Kiss 14

1.7K 23 5
                                    

Student Council's Punishment

"Gising."

"Ayaw mo? Gusto mo bang halikan pa kita?"

"Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa gumising hahalikan talaga kita! Promise."

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo."

"Aish! Gusto mo ba kong halikan? Manyak ka ha."

"Ang baliw ko talaga kumakausap ng tulog? Tsk!"

Nagising ako dahil sa kamay na tumama sa pisngi ko. Isang malutong na sampal ang naibigay sa akin kaya napadilat ako.

"SINONG WALANGHIYA ANG SUMAMPAL SA AKI-HMM.."nanlaki ang mata ko! Sinampal na nga ako hinalikan pa ako! Aba kailangan kong mag-report sa Women and Children's welfare! Agad siyang kumalas sa halik kaya naman hindi ko na namnam ang halik este hindi ko siya natulak natulala ako eh.

"Manyak ka! Wah! Ninakaw mo ang Fir- este uhh.."wala na pala akong First kiss dahil na nakawan na ko. Adik lang ng buhay ngayon hindi na pera o gadgets ang ninakaw.. Pati Halik hindi pinalagpas nakakaloko lang!

"First kiss mo?"matawa-tawang sabi niya umiling naman ako kita kong nanlaki ang mata niya.

"May boyfriend ka na?"tanong niya sa akin umiling din ako.

"Eh bakit hindi mo sinabi na First Kiss mo? Di ba ganun sa mga wattpad story? kapag nahalikan sasabihin.. ehem! "Oh My Gash! Ninakaw mo ang First Kiss ko Wah!!" Bakit este ehem!"natawa naman ako dahil tumili pa kasi siya eh kaso sandali lang ako tumawa.

"I mean bakit hindi ka nagsalita ng ganoon? Nagkaboyfriend ka na ba?"sabi niya kaya naman napa-mental pokerface ako.

"Wala pang boyfriend, NBSB ata ito!"pagmamalaki ko kay Your Highness. Gagu 'to ninakawan ako ng halik.

"Kung NBSB ka.. Sinong walanghiya kumuha ng First Kiss mo? Akala ko tuloy ako nakauna."bangag ba siya? Nasapian? O Kulang lang sa tulog? Baka gutom lang kasi hindi pa nakakakin kagabi pa kaya kami dito di ba?

"Ikaw ba talaga iyan Your Highness?"sabi ko sa kanya at sinampal siya. Napahawak pa siya sa pisngi niya.

"Bakit mo ko sinampal? Anong problema mo?"sabi niya. Confirm siya nga! Sunget eh daig pa ako kapag may buwanang dalaw.

"Adik ka ba? Lagi akong nananakawan ng Halik! Kaya hindi na ikaw ang first ko kaya safe ka sa bunganga ko pero.. WALANGHIYA KA NANAKAWAN NA NGA AKO NG HALIK NOT ONCE, NOT TWICE BUT THRICE TAPOS DUMAGDAG KA PA WALA-Hmm.."napapikit ako ikaw ba naman lapitan ng mukha tapos halikan ka kaso hindi niya ginagalaw yung labi niya masyadong conservative agad naman siyang kumalas.

"Akala ko ba safe ako sa bunganga mo? Ang ingay mo subukan mo kong sigawan ulit at makakatikim ka ng halik hindi lang simpleng halik ang gagawin ko, Gagawin ko pang French Kiss kaya wag kang sisigaw ulit naiintindihan mo ba?"sabi niya kaya naman napatango ako mas mabilis pa kay Flash ang pagtango ko sabay takip ng bibig ko. Pangatlo este Pang-apat na iyon.

Una sa Hotdog Stand! Hindi ko kilala kung sino, Pangalawa sa Party at Sa Locker iisa ang salarin tapos ngayon si Your Highness Nakadalawa pa! Putek masyado ba akong tanga kaya nananakawan ako ng halik?

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon