Kiss 7

1.9K 25 6
                                    

Cliche Meeting


Nag-aantay si Kathryn sa loob ng mall sa tatlong kaibigan. Ang usapan nila alas-onse sila magkikita sa Mini Ferris Wheel sa loob ng Mall pero 11:10 na at wala pa rin ang mga ito. dito sa Mall sa tatlong babaita.

"Ugh! Ang Tagal."groan ni Kathryn sa sarili, Sumandal siya sa railings habang nag-aantay.



"Ganoon talaga."sabi ng lalaki sa tabi niya kaya naman napatingin siya sa lalaking nagsalita sa kanya na nginitian siya pero tinaasan lang siya nito ng kilay.



"Kausap mo?"tanong ni Kathryn sa lalaki pero natawa ito sa kanya na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.

"Hmm Sino pa ba ang katabi ko dito? Hindi ba ikaw? Kaya malamang ikaw ang kausap ko"sabi nito sa kanya at hindi na lang pinansin ni Kathryn ang lalaki. Naiinip kasi siya sa Tres Marias niyang kaibigan.



"Sungit nito."sabi nito sa kanya at tinignan niya ito ng hindi makapaniwala.



"I don't talk to strangers."sabi ni Kathryn sa lalaki at napa-chuckle naman ito sa kanya. Hindi alam ni Kathryn ang naramdaman niya nang mag-chuckle ang binatang katabi niya.



"Well i am sorry about that but you just did."sabi nito sa kanya at nanahimik na lang si Kathryn sa tabi dahil sa pagkakabara sa kanya ng katabing lalaki.



"Ugh! Ang tagal naman kasi nila eh."reklamo ni Kathryn sa sarili niya pero dahil sa nakalimutan niyang may katabi siyang pakielamero..



"Nag-eenjoy ang mga bata hindi mo ba makayang mag-intay kahit 10 minutes lang?"tanong nito sa kanya kaya naman napa-taas ang kilay ni Kathryn at tinignan ang lalaki dahil baka may sayad ito.


"Sayang! Ang gwapo pa naman pero may sayad?"sa isip-isip ni Kathryn sa lalaking katabi niya.



"May sayad ka ba? Anong pinagsasabi mo? Ako mag-aantay sa bata? What the heck?!"sabi ni Kathryn sa katabi at natawa siya.



"Parang hindi ka naman dumaan sa pagkabata mo. Antayin mo na lang mga kapatid mo saglit lang naman iyang ride."sabi nito sa kanya at pagkasabi nito sa kanya ay napahalakhak na si Kathryn dahil na-gets na niya ang ibig sabihin ng lalaking katabi. Ang akala siguro nito ay may inaantay siyang mga bata na nakasakay sa Mini Ferris Wheel.



"Look. Wala akong iniintay na bumaba diyaan sa Ride na yan dahil may inaantay akong tao."paliwanag ni Kathryn sa lalaking katabi at napamura pa siya sa isipan niya dahil ang tagal ng tatlong kaibigan niya. Napatikhim naman yung lalaki at tinignan na lang siya na parang nakita na niya ang dalaga hindi niya lang alam kung saan.


Maya-maya pa ay may lumapit na dalawang babae sa kanilang dalawa, Sa katabing lalaki pala ni Kathryn.



"Who is she Kuya?"tanong nung matangkad sa dalawang babae na itinuro pa si Kathryn. Nagkibit-balikat ang lalaki bago sagutin ang kapatid niya.



"Somebody."tipid nitong sabi at umiling na lang si Kathryn sa lalaking katabi.



"Bagay."turo nung pinaka-maliit na babae kay Daniel at Kathryn na sigurado si Kathryn na bunso ito. Nabwisit naman si Kathryn dahil naipartner pa siya sa lalaking nakatabi niya. Bigla naman niyang natanaw ang tatlong kaibigan na magkakasama pa.



"Sorry Bhes na-late kami natraffic eh."sabi ni Julia kaya naman napa-buntong hininga na lang si Kathryn.



"Tss! Edi dapat lumipad kayo.. 11:15 na 11am ang usapan."sabi ni Kathryn at halata ang sarcasm sa pagsasalita nito at nag-walk out pero bago siya nag-walk out inirapan niya muna ang lalaking nakatabi niya dahil sa sobrang asar dito. Hindi niya alam pero naaasar talaga siya sa nakatabing lalaki. Narinig pa ni Kathryn na tinanong nila yung lalaking nakatabi ni Kathryn.



"Pasensya na po sa abala."sabi ni Miles sa lalaki at tumawa ang tatlo nararamdaman naman ni Kathryn na nasa gilid na niya ang tatlong kaibigan at kinulit pa siya.



"Uy sino yun? Ikaw ah."asar ni Kiray kay Kathryn at kinurot-kurot pa ang tagiliran niya.



"Seriously Kiray? Walangyang yun. Napagkamalan pa kong nag-aantay ng bata sa ride."asar na sabi ni Kathryn at napa-irap sa kawalan. Bumili na si Kiray ng nakalimutan niya sa Department Store tapos si Kathryn naman ay tumitingin sa mga headband nakisuyo kasi ang Kuya niyang bilhan daw siya ng headband pero hindi siya ang magsu-suot noon kung hindi regalo para kay Yen.


Nang nakapili na si Kathryn ay nag-bayad na sila agad at ine-expect na makakauwi agad sila kaso nag-shopping pa pala sa iba't-ibang Boutique etong sina Miles at Julia kaya medyo natagalan pa sila. Ngayong nakaramdam sila ng Gutom KFC ang bagsak nilang apat.


Umorder na sina Miles at Kiray habang si Julia at Kathryn naman ay nag-aantay sa table nila. Nang makaramdam ng pag-ihi si Kathryn.



"Bhes CR lang ako."sabi ni Kathryn kay Julia at tumango naman si Julia kay Kathryn bago siya tumayo at naglakad papunta sa Comfort Room kaso hindi nakita ni Kathryn na may dumaan pala mula sa gilid niya kaya nagkabungguan sila at natapon ang order ng nakabangga niya.



"Sh*t."cuss ng lalaki at nahiya naman si Kathryn kung bakit hindi siya tumitingin sa nilalakaran niya.



"Hala sorry po kuya."sabi ni Kathryn at nilabas ang panyo niya. Nakita pa niya sa peripheral view niya na  kinakausap siya ng Crew sa KFC.



"K-Kuya."kalabit ni Kathryn doon sa lalaki na nakatalikod. Pinagtitinginan na rin sila ng mga taong kumakain sa KFC.



"Uhm ite-treat na lang kita na-IKAW?!"sigaw ni Kathryn at napasapo ng noo nang biglang humarap sa kanya ang lalaking nakabangga.

"Anak ng meant to be! Sa lahat nang Fast Food Chain dito sa Mall dito pa talaga? Grabe naman."react ng isip ni Kathryn ng makita niya kung sino ang nakabunggo niya.



"Kung sinuswerte ka nga naman."react naman ng lalaking nakabangga niya na pa-chill-chill lang.



"Hindi na kita ite-treat ikaw naman yan kaya mo na yan."sabi ni Kathryn sa lalaking nakabangga. Hindi pa naman niya ito kilala pero naiinis na siya dito.



"Ang sunget mo kanina ka pa, Meron ka ba?"tanong nito sa kanya kaya naman asar na tinignan ni Kathryn ang lalaki.



"Ang ganda pa naman ng mata mo tapos hindi ka pa tumitingin sa dinadaanan mo."dagdag nito sa kanya. Level one hundred na ang pagka-asar ni Kathryn para sa lalaki dahil bukod sa naiinis siya dito ng walang dahilan, Idagdag pa ang Puring-Insultong ginawa nito sa kanya.



"Compliment ba yan o nang-iinsulto ka?"asar na tanong ni Kathryn sa lalaki at nag-cross arms pa si Kathryn.



"Ikaw na bahalang mag-interpret nung sinabi ko."sabi nito sa kanya at napa-pokerface si Kathryn sa sinabi ng lalaki.



"Bwisit!"sabi ni Kathryn at nag-walk out pabalik sa pwesto nila. Umurong ang pagka-ihi niya kaya bumalik na lang siya sa table nila. Nakita naman ni Kathryn na may pangiti-ngiti pang nalalaman si Julia.



"Bwahaha nice one Bhes! Hindi ba iyon yung guy kanina sa Mini Ferris Wheel?"sabi nito sa kanya at naaasar naman lalo si Kathryn sa sinabi ni Julia sa kanya.



"Nyenye."sabi ni Kathryn at tinignan ang relo niya kaso nakalimutan niyang wala nga pala siyang wrist watch na na-suot kanina.



"Tagal naman nila Kiray."sabi ni Kathryn at napa-ub-ob sa table. Mahaba ba ang pila? ika ng isip ni Kathryn.



"Bhes check ko lang huh."sabi ni Julia sa kanya at nag-gesture na lang si Kathryn ng "shoo" gamit ang kamay niya kaso wala pang sampung segundo bumalik sa upuan niya si Julia na pulang-pula ang mukha.



"Anyare sa iyo?"nagtatakang tanong ni Kathryn kay Julia, Hindi niya ito maintindihan kung natatae o may bulate ba ito sa pwetan.



"Bakit namumula ka? Nabulunan ka ba?"tanong ni Kathryn sa kaibigan at tinakpan naman ni Julia ang bibig niya para pigilin ang pagtili kaya naman naisip ni Kathryn na kinikilig si Julia. Iisa lang ang alam na dahilan ni Julia para kiligin, Si Enrique.



"Uy Bakit?!"hampas ni Kathryn sa kaibigan niya para ma-confirm ang iniisip. Saktong dumating sina Miles at Kiray na may dalang dalawang tray ng pagkain nila.



"Uy Julz nandyan pala si Papa Enrique mo eh."sabi ni Kiray tapos inasar pa nila si Julia, Na-confirm ni Kathryn na nandoon nga si Enrique.



"So kaya ka namumula dahil doon?"hindi makapaniwalang sabi ng bitter at walang lovelife na si Kathryn na nakita si Enrique sa may entrance ng KFC at may kausap na lalaking nakatalikod.



"Oo bhes!"sabi ni Julia at pinipigilan niya ang pagtili. Adik na adik talaga ito kay Enrique since 2nd Grade.


Bestfriends si Kathryn at Julia simula nung Preparatory pa sila. Unang pagkikita nilang dalawa magka-away sila dahil ang akala ni Julia ninakaw ni Kathryn ang barbie niyang lapis na nalaglag lang naman pala sa table ni Julia. Hindi nag-sorry si Julia dahil noon palang mataas na ang Pride nito pero nung nawalan siya ng crayola pinahiram siya ni Kathryn kaya ayun nagkabati sila at naging bestfriends na. Simpleng ayaw bata lang naman ang napag-awayan nila.



"Pero hindi ba sabi niyo since 2nd Grade pa Crush ni Julz si Enrique? Eh bakit naman hindi nagbago iyon?"nagtatakang tanong ni Miles dahil oo nga matagal ng may gusto si Julia kay Enrique at hindi iyon nagbago.


Si Kiray at Miles naman nakilala nila noon sa loob ng Ladies Room noong Grade 7 sila. Nakaaway ni Julia at Kathryn sina Miles at Kiray dahil aksidenteng natabig ni Julia ang Make up kit ni Kiray sa Lavatory at nasira ang mga make up ni Kiray nang malaglag ito. Nagkabati silang apat at naging magkaibigan nang pinalitan ni Julia ng mamahaling brand ng make up ang make up ni Kiray binigyan pa ni Julia si Miles kaya lalo silang naging magkaibigan.



"Kasi.. Oo nga noh? Bakit siya pa rin ang crush ko?"nagtatakang tanong ni Julia sa sarili. Para kay Kathryn na bitter at walang lovelife ang Crush ay paghanga sa taong tanga pero para naman kay Miles at Kiray ang crush hindi nababawasan they multiply.



"Aba malay namin Julz."sabi naman ni Kiray. Hindi malaman ni Kathryn kung paano niya naging kaibigan ang tatlo na mahilig sa crush-crush. Siguro dahil hindi lang naman iyon ang batayan kung bakit sila magkakaibigan hanggang ngayon.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon