Kiss 22

1.4K 45 17
                                    

Overnight

"Eto na yung Hot Compress."sabi niya at inabot sa akin yung maliit na tela na may laman na parang jelly sa loob dahil ang lambot pero mainit.

"Ah salamat."sabi ko at nilagay ko sa likod ko malapit sa may balakang. Ang comfortable naman nito nakakawala ng sakit sa likod. Nang mapatingin ako sa kanya na titig na titig sa akin, Na-concious ako bigla kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Ah... D-Daniel."tawag ko sa kanya at napansin kong natigilan siya kaya napatingin ako sa kanya bigla siyang ngumiti, Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit?"tanong ko sa kanya na naka-upo sa gilid ng kama niya.

"First time mo kong tinawag sa pangalan ko eh."pagkasabi niya nun eh doon ko lang naalala, Oo nga tinawag ko siya sa pangalan niya. Nakakahiya pero ano naman?

"Ayaw mo? Edi sige Your Highness na lang ulit."biro ko kaya lang sobrang awkward lang ng nararamdaman ko ewan ko kung bakit eh kasi nga nagyayakapan kami, hinahalikan niya ako pero hindi naman kami ano yun? Strangers with Benifits o Enemies with Benifits?

Pero hindi lang naman siya ang humahalik sa akin eh, Si Mr. Hazel Brown eyes din naman. Yinignan ko si Your Highness na nakaupo sa tabi ko at nakaka-concious ang titig niya hindi ko tuloy matitigan ang mata niya kasi alam niyo na baka siya si Mr. Hazel Brown eyes di ba kasi parehas sila ng kulay ng mata.

"Kath kung inaantok ka na diyaan ka na matulog sa kama."sabi niya sabay tayo kaya naman na-touch ako may pagka-Gentleman din pala itong feeling prinsipe na ito eh. Kaya lang nakakahiya naman kung dito ako sa kama niya pero siya sa kung saan samantalang bahay nila ito.

"Eh saan ka matutulog?"tanong ko sa kanya nginuso niya yung sofa kaya naman nanlaki ang mata ko. Eh ang liit niyaan eh!

"Magkakasya ka ba diyaan? Sa laki ng katawan mo magkakasya ka diyaan sa sofa? Maawa ka naman sa sofa."sabi ko sa kanya at napatawa siya bago hinawakan ang doorknob ng pinto.

"Joke lang as if naman na matutulog ako sa sofa, Diyaan ako sa kama wag kang excited baby."sabi niya kaya naman nabato ko siya ng unan niya pasalamat siya masakit ang likod ko peste siya! Lumabas siya ng tawa ng tawa, Akala ko Gentleman yun pala Gentledog kahit kailan talaga bwisit siya!

Nilibot ko na lang ang mata ko sa kwarto niya, Malinis na tao pala itong si Your Highness prinsipe na prinsipe talaga tama lang ang Your Highness para sa kanya dahil para talaga siyang prinsipe at ako? Ako ang aliping sagigilid pero maganda. Napatigil ako sa pagmo-monologue ko ng pumasok siya sa kwarto niya ng may dalang damit ata ewan ko silky kasi yung damit eh.

"Ano yan?"tanong ko sa kanya ng makalapit siya at inaabot sa akin yung tela ata ewan ko.

"Ah eto? Night Gown ayaw mo naman sigurong matulog ka ng nakaganyan at hindi man lang naghihilamos."at ngayon ko lang napansin na nakapambahay pa pala ako, Simpleng tokong at naka-white shirt.

"Eh paano naman ako makakapaghilamos kung masakit ang likod ko? Nabalian nga ako ng buto di ba?"sabi ko sa kanya at ngumiti siya ng nakakaloko. Kaya naman napa-pokerface ako may iniisip kasi itong kalokohan eh.

"Edi ako na lang magpapalit sa iyo."sabi niya kaya nabato ko sa mukha niya yung unan niya, Tawa naman siya ng tawa habang binabalik yung unan kung saan ko nakuha.

"Joke lang eto naman hindi ka talaga mabiro ano? Oh lalabas muna ko diskarte mo na kung paano mo susuotin yan."sabi niya sabay tayo mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas ako naman nakatitig lang sa Night Gown. Taena paano ko masusuot yan? Bahala na si Batman!

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon