Kiss 2

2.4K 39 2
                                    

Strict Parents


Next week na ang Slumber Party este ang Party ni Kylie Padilla pero hindi pa rin alam ng parents nila ang plano nila na pumunta sa ganoong party. Ang plano nila ay magii-sleep over sila sa bahay nila Kiray pero pautot lang nila iyon dahil magii-sneak out sila palabas ng bahay para makapunta sa bahay nila Kylie Padilla.



"Ano kakausapin natin si Tita?"sabi ni Julia kay Kathryn. Kasama na nila Miles si Kiray na isa pa nilang kaibigan.



"Sige kapag pinayagan ako, Papayagan ka rin."sabi ni Kathryn kay Julia and Julia cross her fingers, Wishing it will work. Tinulak ni Miles si Kathryn habang si Kiray binulungan si Kathryn.



"Remember the Plan A, Kapag di ka pinayagan.. Plan B na tayo."bulong ni Kiray kay Kathryn. Tumango naman si Kathryn saka nilapitan ang mama niya na nagpupunas ng paso malapit sa pintuan nila.


Ang Plan A magpapa-alam si Kathryn sa mama niya pero kapag hindi siya pinayagan to the rescue na ang girls para sa Plan B. Hindi matanggal-tanggal ang napakalaking sweet smile ni Kathryn habang papalapit siya sa mama niya.



"Ma."tawag ni Kathryn sa mama niya using her sweetest tone.



"Ano kailangan mo anak? Sure akong may kailangan ka."siguradong sabi ng mama ni Kathryn sa kanya habang nagpupunas pa rin ng paso at hindi tumitingin sa kanya. Hindi pa rin tinanggal ni Kathryn ang napakalaking ngiti niya.



"Ma kasi may Par este Slumber Party po kami nila Julia sa bahay nila Kiray."ngiti-ngiti pang sabi ni Kathryn sa mama niya. Hindi naman siya parating nagsisinungaling sa mama niya, Dalawang beses palang naman so far siya nagsisinungaling at ngayon ang pangalawa.



"Hindi anak."sabi nito at napanguso si Kathryn bago sumenyas kanya na Kiray. Proceed na sila sa Plan B.



"Tita please! Susulitin lang po namin ang bakasyon namin."pagmamakaawa ni Kiray sa mama ni Kathryn with matching paluhod-luhod pa.



"Kanina pa kayo diyaan?"gulat na tanong ng mama ni Kathryn sa tatlong babae. Nagulat ata ito sa pabiglang-biglang pagsulpot ni Kiray at ng kasama nitong si Miles at Julia na lumuhod din tulad ni Kiray.



"Tita please payagan niyo na po si bhes Overnight lang naman po."pagmamakaawa at pagpa-pacute ni Julia sa mama ni Kathryn.



"Pumayag na ang parents mo Julia?"tanong ng mama ni Kathryn. Nagkatinginan si Kiray, Miles at Kathryn si Julia naman straight pa rin ang tingin sa mama ni Kathryn.



"Opo pero sa isang kondisyon kailangan daw pong sumama ni Bhes."arte ni Julia at maluha-luha pa ang mata nito. Best Actress magaling ang acting skills, Eh member ng Theater Club itong si Julia kaya magaling.



"Sige na nga basta mag-iingat kayo saka kayong apat lang naman hindi ba?"paninigurado ng mama ni Kathryn.



"Siyempre naman po."sabay na sabi ng apat na ngayon ay nagtatalon na sa tuwa dahil pinayagan na si Kathryn, Si Julia na lang ang kulang. Hindi naman kasi Strict ang parents ni Miles at ang parents naman ni Kiray ay nasa abroad.



"Kayo talaga."sabi ng mama ni Kathryn at nagpatuloy sa paglilinis ng paso. Lumabas na silang apat para magpa-alam sa Parents ni Julia.



"Papayag kaya sila?"kinakabahan na tanong ni Julia sa tatlong kaibigan. First time kasi nitong magsisinungaling sa parents niya at iyon ay for the sake of Enrique's Love.



"Ano ba? Papayag? Hindi Papayag? Papayag? Hindi Papayag?"paulit-ulit na sabi ni Miles na ginagaya si Joy Lee ng Missing You. Medyo Late na siya tapos na iyong Kdrama na iyon.



"Stop that Miles! Pinakakaba mo lang si Julz eh."saway ni Kiray kay Miles dahil sa ginagawa nito.



"Okay nandito na tayo sa harapan ng bahay mo sasama kaming apat okay?"sabi ni Miles kay Julia at hinawakan naman ni Julia ang kamay ni Kathryn bago sila pumasok sa bahay ng mga Montes.



"Manang, Si Mommy at Daddy po?"tanong ni Julia sa yaya nila. Oo mayaman sila Julia, Kiray at Miles. Si Kathryn may-kaya naman ang pamilya nila kaya nakakapag-aral siya sa PIU.



"Nasa may Office sila."nakangiting sabi ng Yaya ni Julia, Ito ang nag-aalaga kay Julia kapag wala ang parents nito kaya close sila.


Umakyat na sila sa may second floor at binuksan ang unang pinto kung saan ang Office ng parents ni Julia.



"Mommy, Daddy."tawag ni Julia sa parents niya at hinalikan ang magulang niya sa pisngi. Nakipag-beso naman ang tatlo sa parents ni Julia ayaw kasi nito na mag-mano sila, Feeling nila matatanda na sila kapag nag-mano ang mga ito.



"Anong kailangan mo, Darling?"tanong ng mama ni Julia na isinarado ang hawak nitong folder. Nagtatrabaho pa rin kasi ito kahit nasa bahay.

"Mommy may slumber party po kami nila bhes sa bahay nila Kiray pwede po ba akong pumunta?"tanong ni Julia sa Mommy niya at napatingin naman ang Daddy ni Julia sa kanila. Kinakabahan si Julia dahil first time niyang magsinungaling sa parents niya at natatakot siyang mahuli.



"Sure."simpleng sagot ng Daddy ni Julia kaya naman nakahinga sila ng maluwag at yinakap naman ni Julia ang parents niya.



"Yay! Thank you Mommy, Thank you Daddy."tuwang-tuwa sabi ni Julia at yinakap pa ang parents niya bago sila lumabas sa Office ng parents ni Julia at sa bahay ng mga Montes.



"Kinabahan ako doon bhes.. Akala ko hindi talaga ako papayagan."sabi ni Julia habang hawak ang dibdib niya.



"Medyo shunga lang tayo? Eh di ba tuwing may Slumber Party lagi namang pumapayag si Tito at Tita?"sabi ni Kiray sa mga kaibigan at natigilan naman sila.



"At si Kath lang ang problema natin?"dagdag pa ni Miles. Oo medyo strict ang mama ni Kath pero in a good way she's just trying to protect her daughter. Alam naman ni Kathryn kung bakit over-protective ang mama niya dahil namatay ang papa niya sa aksidente at silang dalawa ng kuya niya ang pinroprotektahan nito.


Pero mas strict talaga ang parents ni Julia. Hindi kasi ito pwedeng mag-sleepover sa ibang bahay unless kilala ng parents niya at ang bahay lang ng apat ang pwedeng pagtulugan ni Julia since First year palang magkakaibigan na silang apat.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon