ME U.1

103 1 0
                                    

ELI POV

"Eli! Tara sakay na tayo sa bump car!" Sigaw ni Kin, pinsan ko. Ayaw ko ngang sumakay no'n ee. 'Di naman na ako bata para sumakay pa ng bump car.

"Ayoko, picturan ko na lang kayo dito." Winiwish ko na sana payagan nila ako.

"Ah sige sige! Tama picturan mo na lang kami ni ate Rish." Sabi niya.

Nakapila pa yung dalawa kong pinsan. Habang naghihintay sa turn nila, nang may mapansin akong lalake sa harapan nila na tinitigan ako. Dalawa sila actually, pero titig na titig yung gwapong lalake. 'Di sa nag-aassume ako aa? Nakatitig talaga siya sa'kin.

Ilang minuto na ang lumipas at mahaba pa rin ang pila sa bump car. Sakto namang tinawag ako ng inang kalikasan.

"Ate C.R muna kami ni Kin, kanina pa 'to ee. Mahaba pa naman pila, don't worry." Tumango naman siya.

Habang naglalakad kami ni Kin papuntang C.R bigla siyang nagsalita.

"Eli nakita mo ba yung dalawang lalakeng nasa harap namin ni ate Rish?"

"Oo bakit, anong meron sa dalawang 'yon?" Inosenteng tanong ko, kahit alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"Titig na titig sa'yo, tapos pinag-uusapan ka. Sabi ang ganda nung nakasalamin, ang cute mo daw." Nagblush naman ako ng konti do'n. 'Di ko ini-expect na mapapansin ako ng mga tao, dahil nga mukha akong nerd. "Haha gano'n ba? Pwede na teh!" Biro ko.

Nakabalik na kami sa bump car, saktong turn na nila Kin at ate Rish na sasakay. Habang nag-aantay, pasimple kong inililibot ang aking mata para hanapin kung nasa'n na yung gwapong lalake na sinasabi ni Kin na nakatitig sa'kin.

Nakita ko na siya! At nahuli ko ulit siyang nakatingin sa'kin. o//o

Bumaba na yung lalaki at yung kasama niya sa bump car at naghintay dito sa gilid ko. Nagtataka ako bakit pa sila nag-aantay kung silang dalawa lang naman ang magkasama.

Nakikita ko si kuya na nakasando, papalapit sa pwesto ko. Ang gwapo niya talaga.

"Excuse me." Napatingin ako sa kanya. 'Di naman sa nag-aasume ulit ako, na ako yung tinatawag niya. Nakakaagaw lang kasi siya ng atensyon.

"Ikaw po na nakasalamin." Tinignan ko siya at sa'kin nga siya nakatingin. "Bakit?" Tanong ko.

"Pwede pong ma-" Naputol yung sasabihin niya nang tawagin na ako nila ate Rish. "Sige mauna na ako." Saad ko at naglakad pasabay kila Kin.
-

Naghahanap kami ng rides na hindi pa namin nasasakyan ng tanungin ako ni Kin.

"Eli, nilapatan ka nung gwapo?" Bulong agad ni Kin. Tumango ako at siya naman nagtititili at kinikilig. Hala siya.

"Sa'n tayo next?" Tanong ni ate Rish. Narinig kong may nagsisigawan, hinanap ko 'yon.

"Ate! Ayun oh! VIKINGS!" Natutuwa kong saad.

"Sige go!"

Nakapila kami ng mag-ring yung cellphone ko.

"Hello?" Bungad ko.
"Migz." Natigilan ako. Tsk. Ngayon siya yung tumatawag sa'kin?

"Oh bakit?" Walang gana kong sagot. Napansin ito ni Kin at sumenyas sa'kin if ang kausap ko ay yung bestfriend ko. Migz ang tawagan namin.

"Sorry hindi ako makapagreply sa'yo kasi may impo--" I cut him off.

"Pwede ba Migz? If magbibigay ka ng reason sa'kin yung mabenta ah? Matagal na tayong magkasama, alam ko na bawat ginagawa mo. Yung routine mo. At yang importanteng ginagawa mo? Tsk. For all I know, it's a girl again. Sabihin mo lang if pagod ka na sa friendship na 'to." I ended.

"Migz naman, yes it's a girl again. But not the girl that you expected." Ano na namang pakulo 'to?

"Not the girl I expected huh? Bakit? Nag-iba na naman taste mo? Hindi na mga --" he cut me off.

"MIGZ!" Tignan mo 'tong taong 'to. Ngayon na nga lang tatawag at makikipag-usap sa'kin maninigaw pa! Napaka niya. "You're my reason Migz, you're my important reason. I have something here for you. Please just let me finish this."

"Idamay pa daw ako? Bahala ka diyan." I only said. "Mig--" I ended the call & silent my phone para walang istorbo. Ang dahilan niya ngayon ay ako? Nahihibang na siya.
--

"Tara na girls." Tawag ni ate Rish sa'min ni Kin.

Umupo na kami sa vacant seat sa Vikings, nasa pinakadulo kami. Habang nag-aantay ng mga sasakay pa, napatingin ako sa tapat ko. At sa dulo no'n nakita ko ulit si kuya na gwapo na lumapit sa'kin kanina. Napa-blush naman ako nung makita kong nakatitig na naman siya sa'kin. Napansin kong kasama niya na yung iba niyang mga kaibigan.
--

"ELI! PUNYITA! IBABA NIYO NA 'KO! KUYA KINGINA MO! ITIGIL MO NA!"

Buong ride humahalagapak ako sa tawa dahil kay Kin. Mura siya ng mura habang nakayuko siya. Tinatawanan tuloy siya nang mga lalaki sa harapan namin. Nakita ko din yung lalaking nakasando na natatawa sa reaksyon ni Kin. Nakakahiya si Kin, hanggang dun siguro rinig yung tili at pagmumura niya.
--

SHORT STORIES x ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon