Your Highness is Sick
Nakapalumbaba ako dito sa Cafeteria habang sila busy kakakain at kaka-kwentuhan. Wala si Your Highness hindi siya nangungulit ngayon pero bakit parang bored ako? Edi ba dapat maging masaya ako kasi sa wakas wala na yung Feeling perfect na yun.
"Ay nandyan na pala si Daniel eh!"sabi ni Bhes at tumayo na siya at dumaan sa likod ko kaya naman napalingon ako.
"Uy nagseselos."asar sa akin ni Enrique tinignan ko siya ng look na hindi makapaniwala. Parang kahapon lang siya yung nagseselos pero kampante siya ngayon.
"Ako? Nagseselos? ASA saka sino ba sa ating dalawa ang selos na selos kahapon?"sabi ko at nilingon ko sila. Nakatalikod si Your Highness at nakaharap sa amin si Bhes na parang may binigay kay Your Highness at halata ang kilig sa mukha niya.
"Uy nagselos ka kahapon?"singit ni EJ kaya naman tinignan ko sila.
"Oo nagselos yan kahapon kay Bhes at kay Your Highness pero tignan mo kampante ngayon bakit nga ba?"sabi ko at nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.
"Kampante? Use kampante in a sentence."sabi ni Your Highness na kaka-upo lang sa tabi ko at si Bhes naman umupo sa tabi ni Enrique na parang bulateng naasinan.
"Kalokohan mo uy."sabi ko at pumalumbaba na lang.
"O sige nga DJ ano?"sabay-sabay na sabi nila.
"Kathryn ang ganda mo.."tinignan ko si Your Highness habang naka-pokerface habang sila Bhes naman inaasar ako.
"Ayiee! Ikaw Daniel may lihim ka palang pagnanasa sa bestfriend namin."sabi ni Kiray at ako naman napa-iling na lang, Magsasalita na sana ako ng tinuloy niya ang sasabihin niya.
"Kaya lang wala kampante."at namula ko sa inis na sinabi niya habang sila naman tawa ng tawa sa pinagsasabi nitong gunggong na ito! Ako walang panty?!
"Hahaha! Wala kampante?! Whahaha walang panty dre!"sabi ni Miles habang natatawa! Grabe sobrang bait nilang kaibigan!
"Ang bastos ng bunganga mo!"sabi ko at pinaghahampas siya ng mahawakan kong bagay.
"A-aray! Oy masakit yan wag yan!"sigaw niya kaya naman tumigil na lang ako at sinamaan siya ng tingin sabay kain ng french fries ko.
"Uy Kath sorry na parang joke lang eh."sabi niya at di ko na lang siya pinansin kumain na lang ako ng French Fries. All the time di ko siya pinansin hanggang matapos ang break kahit na kulit siya ng kulit.
=======
=======
"Kath pansinin mo na ko please? Sorry na sa mga nagawa ko."sabi ni Your Highness at hinarangan ako, Habang ako? Eto naka-titig lang sa kanya. Tapos na ang klase dahil half day lang kami at pauwi na ko ng harangan ako nitong ugok na ito. Napa-role eyes na lang ako at maglalakad palayo ng hawakan niya ko sa braso at hinarap sa kanya.
"Kausapin mo naman ako, Sorry na sa joke na nasabi ko kanina."sabi niya kaya naman tinignan ko siya. Hindi ka talaga niya titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya! Your Highness nga talaga.
"Okay na, Ayos na! Pwede na kong umalis?"sabi ko sa kanya at umalis na ako. Nakaramdam ako ng ulan kaya dagli kong binuksan ang payong ko sa loob ng bag ko kasi girlscout ako saka tag-ulan na.
Umuwi ako sa bahay na putikan hindi naman masyadong naputikan pero konti lang. Sinalubong pa ako ni mama na naka-pamewang.
"Kathryn Putik!"OA na sabi ni mama na ginagaya yung nasa Tide na TVC, Napa-iling na lang ako.
BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
Teen FictionSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...
