bakasyon, gano'n naman kakatiting at kaikli yung oras namin ngayon na nagbalik na siya sa academy. Yung academy kasi na pinapasukan niya mahigpit sa oras. Tipong may time table talaga sila simula 4AM-10PM, EVERY WEEK. Liban na lang kung makalabas sila ng academy tuwing weekends. Nasa loob kasi sila ng academy tuwing weekdays, dahil may quarters (other term for dorm) sila sa loob. It's a maritime school with a bit of military in it.
So ayun na nga, tuwing weekends na lang kami halos nagkikita. Madalas nga puro chat, texts, or calls na lang kasi mas pipiliin ni Cain na magpahinga sa weekends kaysa ang lumabas pa para gumala. Kasi yung weekends na yon ay luxury na nila yon. Unlike me, every day in a week is a free time for me. Kasi nga tapos na ako ng College, and now, I'm working from home. Hawak ko ang oras ko, unlike Cain, hindi na siya maka-oo pag nagyayaya ako, hindi na siya makadalo sa mga events na pinupuntahan namin dati nung bakasyon.
Oras, yun yung kulang sa aming dalawa. And this past few weeks, hindi na siya nakakapag-reply sa akin kahit ano. If I'm not mistaken, it's their exam-week, like literally na isang Linggo exam nila yon. Pero lumipas na yon and until now he's still not contacting me even though I saw him online last week. He even seened my last message to him, but didn't gave me a reply. Medyo nadisappoint ako, kasi alam naman niya na ayaw ko na nakikita siyang online tapos hindi niya ako pinapansin. Kaya sa perspective ko parang automatic na sa akin na wag na rin siyang i-message after he just seened my last chat to him. Coz I really have this negative behavior, that even I didn't like. I have this ego na kung ayaw mo akong pansinin, then I won't too. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong wala namang balak na kausapin ako. I know it's not good to have this kind of mindset, but sorry hun, this is who I am. At kahit gusto ko siyang intindihin-- kung ayaw niya, edi hindi ko pipilitin. Ayoko kasi na makulitan siya sa akin, na baka ma-feel niya na nasasakal siya, and the fact na wala pang kami is making the situation worse. Mahirap mag-demand, lalo na kung wala pa kayong label at kasiguraduhan sa kung ano ang posisyon nyo sa isa't-isa.