Kiss 13

1.7K 27 3
                                    

The Gathering Game

"Alam mo ibig sabihin nito?"tanong ni Your Highness sa akin. Tinignan ko naman yung papel mahaba-haba pa naman ang oras na ibinigay sa amin. Actually hindi isang Oras kungdi mag-oovernight daw kami dito sa Campus kapag hindi namin nahulaan ang sagot dito, Ang sama ng SC.

"Hindi ko alam, Hindi ako matalinong-matalino maganda lang ako."sabi ko sa kanya at dahil sa sinabi ko binigyan ako ng award ni Your Highness. Isang award na hindi makakalimutan..

"Aw! Ang sakit ha!"sigaw ko sa kanya matapos niyang kaltukin ang noo ko.

"Gusto mo ba ko makasama ng matagal kaya ganyan ka? Gusto ko ng umuwi kaya i-solve na lang natin ang riddle na ito."sabi niya sa akin nag-bow naman ako sa kanya kaso yung ulo lang hindi pwede katawan remember naka-posas kaming dalawa.

"Bakit ikaw lang ba? Mamaya nag-aalala na si mama sa akin.. Isipin niya na-rape na ko tapos si Kuya Neil baka matuloy na ang kiss nila ni ate Yen kaya dapat pigilan ko sila!"sabi ko at napatakip ng mukha ko. Oo ako na baliw, Nababaliw na ko dahil sa lahat ng pwede kong maka-partner bakit itong si Your Highness pa? Pwede namang si.. Si.. Wala kong maisip sige okay na lang.

"May tili-ling ka ba?"sabi niya kaya napatanggal ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko siya na ginagawa ang gesture na iniikot ang point finger niya malapit sa ulo.

"Sapakan na lang tayo oh! Ako may tililing? Hala nababaliw ka na."sabi ko at naglakad palayo sa lalaking ito! Hindi ko kakayanin na makasama siya ng isang minuto o kahit isang segundo kaso hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko at doon ko naalala.. Naka-posas pala ako sa kanya kaya napalingon ako.

"Pffft.."at tumawa siya. Oo tinawanan ako ni Your Highness. Bwisit siya mukha siyang owl, Owl na malaki ang eyebags pwede ng gawing maleta!

"Sige tawa pa.. Hehe lakasan mo para masaya."sarkastikong sabi sa kanya at tumawa pa siya ng tawa napahawak pa siya tiyan niya kulang na lang gumulong siya sa sahig sa kakatawa habang ako naka-pokerface na nakatingin sa kanya.

"Haha ngayon Haha lang Haha ako Haha nakatawa Haha ng Haha ganito Haha ulit Haha."tawa niya, Oo tawa hindi sabi wala naman akong maintindihan kung hindi puro tawa.

"Hey Dayn."napatingin ako sa harapan namin ni Your Highness, Ang kanyang Fiancee. Napatigil sa pagtawa si Your Highness kaso natatawa talaga siya kaya lang pinipigil niya, Bakit naman?

"Syet."rinig kong sabi niya at sinandal niya ang mukha niya sa balikat ko at tumawa ng sobrang lakas. Oo sobrang lakas bwisit gusto niya atang mabingi ako sa kakatawa niya. Hindi ba siya maka-get over?

"Dayn, What are you laughing at?"nagtatakang tanong ng Fiancee nitong lalaking ito tapos tinignan ako ng Fiancee niya at ang sama ng tingin sa akin. Bwisit lang naman itong lalaking ito!

"Gusto mo bang basagin ang eardrums ko sa kakatawa mo?"bulong ko dito sa lalaking ito tapos eto pa ano ang sinagot niya? Tawa ulet..

"Haha ang Haha epic Haha kasi Haha ng Haha itsura Haha mo Haha."

"Oo na kaso kanina pa yan pwede ba tumigil ka na nakaka-insulto ka na saka nandito Fiancee mo."sabi ko tapos yung mukha niya naluluha na. Naluluha na kakatawa kaya napa-pokerface ako sa itsura niya.

"Fiancee? Haha sino?"sabi niya at pinunasan ang luha niya sa pagtawa kanina. Pero teka hindi niya kilala ang Fiancee niya? Napatingin naman ako sa paligid at maraming nakatingin sa amin. Kanina pa pala kami nakakuha ng atensyon pero puro ka-batch namin sila.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon