Pasaway on First Day
"What's with the Face bhes?"tanong ni Kathryn sa bestfriend niyang lukot ang mukha na naka-upo sa may Bench sa Campus Ground ng PIU. Maaga pa naman kaya tambay muna sila since First Day mamaya pa ang klase dahil sure na maraming ma-lalate.
"Oo nga Julz, Ang aga nakalukot ang mukha mo."sabi naman ni Kiray na napansin din ang lukot na mukha ni Julia.
"Eh kasi.."sabi ni Julia at napa-yuko naman si Kathryn at inilabas ang libro niya hindi para magbasa kung hindi para takpan ang gagawin niya.
"Ano nga?"sabi naman ni Miles na atat sa chismis ni Julia.
"Bakit hindi ako crush ng crush ko?"sabi ni Julia at ngumuyngoy nang parang bata. Napailing na lang si Kathryn sa bestfriend niya.
"Haha iyon lang ba? Bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo Julz?"sabi ni Miles kay Julia at inakbayan habang si Kathryn ay nilabas ang DS Lite niya para maglaro ng Harvest Moon. Ang Purpose ng kanyang libro ay para itago ang kanyang Gadget.
Tulad ng normal na estudyante, Isa sila Kathryn sa mga pasaway na nagdadala ng Gadgets na kailangan pang magtago dahil sa mga inggetero at inggeterang frogs nilang classmates since wala pa naman walang mag-susumbong kaso baka mamaya dumaan ang Dean o yung Officer at mahuli siya. "Its better to be safe than to be sorry." ika nga ni Kathryn.
"Tsk! Labas ako diyaan."sabi ni Kathryn na bokya sa lovelife na busy sa paglalaro ng kanyang Harvest Moon.
"UNA! Invisible ka sa kanya."matawa-tawang sabi ni Kiray kay Julia. Napa-groan naman sa asar si Julia at nagtakip ng tenga na parang bata. Sinave ni Kathryn ang game at nag-quit saka in-open ang Resident Evil niya na naglaro muli at hindi sila inintindi.
"Wala Julz! Tanggalin mo kamay mo sa tenga mo."sabi ni Miles kay Julia na matawa-tawa habang tinatanggal ang kamay ni Julia.
"Wah! Wah! Ayoko! Masakit eh."iyak na sabi ni Julia sa kanila.
"May Pangalawa pa eh."sabay na sabi nila Kiray at tumawa ng malakas. Pinagtitripan na naman nila si Julia dahil masyado itong gullible.
"Ha? Ano?"curious na sabi ni Julia sa dalawa at nagkatinginan naman si Kiray at Miles na pigil ang tawa.
"It's either may Crush siya or may Gusto siyang iba. Kawawa ka naman Julz."asar ni Miles at natawa si Kathryn sa narinig.
"Pati ikaw Bhes?! Hmp! Bwisit kayong dalawa! Pinagtutulungan niyo na naman ako! Kapag ako naging makulay ang lovelife ko tapos kayong dalawa nasa kalagayan ko.. ASAHAN NIYO TATAWANAN KO KAYO."sabi ni Julia at sumimangot nawalan na ng ganang maglaro si Kathryn dahil hinahabol na siya ng mga ala-Zombie sa Resident Evil.
"OMG! Si Papa Enrique mo Julz!"nangingiting sabi ni Kiray at tinuro yung gate napatingin si Kathryn at nandoon nga si Enrique.
"Lalala~ Hindi ako naniniwala."sabi ni Julia napangiti naman si Kathryn.
"Bhes nandoon nga sa Gate si Enrique."sabi ni Kathryn na matawa-tawa sa ka-childish-an ng bestfriend niya.
"Pati ba naman ikaw Bhe- OMG!"sabi ni Julia at nag-ningning ang mukha niya. Pero ang susunod niyang nasabi ang nagpalaki ng mga mata nila Kathryn sa gulat.
"I think.. I think! I'm inlove to Papa Enrique."sabi niya sa tatlo kaya naman napa-ubo ng sabay ang tatlo.
"Oo nga Julz sa tingin ko kasi ang tagal na niyaan eh, Kasing tagal na ng puno ng Acaccia dito sa PIU ang pagka-crush mo sa kanya kaya sure akong inlove ka na sa kanya."sabi ni Miles at diyaan na magsisimula ang topic nila tungkol sa boys.
"Alam mo Julz! Tara na sa classroom para maganda ang upuan natin."sabi ni Kiray at hinatak si Julia. Kahit ano naman ang kunin nilang magandang upuan ay palilipatin din sila ng Homeroom teacher nila.
Tulad nga ng sinabi ko normal students sila. Silai ang klase ng mga estudyante na simple lang ang buhay at tahimik na namumuhay sa Campus. Hindi na nila kailangan ng popularity mas masayang maging normal. Based iyan kay Kiray at Miles na Former popular sa school na ito. Noong bago kasi ang dalawa sa PIU sila ang Center of Attraction dahil kay Miles pero saglit lang iyon dahil marami ang sumapaw at nainggit.
"OMG narinig niyo ba yun? May bagong student."
"Psh! Late ka na sa balita dear, Hindi siya bago."
"Hey How did you know?"
"Apo kaya sila ng may-ari ng PIU."
Chismisan ng mga kapwa schoolmates nila na feeling popular. Nahahati sa Apat na Grupo ang students sa PIU. Ang mga Popular sila yung mga sikat talaga mga MVP, Cheerleader, Varsity, Queen, King, Heartrob, Sweet heart atbp. Ang mga Feeling Popular sila naman yung makadikit lang sa balat ng mga populars akala nila populars na rin sila. Mga Commoners na tulad nilang apat at ang mga Invisibles na kinabibilangan ng mga Nerds at Emo.
"Oh may mag-aaral ulit na Padilla dito sa PIU?"sabi ni Miles at nagkatinginan naman ang apat. Graduated na kasi si Kylie last year at ang akala nila last na Padilla na ito pero may bago pa pala?"Padilla's Clan is unstopabble."ika nga ni Kiray habang umiiling.
"Ano naman kung may mag-aral ulit na Padilla? Okay pa sana kung mabait kaso kapag hindi edi hindi."sabi ni Kathryn at pumasok na sa classroom nila. Naghanap siya ng Vacant seat at pinili niya ang pangalawa sa likod. Perfect spot para kapag na-boring siya ilalabas na lang niya ang kanyang DS Lite.
Minsan kasi may pagka-pasaway na bata rin itong si Kathryn na kapag nabo-bored siya. Kunwari nagbabasa siya ng libro pero nagla-laro lang pala.
"Matagal pa bang magbe-bell?"tanong ni Julia kay Kathryn kaya naman napatingin si Kathryn sa wrist watch niya kaya lang nakalimutan na naman niya mag-relo dahil akala niya male-late siya.
"Ewan ko."sabi na lang ni Kathryn habang nakapalumbaba at nakatingin sa may labas. Na-bobored siya kaso hindi niya pa pwedeng ilabas ang DS niya kaya tumayo siya para lumabas ng may humawak sa wrist niya
"Saan ka pupunta bhes?"tanong ni Julia sa kanya, Ganoon din ang ginawa nila Miles at Kiray sa katabing table nila.
"Bibili sa Cafetiria.. Sasama kayo?"bored na sabi ni Kathryn tapos tumango na lang sila kay Kathryn lalabas na sana si Kathryn nang nagpahabol sila ng chips, para may makutkot kung sakaling boring ang klase.
Habang naglalakad si Kathryn papunta sa Cafetiria may nadaanan siyang dalawang tao sa Hallway. Actually madaming tao sa Hallway kaso silang dalawa talaga napukol ng atensyon niya, Bakit? Dahil sa wagas nitong landian.
"Ang lamig naman dito sa Hallway ng University niyo."sabi ng babaeng namumukhaan niya. Pamilyar kay Kathryn ang babae pero yung lalaking kasama nito hindi niya kilala dahil nakatalikod at nag-aayos ng locker.
"Edi mag-jacket ka."rinig ni Kathryn na sabi nung lalaki kaya naman natawa siya at dinaanan na lang sila. Nang makarating na siya sa Cafetiria tinignan niya ang orasan.. 7:20 na pero bakit hindi pa rin nagbe-bell? 7:00 usually nagbe-bell sa PIU.
"Sorry Miss."sabi sa kanya ng isang babae. Natapunan siya ng malagkit na juice ng babae, Mabuti na lang at sa braso at kamay siya natapunan hindi sa uniforme.
"Sorry Miss."sabi ulit sa kanya at nilapag yung juice nito sa may malapit na table.
"Hindi okay lang."sabi niya sa babae at kinapa ni Kathryn ang bulsa niya kung nandoon ba ang panyo niya para ipamunas kaso..
"Uhm sa washroom mo na lang kaya hugasan iyan tapos papahiramin kita nitong panyo."sabi nito sa kanya at napangiti naman si Kathryn.
"Good Idea."sabi ni Kathryn sa kanya at sinamahan siya nito habang umiinom ng halos kalahating Ice Tea.
"Sorry nga pala diyaan sa Ice Tea mo."sabi ni Kathryn sa babaeng kasabay niyang maglakad papunta sa Washroom, Nginitian naman siya nito.
"Wala iyon pasensya na rin sa braso mo."sabi nito sa kanya at nilukot ang baso saka tinapon sa trashbin.
"Ako nga pala si.. Uhm Si.."sabi ng babae at nag-aalangan pa ito sa pagsabi ng pangalan.
"Si?"nagtataka tanong ni Kathryn habang papasok sila sa washroom. Hinugasan ni Kathryn ang braso at kamay niyang malagkit.
"Uy ayos ka lang?"tanong ni Kathryn sa babae at kinapa niya sa bulsa ang panyo ng i-abot nito ang isang branded na panyo.
"Here."sabi nito sa kanya at tumanggi si Kathryn dahil alam niyang may panyo siya sa bulsa.
"No may panyo ako."sabi niya at kinapa ang kanyang bulsa kaya lang wala doon ang kanyang panyo.
"I think you lost it, Here."sabi nito sa kanya at kinuha na lang ni Kathryn ang panyo saka pinamunas sa braso at kamay.
"Thank you sa panyo, Kathryn nga pala, Kathryn Bernardo pero Kath na lang."pakilala ni Kathryn sabay abot ng panyo sa babaeng nakabunggo niya at ibinalik ang panyo na kinuha naman ng babae.
"Uhm.. Bea.. Bea Pa este Estrada pala."
BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
Подростковая литератураSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...