Mr. Hazel Brown Eyes
"Ano iyan anak may humalik sa iyo?"tanong ni mama na kalalabas lang mula sa kusina namin kaya naman nanlaki ang mata ko.. Si mama! Oh no! Biglang sumulpot si Kuya at nag-grin."Ha? Hindi ma may ano kasi ketchup! Kumain ako ng hotdog bago ako umuwi haha."palusot ko sabay umupo sa may Sofa namin. Grabe ang daming nangyari ngayong araw.
"Ano anak kamusta ang Gathering? Dinig ko masaya raw."sabi ni mama at winasiwas pa ang sandok na hawak kaya may nagtatalsikan na sauce ng Menudo. Umiwas naman ako pero si Kuya Neil hindi kaya natalsikan siya sa mukha ng Sauce napahagikgik naman kami ni mama.
"Ano ba yan ma! Ang harot."sabi ni Kuya Neil at pumasok sa banyo para maghilamos.
"Okay na man nakakapagod lang sige ma pahinga muna ko."sabi ko at umakyat sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Ang daming nangyari ngayong araw. Una tatlong beses akong nahalikan ni Your Highness. Kapal ng mukha di na nahiya dapat sa kanya pasabugin ang mukha. Ulo-Ulo lang kasama pati katawan para sabog pati laman!
Nang makaramdam ako ng antok. Kaya pumikit ako.."Miss may ketchup ka sa labi."sabi ng isang lalaki kaya naman napalingon ako. Kumakain daw kasi ako ng Hotdog. Nagulat ako ng magtama ang labi namin at hinalikan ako. Nabitawan ko ang Hotdog sa sobrang gulat.
Tinignan ko ang mata niya, Hazel Brown Eyes dahil kilala ko na naman siya, Siya ang nagnakaw ng halik sa akin sa Party at sa Locker Area. Gusto kong magbitaw sa halik namin para makilala ko siya kaso di ko kaya masyado siyang masarap humalik. Nang magbitaw kami ng halik titignan ko na sana yung humalik sa akin ng.."Hoy Babaeng Bungangera."kaya naman napalingon ako at sinamaan ko siya ng tingin. Si Your Highness! Ang epal talaga niya. Nilingon ko ang lalaking humalik sa akin kaso nawala na siya binalik ko ang tingin ko kay Your Highness kaso tumama ang labi ko sa baba niya kaya naman nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya.
"Grabe ka pinagnanasaan mo pala talaga ang labi ko."sabi niya kaya naman nainis ako sa sinabi niya.
"Anong ako?! Kapal ng muk-hmm.."napatigil ako dahil hinalikan na naman niya ako at iba yung ngayon gumagalaw ang labi niya kaya nanlaki ang mata ko! At..
"Haha shete Kath halikan daw pa ang stuff toys! Whaha shete!"sigaw ni Kiray ng mapadilat ako ng mata ko. Nasa harapan ko ang isang Stuff Toys kaya naman agad kong inalis iyon at nakita ko sina Bhes, Miles at Kiray na tawa ng tawa.
"Haha siguro haha iniisip haha mo haha si haha Daniel haha ano? Hahaha!"tawa ni Miles dahil hindi ko naman kasi maintindihan ang sinasabi niya. Binato ko sa kanila ang mga unan ko.
"Pero Haha di nga Bhes bakit hinahalikan mo yung stuff toys? Tawa kami ng tawa eh iyan ba ang epekto ha? ha?"sabi ni Bhes at humalakhak na naman sila. Napa-groan na lang ako dahil sa frustration. Langya ang sama ng panaginip ko.
"I had the worst nightmare! Bwisit lang."sabi ko at umiling-iling habang paupo sa kama ko. Nagtawanan naman sila.
"Hulaan namin."sabi ni Miles at nagtinginan sila nila Bhest at Kiray.
"Hinalikan ka niya sa panaginip mo ano?"sabay na sabi nila kaya naman namula ako at pinagbabato ko sila ng mga unan ko.
"Haha Confirm! Ayiee! namumula si Bhes. Kinikilig!"sabi ni Bhes sa akin kaya naman lalo kong nainis at tumayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/7296552-288-k27484.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
Novela JuvenilSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...