Buwan muli ang inabot ng hindi pagkikibuan ng magkaibigan. Alam ni Razor na mali siya kaya hindi niya muna nilapitan si Clad, dahil alam niyang malaki na ang galit nito sa kanya. Binigyan niya muna ito ng space at pati ang sarili niya.
Pero nakalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin siya pinansin ni Clad. Kaya naman siya na ang lumapit, pero tulad ng nakaraang buwan ay para lamang siyang hangin na dinadaan-daanan ng kaibigan. Ramdam niya ang cold treatment na binibigay sa kanya.
👑👑
Hindi akalain ni Razor na magtatanim nga ng galit ang bestfriend niya sa kanya. Akala niya ay tulad lang ng dati na mapapatawad siya nito at babalik na sa normal ang lahat. Akala niya lang pala, dahil salungat ang nangyayari sa kanila ngayon ni Clad. Marami ng buwan ang nakakalipas pero sa loob ng ilang buwan na yon, ramdam ni Razor ang distansya na binibigay sa kanya ni Clad. At ayaw niya ang nararamdaman niya sa tuwing lalapitan niya ang bestfriend niya at para lang siyang multo na hindi nakita at lalagpasan. May kirot sa kanyang dibdib. Dahil ito ang kauna-unahang beses na mangyari ito sa kanilang dalawa.
"Raze, can you help me--" Alam na ng kapatid niya ang kanyang hihinging pabor kung kaya't agad na nitong inunahan siya.
"Pasensiya na kuya, pero kung galit na galit si ate Clad sa'yo ay wala akong magagawa o kahit sinuman upang manumbalik pa kayo sa dati. Si ate Clad lang ang makakapagsabi kung kailan at KUNG mapapawi pa ang galit na dinulot mo sa kanya. It's your fault kuya, you always took her for granted. Pangako dito, pangako doon. You knew well how she hated broken promises. Pero ilang ulit mo siyang binigo at pinaasa. If I were her, siguro ganon din ang magiging asta ko sa'yo. Siguro dati pinagbibigyan ka lang niya at pinapalampas lahat ng kasalanan mo sa kanya. Pero nasagad at napitik mo na yung kahuli-hulihang pasensiya at tiwala niya sa'yo. Nangako ka at hindi mo ito tinupad, yun yung araw na inuna mo ang ibang tao kesa sa yumao niyong kaibigan. Ikaw ang higit na nakakaalam kung gaano ito kahalaga kay ate Clad, dahil minsan niyo lang mabisita si Kuya Zero sa isang taon tapos gano'n pa ang ginawa mo?" Mahabang lintaya ni Raze sa nakatatandang kapatid na animo'y sinesermunan ito.
"Magbago ka man o humingi ka man ng patawad ng paulit-ulit, sa tingin ko ay wala na yang saysay. Dahil binago mo na si ate Clad. Ikaw ang nagbago sa kanya kuya, remember that." Huling saad ni Raze bago tuluyang iwan ang kanyang kuya.
👑👑
Razor
"Happy debut my beloved sister." It's Raze's 18th birthday. At pinaghandaan namin ito, idinaos namin ang debut niya sa isang hotel. Actually most of the process ay si Clad ang nag-ayos. Coz it's her forte.
And speaking of Clad, I could say, we're fine. But not totally fine. Alam mo yon? Yung pinapansin niya ako, oo, but only when it's needed. Tuluyan na niyang dinistansya ang sarili sa akin. At masakit yon, nasaktan ako sa desisyon niya, at sa tingin ko patuloy akong masasaktan. Pero eto na siguro yung kaparusahan ko sa mga nagawa ko sa kanya. Mahirap pero kailangan kong tanggapin na hindi na maibabalik sa dati ang dating kami. Gustuhin ko man pero ano ang magagawa ko? I brought it to myself, I made Clad like this.
Wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang ito kahit labag sa kalooban ko.
"Clad/Ate Clad!" Sabay na saad ni Mom at ni Raze kay Clad. Napalingon naman ito sa kanila at naglakad sa kinaroroonan ng dalawa, habang ako dumistansya. Dahil alam ko naman na ayaw niya ang presensya ko. Pero tama lang ang distansya ko upang marinig sila.
"Hi guys! Happy debut my dearest Raze. I love you, baby sister!" Nagtawanan at nagkwentuhan lamang sila doon ng hindi ako kasama. At parang hindi naman nila alintana at pansin na wala ako doon.
"Ay! Before I forgot! I have someone to introduce! Wait lang at babalik ako." Cheerful na saad ni Clad. It's the first time na makita kong muli ang ngiti ni Clad. Pero hindi ko maintindihan yung puso ko, bigla siyang naninikip sa hindi ko malamang dahilan.
Napansin kong nagbalik na si Clad, pero tumalim ang tingin ko ng makita kong may kahawak siya ng kamay.
"Guys! Here he is! Meet Damon, Damon meet tita Ravien and Raze. They're my second family. And guys, this guy right here--" Nagulat ako ng yakapin ni Clad yung lalaking pinakilala niya, yung Damon. I clenched my fist at what I'm seeing in front of me.
"He's my boyfriend!" Biglang huminto ang lahat at tanging ang ngiti lang ni Clad habang pinapakilala ang lalaking kayakap niya ang nakikita ko. Sa kanya lang naka-pokus ang atensiyon ko at sa puso kong lalong sumikip.
"OMG! Really?! Hala! Hello po, I'm Raze, ate Clad's adoptive sister haha!" Nagbibiruan sila pero ako nakatayo dito na parang tanga. Napatalikod ako, hindi na kayang panuorin pa ang mga nangyayari. Unti-unti na akong naglakad palayo sa kanila.
👑👑
That was the first time I ever regretted something precious in my life that I took for granted. Clad is precious to me, not because she's my bestfriend, but because she's the woman I ever loved and will always love. Sobrang laki ng pagsisisi ko noon, kung bakit ba kasi hindi ako naglakas-loob sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, kung bakit kasi ako pinangunahan ng takot. Kung hindi ako gumamit ng ibang tao para sa iba mabaling ang atensiyon ko? Ano kaya kami ngayon ni Clad?
Naalala ko yung mga panahong hindi ko natupad ang mga pangako ko sa kanya. Tulad na lang sa championship game nila noon, humabol ako kahit na patapos na ito. Nakita ko yung pagka-disappointed ni Clad noon, alam kong ako ang dahilan sapagkat ako lang naman ang nangako sa kanya noon.
Nung tinutor niya ako, hindi naman ako nagchachat ng iba, kung hindi tinitignan ko yung mga pictures namin nung mga bata pa kami nila Zero. At hindi naman ako tulog non, nakita ko yung pagpupuyat ni Clad para lang matulungan ako. Kaya lang naman ako nagtulug-tulugan ay para makasama pa siya ng mas matagal. Pero hindi ko alam na sa pagiging selfish ko mapapahamak si Clad. Sa sobrang guilty ko, hindi ako umalis sa tabi niya nang nahimatay siya. Ako din yung nagdala sa kanya sa bahay nila at nagsorry sa parents niya.
At ang huli, yung death anniversary ni Zero. Hindi ko naman nakalimutan. Hindi ko naman inuna ang ibang bagay. Hindi naman ako naghatid sa airport. Si Hazel, kaibigan ko lang yon na nakiusap sa akin na isugod sa hospital ang nakababata niyang kapatid dahil na-dengue. Hindi ako makatanggi dahil buhay ang nakasalalay, at naaalala ko si Zero sa kapatid ni Hazel. Ayokong mamatay yung bata. Sinama ko si Hazel para mag-explain kay Clad, pero hindi ko alam ang tumakbo sa isip ko noon at sinabi ko ang mga yon, pinagselos ko si Clad. Pero it was such a wrong move for me. Dahil nakalimutan kong nagiging sensitive si Clad lalo na sa araw ng death anniversary ni Zero. Ang tanga-tanga ko noon.
Gago ako inaamin ko. Kaya nga sobra yung pagsisisi ko ngayon. Paano kaya kung sinabi ko na lang yung totoo kong nararamdaman kay Clad? Pano kung hindi ako naging duwag? Paano kung hindi ako naging selfish? Magiging akin kaya ngayon si Clad?
Ako kaya ngayon yung lalaking nakatayo kasama niya sa altar, at nag-e-exchange ng aming wedding vows?
--
Lame ending I know.