Kiss 21

1.6K 32 8
                                    

Team Hopia

"Uy okay ka lang?"nabalik ako sa realidad ko at nakita ko sa harapan ko si Your Highness at ako hawak ko ang chocolate sa daliri ko.

"H-Ha?"sabi ko at napatingin sa itsura namin. Hindi nagbago at wait illusion ko lang ba yung hinalikan niya ko?

"Natulala ka? Masyado ka bang na-space out nung kinain mo yan?"sabi niya at kumuha ng isa sa chocolate ko sabay kain kaya naman nanlaki ang mata ko dahil kumuha siya ng chocolate ko ng walang paalam.

"O-Oy!"sigaw ko sa kanya pero nakangiti lang siya habang ngumunguya dafuq!

"Kaya pala favorite mo, Masarap kasi."sabi niya sabay ngiti at napatawa naman ako dahil may chocolate pa siya sa ngipin.

"Bakit?"tanong niya sa akin, Tinuro ko yung ngipin niya at ng ma-gets niya naman at nilinis ng dila niya yung front teeth niya.

"Pero salamat sa pag-alaga sa akin."sabi niya at ninakawan ako ng halik. Peste dahil sa paghalik niya basta-basta naramdaman ko na naman yung mga bulate sa tiyan ko na nagkikisay.

"Bakit nagnanakaw ka ng halik? Ha?"sabi ko sa kanya tapos tumawa na lang siya at kumuha ulit ng chocolate sa box kaya naman nilayo ko na sa kanya kasi akin ito kahit na siya ang nagbigay.

"Last mo na yang Chocolate."sabi ko sa kanya habang nakatingin ng masama sa kanya.

"So pwede pa akong magnakaw sa iyo ng Halik?"sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naman nilayo ko na yung mukha niya. Bwisit bakit kasi sobrang lapit ng mukha eh alam ko namang gwapo siya pero sana naman huwag niyang itapat sa mukha ko at ipagmalaki.

"Anong oras na?"tanong ko kay Your Highness, Trying to Change the Topic of Kiss Stealing Thingy.

"8pm na, Dito ka na lang kaya magpalipas ng gabi? Ako na bahala sa mama mo."sabi niya at napataas naman ang kilay ko saka ko naalala! Patay ako kay mama.

"Ha?! Hala lagot na!"sabi ko sabay tayo ng kama niya kaso nakalimutan ko naka-sandal pala ako sa Headboard ng kama niya at nasa harapan ko siya kaya ang ending..

"Aray!"sabay na sigaw naming dalawa ng magkabungguan ang mga ulo naming dalawa.

"Masyado kang nataranta ayan tuloy umalog ata ang ulo ko."reklamo niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay sana kung may laman yan eh kaso utak ipis ka."sabi ko at sabay kaming nag-irapan pero afterwards tumawa din kami. Ewan ko basta kakaiba na yung nararamdaman ko kapag kasama ko siya, Yung kumportable na ko hindi tulad ng dati.

"Ako utak ipis? Bakit nakita mo na ba ang grades ko?"pagmamayabang niya sa akin sabay pingot sa ilong ko sinamaan ko na lang siya ng tingin pero ng maalala ko si mama kaya naman dagli kong kinuha ang phone ko sa bulsa.

"Sino tatawagan mo?"tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako sabay sabi ng..

"Si Mama sasabihin ko pasundo ako kay panget."pagkasabi ko nun hinatak niya yung phone ko na itatapat ko na sana sa tenga ko dahil sure akong nag-riring na yun ngayon.

"Hoy amin na nga yan!"sigaw ko sa kanya ng mahablot niya yung phone ko at tumayo kaya naman napatayo rin ako. Putahamnida! Bakit ba ang tangkad nitong lalaking ito?

"Ayaw ko nga papasundo ka sa panget na yun eh, Saka sino ba yun?"sabi niya, Take note may tono siya na hindi ko maintindihan kung Possessive or what.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon