Kiss 10

1.8K 30 5
                                    

Batman's Kiss

That same day..

Umalis na yung babaeng nag-abot kay Linta ng Jacket. Natawa naman ako sa itsura nitong babaeng naka-cling sa braso ko kanina di niya napansin na wala na yung braso ko sa pagkahawak niya.

"Pre tara na."bulong sa akin ni Quen kaya naman umalis na kami bago pa bumalik sa realidad itong babaeng ito.

Nang makarating kami sa classroom namin tawa ng tawa si Enrique na parang walang bukas. Baliktad ata! Dapat ako ang mag-saya hindi ba?

"Pre kung nakita mo yung itsura ni Janella shet laughtrip!"sabi ni Marco Polo kaya naman napa-pokerface ako lalo dahil nakita ko at hindi ako bulag.

"Pero naalala niyo yung sinabi ko nung Party ni Ate Kylie."dagdag ni Marco Polo napatingin naman kami nila Quen at EJ sa kanya.

"Ano yun pre?"tanong ni Quen kay Marco at napatawa naman si Marco.

"Ay iyon ba yung.. "Cheer Up Jay, Malay mo sa yung babaeng pwedeng magpalayo kay Janella at the same time mamahalin mo sa pagpasok mo sa PIU." Iyon ba?"pangga-gaya ni EJ Mistrit kay Marco Polo. Napa-iling naman ako dahil kabisadong-kabisado ni EJ ang linya ni Marco.

"Pare baka siya na yun."sabi ni Quen at ngumuso pa kaya naman napangiwi na lang ako.

"Pare okay na sana eh, Maganda pero parang Nagger."sabi ko tapos umiling.

"Dayn bakit mo ko iniwan?!"sigaw ni Linta. Santa Claus magpapaka-bait na ko basta ilayo mo lang sa akin itong babaeng ito please? Isama mo siya sa North Pole.

"Wala ka bang paki-alam sa akin?"sabi niya sabay pout, Hindi talaga siya cute para sa akin.

"Wala."simple kong sabi tapos natigilan siya. Ano bang gagawin ko para lang lumayas sa harap ko itong babaeng ito?

Kapag harsh ako sa kanya sobrang persistent at kapag naman hindi ko siya pinapansin persistent pa rin.

-;-;-;-;-;-;-

-;-;-;-;-;-;-

Kathryn's POV

Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa ko iyon, Sa Popular pa! OH EM GI! Akala ko tahimik kong makakatapos ang taon na ito pero fudge nakabangga pa ko ng sikat at higit sa lahat apo pa ng may-ari ng school na ito! Anong gagawin ko?!

"Uy Kath! Ayos ka lang?"tawag sa akin ni Miles kaya naman agad akong napatingin sa kanya at tumango. I ease my mind para hindi ako mapagalitan ng prof namin sa harapan.

Pagkatapos ng ilang pang subject lunch break na namin. Agad kaming pumunta sa Lockers para itago muna ang gamit namin para makakain kami ng maayos.

"Bhes una na kami."sabi sa akin ni Julia kaya naman tumango ako at nilagay sa Locker yung mga libro ko. Huminga ako ng malalim sana wala dito yung Fiancee nung apo nung may-ari baka may resbak yun.

Umiling-iling ako.. Ano ba yan! Matapang ka hindi ba Kathryn? Isa kang Bernardo kaya dapat matapang ka! Whoo!

Pero nagulat ako ng may humatak sa braso ko at hinatak ako sa may likod ng Lockers muntik pa akong mapatili sa takot dahil hinatak niya ako sa madilim na parte sa likuran ng Lockers.

"Uwaa-hmm"sigaw ko dahil sa gulat kaso may tumakip sa lips ko na malambot na bagay at ngayon ko lang naisip na hinalikan ako sa Lips. Wha! OMG na naman? Nakita ko na naman yung Hazel Brown Eyes na yan..

And it hit me.. Siya yung lalaking humalik sa akin nung Party. Hindi naman siya anong kiss magkadikit lang ang labi namin.

"Where are you myloves?"rinig kong boses kaya naman ngayon ko lang na realize na pwede akong humiwalay sa halik na iyon lalayo na sana ko ng hawakan niya ang batok ko at ginalaw niya ang labi niya.

Hindi ko alam pero napa-respond ako sa ginagawa niya, Siguro instincts ko na ang nagsasabi na mag-respond sa lalaking ito na may Hazel Brown na mata. Alam kong siya yung sa Party kasi parehas yung halik niya ganyan na ganyan kasi siya humalik, Mainit at marahan. Napapapikit tuloy ako..

"Dayn i know you're here! Lumabas ka na!"rinig kong sabi ng boses pero nagulat ako ng kagatin niya yung lower lip ko kaya naman nabukas ko iyon at pinasok niya ang dila niya.

He's exploring my mouth! Damn ang galing niya.

Nalulunod ako sa halik niya at hindi ko namalayan na unti-unti na palang umaangat ang braso ko para ipulupot ko sa leeg niya ang dalawang kamay ko. Naramdaman ko naman ang dalawang kamay niya sa waist ko. Naramdaman ko ang pag-clench ng kamay niya sa waist ko ng napadiin ang hawak ko sa batok niya.

Dalang-dala na ako sa halik kaya hindi ko na rin alam ang ginagawa ko. Inilapit niya ako sa kanya at sinandal sa may pader hingal na hingal na ko pero hindi ko pa rin magawang bumitaw, This is kiss somewhat connected.. Connected? Ano bang pinag-iisip ko? Sobrang nalalasing na ata ako sa halik na ito.

Humiwalay kami sa halik na iyon na hingal na hingal kaming dalawa. Naaamoy ko pa ang mabango niyang hininga sa sobrang pagkahingal.  I-aangat ko sana ang ulo ko para makita siya ng hinawakan niya ang likuran ng ulo ko at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko at hinalikan niya ko doon. Dahil hindi pa rin ako maka-get over sa kiss sa noo na iyon ay hindi ko nagawang tignan siya. Napatitig lang ako sa dibdib niya at may naka-usling Batman print sa shirt sa loob ng uniforme niya.

Humiwalay ang labi niya sa noo ko at umalis sa harapan ko. Ilang minuto bago ako nakabalik sa realidad. What the?! Ano iyon Kiss and Leave?! Hindi ako makapaniwala na pangalawang beses na naming nagawa iyon at parati niya akong iniiwan nang hindi ko man lang siya nakikilala.

"Kath!" "Bhes!" nagulat ako sa tatlong sumigaw kaya naman napatingin ako sa kanila na naka-cross arms.

"You are 5 minutes late.. Bakit ang tagal mo sa Locker Area? Ano hinalikan mo ang mga libro mo?"sabi ni Kiray habang nakataas ang kilaykaya naman napa-iwas ako ng tingin kung alam lang nila.

"Bakit ang pula ng lips mo? Ano iyan? Lipstick?"sita naman ni Miles sa labi ko na mapula kaya naman agad akong napahawak sa labi ko.

"Adik ka ba Miles? Alam mo naman na hindi nag-mamake up si Bhes kapag walang Special Occasion."sabi ni Bhes kaya naman nagkatinginan sila.. Nagsalit ang tingin ko sa kanila na mukhang nahuhulaan na ang nangyari.

"OMG Don't tell us nandito si.."sabay nilang sabi at nagkatinginan.

"Nandito yung nagnakaw ng lips mo?"bulong ni Bhes at napatango naman ako. Alam din nila ang nangyari nung Party and recently lang iyon, Sure akong hindi na nila maalala yung unang beses na may humalik sa akin sa Burger-an.

"Nakita mo na yung mukha?"tanong ni Kiray na ngayon nagkikisay sa kilig, Napa-iling naman ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya pero alam ko ang amoy niya, Mabango siya at halatang mamahalin ang pabango.

"Ano ba yan Kath?! Dapat nakita mo kung ano itsura, Ano yan? Pangatlo na yan ah."sabi naman ni Miles kaya naman napa-buntong hininga na lang ako dahil hanggang ngayon naaalala pa rin pa pala nila ang unang nagnakaw sa akin ng halik.

"Hindi ko kilala kung sino yung nauna, Pero yung pangalawa nakita ko yung mata niya at na-recognize ko yung halik niya kaya sigurado ako yung humalik sa akin ngayon siya yung humalik sa akin sa party."sabi ko sa kanila at tulala pa rin ako dahil mas grabe yung ngayon. Nagustuhan ko talaga yung nangyari ngayon at hindi ako magkakaila na hindi ko iyon nagustuhan.

"Alam mo Kath, Kumain na lang tayo gutom na ko."sabi ni Miles at hinatak nila kong tatlo sa loob ng Cafeteria. Hay naku! Kapag nalaman ko lang kung sino ka makikita mo! makikita mo! Hindi ko alam ang gagawin ko sa iyo..

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon