TAKEN

57 0 0
                                    


NATHAN POV

     If ako ang tatanungin "paano kung maibabalik mo pa ang nakaraan, babalikan mo pa ba ito o hindi na?"

     Ang masasabi ko lang, masarap bumalik.. pero kahit may pagkakataon pa, hinding-hindi ko na nanaisin pang bumalik. Dahil masaya at kuntento na ako sa kung anumang meron ako ngayon.
--

*flashback*

"Babe!" Awtomatikonh napangiti ang aking labi.
"Na-miss kita!" Saad niyang muli at saka ako niyakap.

"Mas na-miss kita babe." Ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap. Pagkatapos no'n humiwalay siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Let's go, we have to celebrate!" kahit kailan talaga napaka-cheerful niyang tao. That's one of the thousand reasons why I love her.
--

     Siya si Almira Bueno, at siya ang kaisa-isahang babae nagpapatibok ng puso ko. Ang cheesy ba? Wala eh, ganito siguro talaga pag in-love.

     Kararating lang niya from U.S., do'n kasi siya nagbakasyon ng isang buwan mahigit. Miss na miss ko na nga siya eh. At yung sinasabi niya na ise-celebrate namin, ay yung 2nd anniversary namin. Yes 2yrs. na kami and going strong.
--

"Babe tatagal tayo ah?" Saad ko at tumango siya.

"Siyempre naman babe, 'til whenever nga 'di ba?" Napangiti ako sa sagot niya.

"Babe, close your eyes." Tiningnan niya muna ako, pero pumikit din siya kinalaunan.

     Bago ko sunduin si Almira sa airport, hinanda ko na ang lahat para i-celebrate ang 2nd anniversary namin. Nandito kami sa lugar kung saan kami unang nagkakilala, it's a memorable place for the both of us. Kaya dito ko napiling mag-celebrate.

"Now open it." Utos ko na sinunod naman niya. And her reaction is priceless.

"Babe ano 'to?" 'Di siya makapaniwala na I prepare all of this for her.

"It's my surprise for you. Happy 2nd anniversary babe." She then hug me. Narinig ko siyang humihikbi.

SHORT STORIES x ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon