Kiss 4

2.2K 31 1
                                    

Second Kiss


"Pwede ko bang hiramin ang labi mo?"tanong nito sa kanya niya habang nakatitig sa kanya habang si Kathryn naman ay napako sa kinatatayuan niya.


Hindi malaman ni Kathryn ang gagawin niya, Pati na rin ang sasabihin niya hindi niya malaman kung ano ang isasagot habang hawak-hawak ng lalaki ng sobrang higpit ang balikat niya na para bang kinakabahan din ito.


 Magsasalita na sana si Kathryn ng bigla nitong nilapat ang labi niya sa labi nito. Nanlaki pa ang mata niya habang naka-steady lang ang lips nilang dalawa. Napansin niya ang mata nitong Hazel Brown  na nakatitig sa likuran niya


Balak ni Kathryn na isara ang lips niya at alam niyang gagalaw iyon pero nangangawit na kasi yung panga niya kaso huli na ang lahat nagalaw na niya pero naka-seal naman kaya hindi iyun parang nag-aaya ng kiss hindi ba?


Pero nagkamali si Kathryn dahil gumalaw ang lips ng lalaking humalik sa kanya. Nagtataka siya kung bakit ito gumalaw. Gusto niya itong itulak kaso hindi niya magawa dahil na-froze siya sa moment hanggang sa nakisabay na rin siya sa pag-galaw nito. Feeling ni Kathryn expert na expert ang kahalikan niya dahil dumating sa puntong napa-pikit siya sa mainit na galaw ng labi nito sa labi niya.


Naramdaman niya ang pag-hiwalay ng labi nila at naamoy pa niya ang pagbuga ng hininga nito sa kanya dahil sa sobrang hingal. Napakabango ng hininga nito, Naramdaman niyang nawala ang kamay nito sa balikat niya kaya napadilat siya.. Wala na ang lalaking kahalikan.


"AT NGAYON LANG NAG-SINK IN SA UTAK KO NA IYON DIN ANG NANGYARI NUNG NAWALA ANG FIRST KISS KO!"sigaw ng isipan ni Kathryn at gusto na lang niyang mag-tatalon sa sobrang inis.



"Hey Kathryn."sulpot ni Jon Lucas sa harapan niya. Isa sa peste kung ituring ni Kathryn.



"Ano na naman ba kailangan mo stalker?"tanong ni Kathryn kay Jon saka ito inirapan.



"Ako? Stalker? Sa gwapo kong ito baka Admirer mo ko."sagot nito sa kanya sabay haplos si pisngi niya pero hinagis ni Kathryn ang kamay nitong hinaplos ang pisngi niya.



"Pwede ba wala akong time para makipaglandian sa iyo."sabi ni Kathryn kay Jon at aalis na sana siya sa harapan nito ng biglang hinatak ang braso niya at nilapit ni Jon si Kathryn sa kanyang sarili.



"Sa akin wala pero sa iba meron?"sabi nito sa kanya kaya naman napakunot ang noo ni Kathryn.



"Tsk! Mag-mamaangmaangan ka pa! Nakita kaya kita. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ka makipaghalikan sa isang lalaking iniwanan ka lang bigla."matawa-tawang sabi nito sa kanya na para bang iniinsulto siya. Nakaramdam naman ng inis si Kathryn.



"Aksidente lang iyon okay?"palusot niya para hindi na siya muling guluhin nito pero natawa lang si Jon sa kanya.



"Alam mo Kathryn, Kung ako sa iyo. Ako na lang halikan mo dahil bukod sa hindi kita iiwan didiretso ka pa sa langit sa sarap."pagkasabi ni Jon noon sa kanya ay kinagat nito ang sariling labi kaya naman automatic na dumapo ang kamay ni Kathryn sa pisngi ni Jon bago itulak.



"BASTOS!"galit na sigaw ni Kathryn sa kanya. Alam ni Kathryn na napalakas ang pag-sigaw niya kay Jon na napatigil ang mga tao sa paligid. Napahawak pa si Kathryn sa bibig niya dahil hindi siya makapaniwalang sasabihan siya ni Jon ng ganitong kabastos na linya.



"Bhes."tawag ni Julia kay Kathryn at lumapit ito sa kanya saka yinakap. Napapaiyak naman si Kathryn samantalang sina Kiray at Miles ay kaharap si Jon Lucas.



"Wala ka paring katino-tino Jon Lucas? Di mo pa rin ba titigilan si Kath?!"galit na sabi ni Kiray kay Jon Lucas.



"Pwede ba liit wag kang mangielam dito."pagkasabi ni Jon Lucas noon umurong ang luha sa mata ni Kathryn at napa-tiimbagang siya.



"Hoy Jon Lucas! Lakas nang loob mong tawaging maliit si Kay!"singit ni Miles kay Jon Lucas at kitang-kita ko ang nakakaasar na ngisi ni Jon Lucas.



"Haha! Bakit hindi ba?"sabi nito kaya naman napatingin si Kathryn kay Julia at nginitian ito. Lumapit si Kathryn kay Jon na may ngisi sa labi.



"Kiray, Miles tabi."sabi ni Kathryn sa mga kaibigan. She smiled devilish and seductively to Jon Lucas.



"Bhes anong ginagawa mo?"gulat na tanong ni Julia kay Kathryn ng ipulupot ni Kathryn ang mga kamay niya sa batok ni Jon na malakas ang loob na humawak sa bewang niya. Rinig ang malakas na hiyawan ng mga tao dahil akala nila magiging Hot ang lahat.



"Hindi ko alam Kathryn na may tinatago ka palang kalandian?"nakangising sabi nito sa kanya at nainsulto naman si Kathryn pero pinigilan niya at nag-grin.



"Kamusta naman ang panlalait mo sa kaibigan ko?"pagkasabi nun ni Kathryn ay binunggo niya ng napakalakas ang noo niya sa noo ni Jon Lucas.



"Whoooo!!!"

"Angas mo!"

"That was awesome!"



Iilan lang iyan sa mga Comments ng mga tao sa loob ng Party matapos i-headbutt ni Kathryn si Jon Lucas na ngayon ay palanggak sa floor.



"That was cool Kath!"sabi ni Kiray kay Kathryn at agad na lumapit si Julia kay Kathryn.



"Okay ka lang Bhes?"nag-aalalang sabi nito kay Kathryn, Nag-thumbs up naman si Kathryn kahit na medyo masakit ang ulo nito.



"What's happening here? Anong gulo ito?!"singit ni Kylie na kararating lang sa scene ng marinig ang gulong ginawa ni Jon.



"Uhm.. Ate Kylie."tawag ni Miles kay Kylie since senior siya ng mga ito kaya Ate ang tawag nila.



"Tell me? Bakit ba may gulo dito sa Party?"medyo naiinis na tanong nito sa kanila.



"Eh kasi po binastos ni Jon Lucas si Kath."sumbong ni Julia kay Kylie sa nangyaring gulo. Tinignan naman sila ni Kylie at sinulyapan ang palanggak sa sahig na si Jon Lucas na ngayon at hinahatak ng mga barkada nito.



"Tsk! Wag ng mauulit ito."sabi ni Kylie sa kanila at napatango naman ang apat. Aalis na sana si Kylie ng mapansin nito ang namumulang noo ni Kathryn.



"What happened to your forehead?"tanong ni Kylie kay Kathryn at agad namang hinimas ni Kathryn ang noo niya.



"Hineadbutt niya kasi si Jon Lucas."matawa-tawa namang sabi ni Kiray kay Kylie. Napailing naman si Kylie habang nakangiti.



"Kayo talagang apat, Let's go to the Kitchen lagyan natin nang ice para hindi mangitim."sabi nito sa kanila kaya naman sinundan siya ng apat na nababaitan kay Kylie sa pagiging caring nito.


Nang makarating sila sa Kitchen ay halos walang tao. Doon lang sa may Living Room at sa may Labas may Party pero wala talagang tao halos sa loob.



"Here."sabi ni Kylie sabay abot kay Kathryn ng ice pack at nginitian siya.



 "Thanks Ate."sabi ni Kathryn kay Kylie ng nakangiti at nilagay sa noo niya ang ice pack.



"Uhm.. Ate Kylie did you see Dayn?"maarteng sabi ng isang babae na sumlpot sa harapan nila. Nagtaka naman si Kathryn dahil parang narinig na niya ang boses nito pero agad siyang umiling dahil baka naaalog ang utak nila.



"Janella, Who's Dayn?"nakataas na kilay na sabi ni Kylie sa babaeng nag-ngangalang Janella.



"You Know si Dan-"naputol ang sasabihin ni Janella ng sumingit ang mga kaibigan nito.



"Hey Ella! We saw Dayn outside."sabi ng isa sa tatlo pang babae sa may gilid na halatang kaibigan nito.



"Really? I'm coming Mich."at maarte itong naglakad papunta sa mga kaibigan niya.



"Ate Kylie sorry po sa pagiging usisyoso pero ngayon ko lang po siya nakita dito, Hindi ko po siya nakikita sa University. Sino po yun?"intriminidang tanong ni Kiray kay Kylie.




"Ah siya si Janella Salvador, Hindi niyo talaga siya makikilala kasi galing siya sa Australia. Medyo nakakainis nga eh."sabi ni Kylie at halata ang bad trip dito at  naki-usyoso naman sina Julia at Miles.



"Eh Ate Kylie bakit naman po kayo naaasar?"chismosang tanong ni Miles kay Kylie. Napailing naman si Kylie bago sagutin si Miles.



"Simula kasi ng makita niya yung pinsan namin na umuwi galing States last month eh ayun parang linta na kung sumunod dito."sabi ni Kylie na halatang stress na stress habang nagkukwento.



"Oh? Eh bakit ikaw ang Stress Ate Kylie?"natatawa namang tanong ni Julia kay Kylie.



"Sinong hindi ma-iistress sa kanya? Nandito siya sa pilipinas pero kung makapag-english wagas! Tapos kapag hindi niya makita yung pinsan ko aba nagwawala. May sayad ata."sabi ni Kylie, Family Friend ng mga Padilla ang mga Salvador kaya ito ganoon.



"Kylie tara na."aya naman ng kaibigan ni Kylie kaya naman nagpa-alam na siya sa apat.



"Sige aalis na ko, Enjoy kayo."sabi ni Kylie sa kanila bago iwan.



"Umuwi na tayo hindi ko makita si Papa Enrique dito."sabi ni Julia sa tatlo at bumuntong hininga.



"Oo nga umuwi na tayo wala din si Marco Myloves dito."malungkot na sabi ni Miles.



"Oh ikaw Kiray may i-cocomment ka?"singit ni Kathryn dahil baka kasi may isingit din si Kiray.



"Wala naman sasabihin ko lang na tara sige uwi na tayo."sabi ni Kiray at naglakad na sila palabas sa bahay na iyon. Nag-sayang lang sila ng Oras sa party na iyon.


Nag-sneak in ang apat sa pagpasok sa bahay nila Kiray. Tinanggal nila ang kanilang sapatos para hindi mag-cause ng ingay habang nagti-tiptoe sila.


Hanggang sa nakarating sila sa Veranda ni Kiray at umakyat sa may puno nito. Mahina pa silang napatawang apat dahil halata sa mukha nila ang pagod pero masaya naman sila. Nag-ayos na sila para matulog and as usual nag-PJ's na sila dahil hindi kasi sila sanay sa Night Gown.



"Goodnight girls."mahinang sabi ni Kiray sa tatlong kaibigan.



"Goodnight guys sweet dreams."sabi naman ni Miles sa mga kaibigan.



"Yeah Goodnight."sabi ni Kathryn na napatingin naman kay Julia na nakanganga pa habang natutulog. Natawa naman si Kathryn dahil ang cute kasi ni Julia. Sinarado ni Kathryn ang bibig ni Julia na nakanganga dahil baka pasukan ng kung anong insekto.


"Bahala na ang Brief ni Batman at Superman kung ano man ang mangyari kapag nakita ni mama ang namumula kong noo."sa isip-isip ni Kathryn baka ipikit ang mata at matulog.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon