Kiss 25

1.1K 34 6
                                    

Mutual Feelings


"May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tulala eh."sabi ko kay Her Highness, Umiling lang siya at nginitian ako. Hindi kami convince na wala siyang problema dahil naka-ukit sa mukha niya na may problema siya, Habang naglalakad papasok sa PIU ng harangan ko siya at hinawakan sa balikat.



"Hindi tayo papasok sa loob hangga't hindi ka nagsasalita, May problema ka halata naman."sabi ko sa kanya at tinitigan sa mata, Ngumiti siya sa akin bago ibuka ang bibig niya.



"Wala akong problema pero baka ikaw meron?"biro niya sa akin, Bumaba ang kamay ko mula sa balikat niya at hinawakan ang mga kamay niya saka ko napabuntong hininga.



"Ikaw ang problema ko, Pinoproblema ko kung ano ba ang problema mo."sabi ko sa kanya at bigla siyang ngumiti at pinisil ang kamay kong nakahawak sa kamay niya, Napangiti rin ako at hinalikan ang mga kamay niya.



"Natakot ka ba kay papa kanina? Ganoon talaga yun Martial Law kapag nasa bahay siya."sabi ko sa kanya at natawa naman siya saglit, Napatawa rin ako kasi lalo siyang gumaganda kapag nakatawa kaya in-intertwined ko ang mga kamay namin.



"Wag mo ng problemahin ang mga bagay-bagay, Sige ka papanget ka ayoko naman ng panget na date mamaya sa Party."biro ko sa kanya at naglakad na lang kami papasok sa Gate ng University. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa pumasok kami ng Holding Hands ni Her Highness, Wala akong pakealam kung ano siya basta ang alam ko proud akong mahal ko siya kahit hindi pa kami.



"OMG si Kathryn at si Daniel.."

"Sila na ba?"

"Ewan Holding Hands sila eh."

"Picture-an niyo dali!"



Napatingin ako kay Her Highness, Napangiti ako habang pinagmamasdan ang side view niya dahil ang ganda niya talaga. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Tumingin siya sa akin at napangiti siya ng makita niyang nakatingin ako sa kanya, Ini-sway ko ang mga kamay namin habang naglalakad. Kuntento na ko na ganito kami sa ngayon, Wala kaming relasyon pero mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Sinalubong kami nila Quen sa Hallway at halatang nagtataka ang mga mukha nila siguro dahil sa Holding Hands kami at hindi nag-aaway.



"Ang bilis mo naman magpalit Kath?"gulat na sabi ni Quen kay Her Highness kaya napakunot ang noo ko, Paanong mabilis magpalit si Kath eh halos kararating lang namin.



"Ha? Pinagsasabi mo Quen? Kararating lang naming dalawa."sabi ni ko sa kaibigan ko at tumango naman si Her Highness.



"Kayong dalawa nagpa-power trip ba kayo? Nandito kanina si Kath ang sosyal pa nga ng bag mo girl! Limited Edition rinig ko dalawa lang ang ganoong bag sa buong mundo."sabi ni Kiray at nagkatinginan kami ni Her Highness parehas kaming clueless sa pinagsasabi nila Kiray.



"Mayaman ka pala? Ganda ng heels mo kanina."dagdag pa ni Miles at doon na nagsalita si Her Highness.



"Pinagsasabi niyo? Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi niya promise!"sabi niya sa kanila, Kanina pa kami magkasama ni Her Highness kaya paano naman nila nasabing ganoon iyon?



"Tinarayan mo pa nga kami kanina."nagtatampong sabi ni Julia kay Her Highness.



"Tatarayan? Hindi ko magagawa yun."sabi ni Her Highness sa kanila, Tinignan nila si Her Highness ng tingin na hindi makapaniwala.



"Well you just did."sabay na sabi ng tatlo, Tinignan ni Her Highness ang mga kaibigan ko at ang mga ugok ni nag-shrug lang kaya napa-frown si Her Highness. Pakiramdam ko stress na siya kaya ako na ang sumingit sa kanila.



"Hay naku nananaginip ata kayo, Kanina ko pa hawak ang kamay nitong babaeng ito simula ng pumasok kami dito sa University."sabi ko sabay angat ng kamay naming dalawa kaya naman namula si Her Highness.



"OMG! Kayo na?!"tumitiling sabi ni Julia teka nakalimutan niya ang nangyari kanina? Wow ang bilis pala niyang ma-distract?



"Oo nga kayo na ba?"sabi naman ni EJ at tumili rin kaya pinagpapalo siya ni Kiray. Ngumiti naman ako at ganoon din si Her Highness



"Ano nga kayo na ba?"sabi ni Miles at nagtaas baba pa ng kilay niya.



"Hindi pa."sabi ko at nag-pokerface silang anim habang nakatingin sa amin.



"Hindi pa? So nagholding hands kayo ng hindi kayo? Wow ano kayo MLM?"sabi ni Quen kaya napatingin sila sa kanya habang nakataas ang mga dalawang kilay ng girls.



"MLM?"sabi ni Julia kay Quen at simpleng dumamove ang loko kay Julia, Inakbayan kasi ng loko si Julia.



"Munting Landian Muna."pagkasabi nun ni Quen pinagpapalo siya ni Julia sa dibdib, Napailing naman ako simple rin kung damoves itong si Julia eh.



"Hay naku! Kayo talaga, Manliligaw pa si Your Highness sa akin kaya MU muna kami in short we're just Dating."sabi ni Her Highness sa kanila at nag-smirk naman si Marco, Pinagsalinan kami ng tingin ni Her Highness.



"Akala ko yung MU niyo, Mag-Un."sabi ni Marco at pinisil sa ilong ni Miles si Marco, Naku mga simpleng damoves nga naman nila oo.



"Pansin ko yang anim na yan, Simple kung dumamoves sa isa't-isa."bulong ni Her Highness sa akin kaya napangiti ako parehas kami ng iniisip eh.



"Oo nga eh pansin mo?"bulong ko rin sa kanya saka kami nagtitigan, Nakarinig kami ng ehem.



"Simpleng PDA."sabi ni Kiray sabay cling kay EJ at ni-rest ang ulo niya sa balikat ni EJ.



"Oo nga eh ano? Kayo naman PDA rin, Paglambing na Di Awkward."sita ni Julia at umiling na lang.



"Alam niyo bang bawal ang ginagawa natin? PDA ito according to Student Handbook."sabi ni Marco at umiral ang pagiging seryoso, Naku sulitin na! Once in a blue moon kung magseryoso iyan.



"Tara na nga sa classroom."sabi ko at naglakad kaming walo papasok sa classroom namin. May klase pa pala kami nakalimutan ko dahil sa ang lalandi namin.





=======
=======


Umiling ako sa suot ni Her Highness, Alam kong kanina pa siya naaasar. Kanina pa kasi siya palit ng palit habang ako prenteng prente lang ang pagkakaupo sa sofa dito sa Boutique ni Ate Roanna.



"Ano ba? Kanina pa ako palit ng palit."sabi niya sa akin at napakagat naman ako ng labi habang tinitignan ko siya from head to foot, Ang sexy kasi kaya umiling ako.



"Ayoko ng suot mo."sabi ko sa kanya at namumula na ang ilong niya sa asar sa akin, Oo ang cute niya pero ayoko pa rin ng suot niya.



"Eh ano bang gusto mo? Ikaw na lang kaya ang magsuot."asar na sabi niya sa akin pero sumandal naman ako sa sofa, Kanina pa ako ayos siya na lang ang hindi pa.



"Kung hindi hapit, naka-tube, kung hindi naka-tube, ang haba ng half split at kung hindi mahaba ang half split ayan maiksi."sabi ko sabay turo sa damit niya. Kanina pa nga kasi talaga siya palit ng palit, Kanina hapit tapos tube hanggang sa sobrang haba ng half split ngayon naman ang iksi. Wala bang matinong design ng damit sina Ate Roanna? Tumayo ako para kausapin yung katiwala ni Ate Roanna.



"Your Highness."tawag niya sa akin ko kaya lang hindi ko siya pinansin maya-maya nakaramdam ako ng sapatos sa ulo ko, Binato ako ng sapatos kaya nilingon ko na habang siya ayun naka-cross arms.



"Ano?!"asar na sabi ko batuhin ba naman ako ng sapatos habang siya naka-cross arms like a boss.



"Ayoko ko na uuwi na ako sa amin hindi na ako sasama sa party niyo."sabi niya kaya hinarangan ko siya, Sinong may sabing hindi siya sasama?



"At sino may sabi?"bulong ko sa kanya at tinignan niya ako ng masama, Yinakap ko na lang siya ng mahigpit.



"Gusto kong ayusan ka nila ng tama yung kagalang-galang at hindi daring yung suot mo, Sino ba kasi yung pumipili ng damit mo?"tanong ko sa kanya at hinarap ko siya nag-pout lang siya kaya binigyan ko ng smack, Namula naman siya at pinalo ko sa dibdib.



"Oy wag magusot."nakangiti kong sabi sa kanya sabay hawak sa kamay niya na pinapalo ang dibdib ko.



"Eh kasi ikaw eh! Wala talagang pinipili yang kalandian mo eh no."sabi niya at napangisi naman ako.



"Oo na basta pumasok ka doon gusto ko paglabas mo mapapanganga ako sa kagandahan mo ang panget mo kasi eh."sa sinabi kong iyon sinamaan niya ako ng tingin.



"Maganda kaya ako!"sabi niya sabay irap sa akin napatawa naman ako habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob ng VIP room ako naman umupo dito sa Sofa.


After ng ilang minuto napatingin ako sa relo ko at tumayo papalapit sa kurtina sa VIP Room.



"Matagal pa ba yan?"sabi ko sa kanila at nakarinig ako ng heels napapalapit, Dumungaw ang isa sa babae.



"Sandali na lang po sir."sabi niya at pinungay-pungay pa ang mata niya napailing na lang akong umupo sa sofa at tumingin sa paligid. Makalipas ang ilang oras pa eh napatayo na ako dahil sobrang tagal ni Her Highness nagpalakad-lakad ako dito sa may pintuan malapit, Nandoon kasi sa loob si Her Highness.


Makalipas ulit ang ilang minuto dahil sa sobrang boring ko umupo na ulit ako sa couch at kinalikot ang phone ko. Pupunta raw sa Party sina Enrique at Date raw niya si Julia na bestfriend ni Her Highness. Napansin kong nagkakamabutihan na talaga yung dalawang yun.



"Mr. Padilla."sabi ng babae at hindi ko na lang pinansin baka kasi magpapa-cute na naman pero napa-angat ang ulo ko ng marinig ko ang boses niya.



"Your Highness."nahihiyang tawag niya kaya naman napatitig ako sa kanya shet ang ganda niya! Ang sarap panggigilan kaya naman napakagat na lang ako ng labi. Tumayo ako at naglakad na palabas sa boutique, Nilingon ko siya at nakayuko lang siya. First time ko siyang nakita na medyo nahihiya dahil madalas walang hiya siya.



"Uy Her Highness tara na!"tawag ko sa kanya at naglakad siya papalapit sa akin kaya lang sa sobrang haba ng dress niya muntik na siyang matilapid kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinalo siya.



"Ayos ka lang?"tanong ko at tumango siya, Napa-smirk naman ako habang tinatayo siya. Hinapit ko ang bewang niya.



"Na saan na ang self confidence mo? Nawala na ba?"bulong ko sa kanya at napakagat naman siya ng labi niya.



"H-Ha? A-ano kasi.."nahihiyang sabi niya, Ganito pala ang itsura niya kapag nahihiya ang cute niya lang.



"You look gorgeous tonight."i praised her at namula naman siya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ang cute niya kasi talagang mahiya pero ang ganda niya she's the epitome of the word Goddess.



"Tara na."sabi ko sa kanya at hinapit ko siya sa bewang niya, Nakita ko siyang ngumiti at naglakad na kami palabas sa Boutique. Huminto ang isang Dodge Challenger sa harap namin napangiti ako, Lumabas si JC mula roon.



"Bro!"sigaw niya sabay hagis ng susi sa akin. Pinagbuksan ko si Kath ng pinto at sumakay na siya, Sumakay na rin ako si JC? Magpapapogi pa yan dadaanan siya ng kambal since nasa kabilang Boutique lang ang kambal limousine sila.


Habang nagda-drive ako tahimik lang kami ni Her Highness halatang kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.



"Don't be nervous, Maybe makilala mo lang ang Padilla Clan sa party na ito."sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Alam kong napatingin siya sa akin at tinignan ko siya saglit, Napangiti ako ng malawak dahil nakangiti na siya.



"Pero parang biglaan naman yata yung Party niyo kaninang umaga mo rin lang naman nalaman di ba?"tanong niya sa akin napatango naman ako habang nagda-drive. Sa Hotel daw namin gaganapin yung Venue kaya doon ako nagdrive.


Nang makarating kami sa Hotel, Maraming reporters ang nandoon kaya naman tinignan ko si Her Highness na halata ang kaba sa mukha. Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas ako sa Dodge ko, Inabot ko sa isang staff ang susi ng sasakyan ko at pinagbuksan ko ng pinto si Her Highness. Pagbaba niya ay natigilan ang mga reporters, Nawala ang Flash ng Camera parang na-starstruck sila sa kasama ko ang ganda kasi napangiti naman ako. Hinapit ko ang bewang niya at sabay kaming naglakad papasok sa Hotel.



"Nawawalan talaga ako ng self confidence! Alam kong maganda ako pero yung mga reaksyon nila.."pinisil ko ang kamay niya kaya natigilan siya sa pagsasalita, Di ko talaga maiwasan matuwa kakaibang Kathryn Bernardo ang nakikita ko ngayon. Hindi yung matapang at walang hiyang babae na nagustuhan ko mas lalo ko pa siyang nagustuhan ngayon dahil sa isang side niya lalo na kapag kinakabahan.



"Hinga ka lang malalim tapos isipin mo lagi akong nasa tabi mo para hindi ka kabahan okay?"sabi ko sa kanya at tumango siya sabay hingang malalim, Ang cute niya lang talagang kabahan. Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya naman sabay kaming naglakad papasok sa loob ng Venue, Napatingin ang guest sa amin halata ang gulat sa mata nila hindi ko alam kung bakit pero nilapit kong maigi sa akin si Her Highness at binulungan ko siya.



"Maganda ka di ba? Prove it chin up Princess, Your crown is falling."bulong ko sa kanya napatingin siya sa akin at ngumiti, Naglakad na kami papunta kayna Papa at Mama halata ang gulat sa mga mata nila. Kasalukuyan din silang may kausap na babae ng mapansin ata niyang nakatingin sa amin si Papa at Mama lumingon siya at nakita kaming dalawa.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon