Possessive Kiss
"Grabe stress na stress ako ang kukulit ng mga batang na-assign sa amin, Na-stress kami ni EJ."sabi ni Kiray habang hawak ang sentido niya at nagkatinginan naman kami nila Miles.
"Pero in fairness napasunod ng ka-gwapuhan ni Quen ang mga bata."sabi naman ni Bhes sa amin at napangiti ako ng maalala ko si Your Highness na magaling mag-handle ng bata.
"Well kaming dalawa naman ni Marco para kaming naging Yaya at Yayo sa kanila eh kayo?"sabi ni Miles na nakatingin sa akin para magkwento ako, I look at them.
"Magaling sa bata si Your Highness, Nakikinig sa kanya ang mga bata at expert na expert sa pag-handle ng bata."sabi ko sa kanila habang nilalagay yung mga libro ko sa locker.
"Oh? Edi naging instant parents kayo? Kasi di ba magaling ka rin sa pag-handle sa mga bata? Sa ating apat ikaw ang mabilis na nakakapag-pasunod sa kanila."sabi ni Kiray kaya naman natigilan ako sa sinabi ni Kiray.. Instant Parents.. INSTANT PARENTS?!
"Agad-agad?!"sabi ko at nabagsak ko pa yung libro kaya ang ending tumama sa paa ko.
"Aray!"sigaw ko at nagtatalon palayo sa libro at may nabangga ako ng hindi sinasadya.
"Miss."sabi niya at nasalo ako saka ko natitigan ang mukha niya. Oh em gi! Ang gwapo niya. Walang biro, Ang gwapo talaga niya.
"Sorry."sabi ko at dahan-dahan niya akong tinatayo. Napa-lunok laway ako, Gwapo kasi talaga.
"It's okay, Jerome Ponce nga pala."pakilala niya, Magpapakilala na sana ako ng may sumingit este mga sumingit..
"Good morning My Lady, Maganda ba ang iyong morning?"bati ni EJ kay Kiray na parang bulateng kinikilig dahil hinawakan ni EJ ang kamay niya at hinalikan.
"Madamoiselle, How's your morning?"sabi ni Marco kay Miles at ayun kinilig din.
"Did My Princess had a good sleep?"tanong ni Enrique kay Bhes at ayun may sarili na silang mundo.
"Nanny kamusta ang araw mo?"sabi ni Your Highness, Napa-role eyes na lang ako. Seryoso pala siya sa Nanny leche!
"Kamusta ang araw ko? Kanina okay ngayon hindi na dumating ka na."sabi ko at nag-cross arms. Tumawa naman siya.
"Talaga? Back to square one tayo Nanny? Ayos."sabi niya napa-iling na lang ako at napansin kong nandoon pa rin si Jerome.
"Uh sorry Jerome. Kathryn nga pala, Kathryn Bernardo."sabi ko at makikipag-shakehands na sana ako ng kinuha ni Your Highness ang kamay ni Jerome.
"Daniel Pare, Daniel Estrada."sabi ni Your Highness.. Edi ba Padilla siya? Bakit sinabi niya na Estrada? Wait.. Estrada sounds familiar.
"Jerome Ponce pare."sabi naman ni Jerome kay Your Highness at binitawan ni Your Highness ang kamay ni Jerome. Actually hindi binitawan parang binalibag saka umalis ng parang ewan.. Ewan ko sa lalaking iyon nag-bago ang mood. Napatingin din ang mga kaibigan niya sa kanya.
"Ay selos si Papa Daniel."sabi ni EJ kaya naman natawa ako sa pinag-sasabi niya kay Your Highness.
"Selos? Sino si Your Highness? Haha EJ grabe nakakatawa."sabi ko at pinagmasdan ang likod ni Your Highness na palayo.
"Ayiee si Kath pinagmamasdan palayo si Prince Charming."asar ni Bhes kaya naman naumay ang mukha ko.
"Anyeye tara na sa Classroom and by the way Jerome, Nice to meet you."sabi ko at umalis na kami. Alam niyo yung Feeling na yung mga kasama mo sweet tapos ikaw lang ang Forever Alone? Medyo nakaka-miss din pala yung pang-aasar nung si Your Highness.
"Miss Bernardo pwedeng paki-kuha ng gamit ko sa Library?"utos ni Ma'am Castro, Nag-nod na lang ako kahit na ayoko baka kasi masabihan ng bastos. Naglakad ako papuntang Library ng may humatak sa akin sa Abandoned Classroom dahil nga nasira ang mga ilaw doon pero walang Paranormal Thing sa loob.
"Ano ba sino ka ba?"tanong ko and he pinned me at the wall. Hindi ko maaninag kung sino siya dahil nga madilim pero ramdam at naaamoy ko ang hininga niyang mabango.
"Ano ba?! Hindi ka ba magsasalita? Sisigaw talaga ako sabihi-hmm."napatigil ako ng halikan niya ako kaya naman nagpupumilit akong kumawala kaso kilala ko ang halik, Naaamoy ko yung scent niya Familiar.
Dumilat ako para tignan ang mata niya pero hindi ko makita kasi nakapikit siya. Sinusubukan kong wag mag-respond sa halik niya at ramdam kong naiinis siya.
"Respond."utos niya ng hiniwalay niya ang labi niya saglit sa labi ko at hinalikan ulit ako. Husky yung boses niya.. Hindi ko lang sure pero magka-boses sila ni..
"Ah!"napa-aray ako ng kagatin niya ng madiin ang labi ko kaya naman napasok niya iyon ng dila niya and hindi ko alam kung ano na naman ang sumapi sa akin kaya naman nahalikan ko rin siya pabalik. Napapulupot ako sa leeg niya, He held me closer to him para mahalikan niya ako lalo.
In-explore ng dila niya ang bunganga ko pero mas nagulat ako ng bumaba ang halik niya sa Leeg ko kaya naman napasabunot ako sa buhok niya ng maramdaman kong sinisipsip niya ang gilid ng leeg ko binalikan niya ulit ang labi ko at hindi katulad kanina medyo aggressive, Ngayon Gentle na lang.
Dinilat ko ang mata ko at napansin kong nakatingin siya sa akin kaya naman nakita ko ang mata niya, Yung mga matang kilala ko. Si Mr. Hazel Brown eyes. We parted lips at hingal na hingal siya.
"Matagal mo na kong ninanakawan ng halik sino ka ba?"tanong ko sa kanya at nakatingin ako, This time hindi ko ako papayag na hindi ko siya makilala pero imbes na sumagot hinalikan niya lang ako at ako namang si Uto-uto nag-respond hanggang sa lumalim na naman ang halik at napapikit.
At tulad ng ginagawa niya hinalikan niya muna ako sa noo bago umalis, Ako? Eto tulala dahil naka-takas na naman siya agad naman akong tumakbo palabas ng may nakabangga ako.
"Aray!"sigaw ko dahil napa-upo ako sa sahig, Tinayo ako ng nakabangga sa akin.
"Nanny hindi ka kasi nag-iingat."napatingin ako sa nagsalita, Si Your Highness.
"Ewan ko sa iyo Leche!"sabi ko at napatitig siya sa leeg ko kaya napakunot ang noo ko.
"Ano yan Nanny? Lovebites? Don't tell me may boyfriend ka na? Haha buti may pumatol sa iyo?"sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero Lovebites? Nanlaki ang mata ko at agad ko namang tinanggal ang pagkatali ng buhok ko at nilagay ang buhok ko pantakip sa pesteng Lovebite na ito.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at naglalad na sa Library para kunin ang gamit ni Ma'am Castro at nakasunod naman sa akin itong si Your Highness.
"Tinago mo pa medyo halata naman, Sino ba boyfriend mo?"pangungulit niya sa akin, Sinamaan ko na lang siya ng tingin at hindi pinansin. Leche naman si Mr. Hazel Brown eyes nag-iwan pa ng marka!
"Red lips plus Lovebites, Nakipag-halikan ka ano? Make out ba?"sabi niya at nasa Library kami buti na lang walang tao kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Manahimik ka nga! Wala akong boyfriend may pesteng lalaki lang ang gumugulo sa akin."sabi ko at naglalakad na ako palayo kay Your Highness. Ugh! Sa susunod na magpakita ka sa akin Mr. Hazel Brown eyes sisiguraduhin kong makikilala na kita.
-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Daniel's POV
Di ko maiwasan mapangiti at tumawa. Bakit? Dahil sa itsura ni Her Highness kung paano siya mainis at maasar sa lalaking humahalik sa kanya na ako naman.. Ang boplaks naman niya, Hindi ba niya nahahalata na ako yun?
Pero di ko alam kung bakit ko siya nahalikan siguro dahil naiinis ako doon sa Jerome na iyon saka ayos na rin na nag-iwan ako ng marka para wala ng makalapit sa kanya di ba?
Di mo masasabi na ayaw niya kasi nag-rerespond siya sa mga halik ko pero hindi ako nagseselos ha, Naiinis lang. Di ko alam kung bakit pero ayokong may lalaking umaaligid sa kanya saka nakaramdam ako ng Guilty.. Hmm paano kaya niya ako mag-sosorry sa kanya?
And suddenly a bright idea strikes me! Ang talino ko talaga idagdag mo pa na gwapo ako.

BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
Teen FictionSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...