Kiss 6

2.1K 33 6
                                    

Sister's Code

Medyo late na nagisng ang apat. Alas-dos na pala kasi sila ng madaling araw nakauwi at ang dahilan nila sa katulong nila Kiray ay nag-movie marathon silang apat.

"Kiray, Napaano iyang nasa noo ni Kath?"pansin ng yaya Nena nila Kiray sa noo ni Kathryn.

"Ah.."hindi mahagilap ni Kathryn ang isasagot. Hindi niya alam ang sasabihin niya, Hindi naman niya pwedeng sabihin na hineadbutt niya si Jon Lucas sa party kagabi edi napagalitan silang apat.

"Tumama po kasi ako sa Headboard ng kama pagkagising ko po."dahilan na lang ni Kathryn at napakamot sa batok niya. Inilingan naman siya ng Manang Hilda nila Kiray, Ito ang pinakamatanda at mayordoma ng bahay nila Kiray kapag wala ang parents niya.

"Naku! Kath. Mag-iingat ka."sabi nito sa kanya habang nagsasalin ng gatas sa baso ng apat.

"Opo Manang, Salamat po sa pag-aalala."sabi ni Kathryn at ngumiti ng alanganin sa matanda dahil sa sobrang pagka-guilty.

"Wala iyon, Nga pala Kiray hindi ba may nakalimutan kang bilhing gamit para sa school niyo bukas?"tanong ni Manang Hilda kay Kiray at napa-palakpak naman si Kiray.

"Ay oo nga pala Manang buti napa-alala mo. Guys samahan niyo ko please."paki-usap ni Kiray sa tatlong kaibigan.

"Gora ako diyaan Kiray makiki-shopping ako."sabi ni Miles na excited mag-shopping.

"Shopping na naman? Edi ba nag-shopping na sila last week?"sa isip-isip ni Kathryn at tinignan si Miles ng hindi makapaniwala.

"Sama ko siyempre."sabi naman ni Julia at nagreact na naman ang pag-iisip ni Kathryn.

"Ikaw Kath?"sabay na tanong nilang tatlo kay Kathryn.

"Ano pa nga ba?"sabi na lang ni Kathryn at kumain na lang. May Sister Code kasi silang apat na kailangan sundin dahil ang Code na iyon ay isa ring Pangako para sa kanila.

Grade 8 sila nang magsimulang ang Code o mas kilala bilang Sister Code ng apat.

=======

=======

(Five years ago; Grade 8)

Dismissal na pero nasa loob pa rin ng classroom ang apat na magkakaibigan. Ay hindi pala apat dahil nag-aaway ang dalawa, nag-aaway si Julia at Miles dahil sinabi ni Julia kay Gian (na crush ni Miles) na may crush si Miles dito. Nagalit naman si Miles dahil sinabi ni Julia ang sikreto ni Miles kaya ngayon ay nagpupukulan sila ng mga masasakit na nagsasalita. Sina Kiray at Kathryn naman ay inaawat ang dalawang nag-aaway.

"Eh hindi ka kasi marunong mag-tago ng secret Julz! Hah! Kung alam ko lang may crush ka rin kay Gian."galit na sabi ni Miles kay Julia habang hinahawakan ni Kiray ng pilit ang braso ni Miles habang si Kathryn naman ay pinipigilan na sumugod si Julia kay Miles.

"Hindi ko crush si Gian nakyu-cutan lang ako sa kanya pero hindi ko siya crush!"pagtatangol ni Julia sa sarili sa sinasabi ni Miles. Alam ni Kathryn at Kiray na may mali si Julia pero hindi ito ang oras para pagalitan ang kaibigan.

"Eh bakit mo sinabi kung hindi mo naman pala siya crush?!"inis na tanong ni Miles kay Julia.

"Naiinis kasi ako sa iyo! Alam kong crush mo rin si Enrique pero sinabi ko naman sa iyo na Crush na Crush ko siya."natigilan naman si Miles sa sinabi ni Julia. Nag-aaway ang dalawa dahil sa Crush, Typical teenager na nag-aaway dahil lang sa crush.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon