The start
"HINAYAPUK! SABIHIN MO SA AKIN BHES KUNG SINO YUNG HINAYUPAK NA NAG-NAKAW NG FIRST KISS MO!"exaggerated na sigaw ni Julia.. Julia Montes ang dakilang Bestfriend ni Kathryn Bernardo. Hindi naman nagawang takpan ni Kathryn ang bibig nito at agad na nag-panic si Kathryn.
"Pwede ba bhes? Hinaan mo ang boses mo, Mamaya marinig ka ni mama hindi niya pa alam."mahinang sabi ni Kathryn kay Julia at ngumuso si Julia kay Kathryn.
"Bhes naman kasi, Hindi ba mahalaga sa ating mga babae ang First Kiss? Unang Halik!"sabi nito na pinagdiinan at pinaglalaban ang nalalaman niya.
"Pero anong sabi niya? Hiniram lang ng hinayupak na lalaking iyon ang First Kiss mo? ABA hindi ako papayag! Magkamatayan na! Bawiin mo yun."sabi ni Julia at napatayo pa ito. Natameme naman si Kathryn sa paligid dahil sa logic ng bestfriend. Kapag binawi niya iyon edi dalawang beses na silang nag-kiss.
"Bhes huminahon ka naman please? Akala mo naman na-rape ako."sabi ni Kathryn kay Julia at bumalik si Julia sa pagkaka-indian sit sa kama niya.
"Eh k-kasi.. K-kiss yun eh wah! Ang Labi ni Bestfriend na-devirginize na!"ngawa nito bago yakapin ang si Kathryn na akala mo'y na-rape ito.
"Okay lang yan bhes.. Wag kang mag-alala sa pasukan magpapa-devirginize rin ako ng labi kay Papa Enrique para parehas na tayo."sabi ni Julia sa kaibigan at napa-iling naman si kath dahil adik na adik talaga si Julia doon sa Enrique na iyon.
"Pero bago ang lahat! Bago matapos ang bakasyon kailangan kong mahuli iyang nagnakaw ng halik mo aba! Unfair talaga ang ginawa niya matapos kanyang halikan ng.. Ilang seconds nga ulit?"napa-payspalm si Kathryn sa bestfriend niya bago ito sagutin.
"Twenty seconds."sagot ni Kathryn kay Julia na nabilang talaga ang paghalik nito sa kanya. Nagtama lang naman ang labi nila ng lalaki at hindi iyon gumalaw. Hindi na siya nagkaroon ng chance na makilala ito dahil pagkadilat niya ng mata wala na ito sa harapan niya at tumakbo ata.
"Ayun! Twenty seconds na-Kiss and Run ka bhes!"sabi ni Julia kay Kathryn at napanganga naman si Kathryn sa pinagsasabi ni Julia.
"Ha? Kiss and Run?!"hindi makapaniwalang sabi ni Kathryn kay Julia. Si Julia naman ay inilingan siya bago mag-cross arms at ipaliwanag ang Kiss and Run.
"Hindi ba sinabi mo sa akin na hindi mo alam kung sino ang humalik sa iyo? Kiss and Run ang tawag doon parang Hit and Run lang."paliwanag sa kanya ni Julia habang naka-cross arms. Dumaan saglit ang katahimikan sa kanilang dalawa bago mabasag dahil dumating ang bungangerang si Miles.
"HOY MGA BABAITA! ANO? MAY PARTY DI NIYO KO SINAMA? SAKA ANG OA NIYO PARANG HINALIKAN LANG SI KATH."sigaw ni Miles.. Miles Ocampo. Isa pang walanghiyang sigaw ng sigaw na kaibigan ni Kathryn. Pero wag ka! Friendship iyan ni Julia at Kathryn since Grade 7 at ngayong Grade 12 na sila kasing solid pa rin ng bato ang kanilang pagkakaibigan.
"Pwede namang hindi sumigaw hindi ba? Nandyan lang si mama sa may ibaba."reklamo ni Kathryn kay Miles pero hindi natinag ang isang Miles Ocampo. Walang anu-ano ay nagsalita na naman ito nang napakalakas.
"Eh ano naman kung nahalikan ka? Okay lang kung gwapo at mabango ang hininga pero kung panget at mabaho aba! SUSUGURIN KO SIYA ANG LAKAS NG LOOB NIYANG RAPE-IN ANG LABI MO!"sabi pa nito na may kasamang sigaw kaya naman tinakpan na ni Kathryn ang bibig nito bago pa magsalita ng kung anu-ano at marinig ng mama niya na nasa ibaba lang. Hindi naman kasi soundproof ang kwarto ni Kathryn.

BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
TienerfictieSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...