Kiss Can Tell

13.6K 67 10
                                    

Prologue

"Oh anak saan ka pupunta?"tanong sa akin ni mama habang nagdidilig ng halaman sa aming bakuran. Palabas kasi ako ng gate dala-dala ang sampung piso pambili ng hotdog sa may kanto.

"Mag-memeryenda lang po ako ma."sabi ko kay mama tapos lumapit ako sa kanya para manghingi ng extrang pera. Ganyan kasi tayo eh may pera na manghihingi pa para madaming oera.

"Ma penge pera."sabi ko at nginitian siya ng pinaka-matamis para bigyan ako ng pera. Tinignan naman niya ako at bago ako inilingan.

"Ikaw talagang bata ka! Umuwi ka agad."sabi niya habang tinigil ang pag-didilig sa bakuran namin at nag-halungkat sa bulsa ng daster niya. Si mama kasi kapag nasa bahay nagda-daster lang hindi naman kasi siya yung Donya dahil may kaya lang kami at hindi mayaman.

"Bibili lang naman po ako ng Hotdog sa may kanto ma."sabi ko kay mama habang nag-iisway pa at inaantay ang perang ibibigay niya sa akin.

"Oh eto ako din bili mo ng Cheeseburger saka samahan mo na din ng Shake."sabi ni mama sabay abot ng sekwenta pesos sa akin. Napangiti naman ako dahil makakabili rin ako ng Shake ko.

"Thanks ma, Sweet mo talaga."sabi ko sabay kiss sa cheeks niya at lumabas na sa gate namin.

Nang makarating na ko sa kanto kung saan may Burger-an para bumili ng Hotdog ko at siyempre ng Cheeseburger at Shake ni mama.

"Kuya Hotdog nga po saka Cheeseburger samahan niyo din ng dalawang mango Shake."sabi ko kay Kuyang nagtitinda.

"Sandali lang Kathren."sabi niya sa akin at nainsulto naman ang ego ko dahil sa pagsabi niya ng pangalan ko. It's Kathryn not Kathren.

"Eto yung Hotdog sandali lang yung dalawang shake at yung cheeseburgur."sabi ni kuya sabay bigay sa akin ng mainit-init pang Hotdog mula sa taguan na salamin. Nilagyan ko muna ng ketsup sabay kagat.

Habang hinihintay ko yung Cheeseburger at shake ni mama, Ikukwento ko sa inyo yung lalagyanan nung Hotdog. Ewan ko ano tawag doon basta yung parang sa Stand ng Tender Juicy Hotdog yung may jinggle tone na Kids Can Tell~

Pero nagulat na lang ako nang may lalaking hingal na hingal at tinapik ako sa balikat. Kaya naman agad ko siyang tinignan habang kinakain yung Hotdog ko na maraming ketchup. Masarap kasi ang hotdog kapag marami ang ketchup.

"Bakit?"nagtatakang tanong ko sa kanya bago ako kumagat ulit ng hotdog ko. Napatingin ako sa mata niya na napatingin sa labi ko na kumagat ng Hotdog na punong-puno ng ketchup.

"Miss pahiram ng labi mo."pagkasabi niya noon mabilis siyang tumingin sa may likod bago ibalik sa akin ang atensyon niya sabay tulak ng batok ko papunta sa kanya at sa isang iglap.

Nagtama ang labi namin. Walang patawad! Hindi ko man lang nagawang itulak siya sa sobrang pagkabigla.

My First Kiss..

~~xx~~

Paano kung isang araw.. Bumili ka lang naman ng hotdog sa kanto malapit sa bahay niyo ay may nawala na sa iyo?

Hindi ka nawalan ng wallet o cellphone pero isang napaka-importanteng bagay para sa iyo ang nawala. Iniisip mo na dahil lang ata sa pagkain mo ng Hotdog na punong-puno ng ketchup.. Dahil lang ata doon, Nawala na ang First Kiss mo.

Hala sige Hotdog pa! Pero kung sakaling maging mabait si Tadhana. Ma-memeet pa kaya ni Kathryn ang nagnakaw este nanghiram ng kanyang labi?

Oh well only Kiss Can Tell

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon