Kiss 11

1.7K 27 3
                                    

Class 4-A


"Okay Class!"sigaw nang magandang babae na kakapasok lang sa Classroom namin. Eto ang Homeroom namin at the same time last subject. Sa PIU kasi laging nasa last subject ang pinaka-homeroom niyo.

"Nandito na ba lahat?"tanong ni ma'am marami pang Vacant seat ibig sabihin marami pa ang wala.

"Okay i am Miss Angel Locsin you're Homeroom teacher for the whole year. Wala akong rules and regulation isa lang ang gusto ko sa inyong 4-A."sabi ni ma'am nagkatinginan kaming apat nila Bhes na nasa iisang row lang at magkakatabi.

"Ang gusto ko lang a-"naputol si ma'am sa pagsalita ng may isang grupo ang pumasok at nanlaki ang mata ko kung sino yung isa sa pumasok i mean kilala ko halos!


Walang anu-ano ay tuloy-tuloy lang sila ng..

"Kayo! Stop!"sigaw ni ma'am hindi naman sila tumigil para silang mga siga pero yung Twins tumigil. Oo sina Beaby at Juliaby etse si Bea at Julia yung Estrada Twins ewan ko nga bakit kasama sila sa kanila pero maganda iyon kasi kaklase ko sila.

"Ayaw niyong tumigil? Ha? Padilla Siblings and friends?"nakangising sabi ni ma'am. Whoa! She's cool pero what? Padilla Siblings? Dahil kasi doon napahinto sila.

"Your Grandparents gave me the permission sa inyo kaya ako ang bahala sa inyo for the whole year."sabi ni ma'am habang nakangisi at makikita ang maaasim na mukha ng Padilla Siblings.

"This is sht."rinig kong sabi noong Fiance ni Hug mo ko, Ang sama pala ng ugali niyang lalaki na iyan.

"What did you say Mr. Padilla?"tanong ni ma'am doon sa Dongkey Padilla ba ang name niya? Dayn? Ewan basta iyong lalaki na nakilala ko kahapon sa Mall na epal at ang nakabangga ko kanina.

"Nothing."sabi niya kay ma'am na parang hawak sila sa leeg. That's better para di sila mag-hari-harian dito porket sila ang apo. I feel safe kahit papaano dahil kahit apo sila wala silang magagawa.

"Okay lahat ng naka-upo ngayon tumayo kayo magsi-sitting arrangement tayo."nanlaki naman ang mata namin nila Bhes napatingin ako sa kanila.

"Hala ka Miles paano yan?"rinig kong sabi ni Kiray at napabusangot si Bhes.

"Si Miles lang?"bulong naman ni Bhes kaya naman napa-iling na lang ako.

"Eh siya lang pinaka-malapit eh pero sana maayos-ayos naman ang itabi sa akin."sabi ni Kiray ako naman isa lang ang hiling ko. Makatabi ko na ang lahat wag lang yung dalawang mag-fiance na yun. Ayokong tumanda ng maaga sa sobrang kunsumisyon.

"Okay, Girls labas muna kayo yung mga boys naman pumili kayo ng gusto niyong seat."sabi ni ma'am kaya naman lumabas kami. Napansin ko naman na hinddi ako pinapansin nung Twins.

"Uy Bea, Julia."nakangiting tawag ko sa kanila at sabay silang tinignan ako.

"Uh yes?"sabay nilang sabi sa akin at napangiti naman ako dahil natutuwa ako na makita sila sa iisang klase.

"Wala natutuwa lang ako kasi magkakaklase tayo."sabi ko sa kanila tapos ngumiti sila ng alanganin.

"Uhm Kath may sasabihin lang ako sa iyo doon tayo sa may likod."sabi ni Julia tapos hinatak ako sina Bhes naman kausap ni Bea.

"Kath."tawag sa akin ni Julia na kagat-kagat ang labi niya. Okay what was that for?

"Ano yun? Julia?"tanong ko sa kanya.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon