Kiss 23

1.3K 27 5
                                    

Juliaby and Beaby

Nagising ako ng may nakayakap sa akin at mukha niya ang bumungad. Darating kaya ang araw na kapag gumising ako araw-araw ang mukhang ito na ang makikita ko? Babangon na sana ako ng may pumatong na kamay sa bewang ko.. So gising siya?!

"Uy gising."sabi ko sa kanya at tinapik siya sa pisngi niya pero gumalaw lang siya at umungol napangisi naman ako habang nakatingin sa kanya.

"Mahirap talagang gisingin ang nagtutulog-tulugan."sabi ko sa kanya at dumilat siya, Kaya napatawa naman ako ng mahina.

"Kanina ka pa gising?"tanong niya umiling naman ako kasi kagigising ko lang talaga. Eh siya kanina pa ata eh.

"Eh ikaw?"tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya at iyang ngiti niyang iyan nagdulot ng kilig sa tumbong ko bwisit!

"Bangon na."sabi ko na lang at bumangon kaming dalawa, Nang makatayo kami napatitig lang siya sa akin and yeah maiksi nga talaga yung night gown.

"Dapat talaga PJ's na lang ang binigay ko talaga sa iyo at hindi Night gown teka nga dito ka lang."sabi niya at lumabas, Naiwan naman akong natulala dito sa kwarto niya ganoon lang yun? Mang-iiwan siya sa kwarto niya?

Dahil sa sobrang tulala ko sa pagkaiwan niya sa akin hindi ko namalayan na bumalik na pala siya at hinalikan ako sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngiti lang ang sinagot niya sa akin kaya piningot ko ang ilong niya.

"Ikaw talaga Your Highness."sabi ko sa kanya at inabot niya sa akin yung tokong at white shirt ko na pinalaba niya raw kagabi.

"Sige na magbihis ka na.."sabi niya at tinulak ako papunta sa banyo ng marinig ko ang last word mula sa kanya.

"Her Highness."sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Her Highness? Para saan iyon?

"Her Highness?"tanong ko sa kanya, Lumapit naman siya sa akin at yinakap ako ng sobrang higpit.

"Eh kasi di ba Your Highness ang tawag mo sa akin? Her Highness naman ang iyo para fair hindi pwedeng ikaw lang ang may tawag sa akin dapat ako rin."sabi niya at napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Akala ko ba Nanny?"sabi ko at nag-pout ginulo naman niya ang buhok ko.

"Hindi front ko lang yun! Sige na magpalit ka na para makapag-breakfast na tayo nag-aantay na sila mama sa ibaba."sabi niya at pumasok na ko sa loob ng banyo niya. Nag-hilamos muna ko ng mukha saka nagmumog bago ako nagpalit ng damit. Nang maalala ko wala nga pala akong extra undies.. Inuwang ko ang pinto at tumingin sa labas.

Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko, He's topless at habang naghahanap ng masusuot sa Closet niya bakit ba kailangan ganyan ang itsura niya? Hindi ba pwedeng maghanap siya ng damit sa Closet niya ng naka-shirt? Putahamnida ang Hot niya!

"Kanina ka pa nakatingin diyaan?"sabi niya habang naghahalungkat pa rin nanlaki naman ang mata ko at napa-ubo.

"H-Hindi ah ano.."sabi ko sa kanya at hindi ko natuloy dahil pinutol niya ako.

"Haha nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?"sabi niya habang nakaharap sa akin at hawak ang white shirt niya. Nag-init naman ang pisngi ko at bigla akong nakaramdam ng hiya siguro iniisip niya ang manyak ko.

"Hindi kaya! Wala man lang ka-abs abs puro taba."sabi ko sa kanya at tumawa naman siya saka lumapit sa akin kaya nanlaki naman ang mata ko isasarado ko na sana ang pinto ng hinarang niya ang kamay niya kaya hindi ko nasarado yung pinto.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon