Kiss 17

1.6K 32 5
                                    

Your Highness

Akala ko hiwalay ang bahay nila Your Highness sa Padilla Clan pero hindi pala. Nasa iisang exclusive subdivision sila kung saan malapit sa bahay nila Bhes, Miles at Kiray. Ngayon ko lang din  nalaman na malapit ang bahay nila Your Highness sa amin. Mga 5km lang ata ang layo. Bumaba na kami at sinalubong kami ng mga katulong nila. Whoa! Mayaman pala talaga sila saka malamang sila lang naman ang may ari ng PIU di ba?

"Oh anak nandito ka na?"bati ng isang babaeng maputi kaya naman alam kong nanay niya iyon.

"Ma babalik kami sa school, May activity eh."sabi ni Your Highness sa mama niya, Halata ngang Your Highness siya kasi parang palasyo ang bahay nila. Malaki!

"Ah oo nasabi na din sa akin ni Angel, Siya ba yung ka-partner mo?"sabi ng mama niya at ngumiti naman ako.

"Ah hello po."sabi ko at kumaway, She smiled at tumango-tango.

"Akyat na ako sa kwarto ko ma, Bigyan mo lang siya ng room magpapalit din yan."sabi ni Your Highness at umakyat sa kwarto niya naiwan naman ako dito sa mama niya.

"Iha wag kang matakot, Hindi ako monster, Maganda lang ako."sabi ng mama niya kaya naman medyo natawa ako, Kalog pala ang nanay pero ang anak sobrang sunget daig pa ang babaeng menopausal.

"Hehe uhm saan po ang CR niyo?"tanong ko umiling naman siya.

"Yaya Helen! Paki-dala naman itong si.. Ah anong name mo?"sabi niya at dumating naman yung Yaya Helen nila na kasing edad ni Manang Hilda nila Kiray.

"Kathryn po pero Kath na lang."sabi ko at ngumiti ulet sa mama ni Your Highness.

"Paki-dala si Kath sa isa sa guest room."at senenyasan ako nung Yaya nila na sumunod sa kanya, Shete ang lawak talaga ng bahay nila.

"Uhm.. Malayo pa ba yun?"tanong ko kay Yaya Helen at umiling siya sa akin.

"Malapit na Ineng, First time atang mag-dala ng babae ni Sir dito kahit noon pa bago sila pumunta sa States."sabi ni Yaya Helen at nagta-tango naman ako hanggang may binuksang pinto si Yaya Helen at pumasok na ako.

"Thank you po."sabi ko at sinara ang pinto, Pinatong ko yung Tote Bag sa may kama at nagpalit na ako ng Jeans at White T-shirt. Sinuot ko na rin yung rubber shoes ko saka tinupi ko sa may kama yung uniform ko mamaya ko na ilalagay sa bag kapag tapos na akong magtali ng buhok. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatali ko ng may kumatok kaya naman pumunta ako sa may pinto at gamit ang isang kamay ko binuksan ko yung pinto.

"Matagal ka pa?"sabi niya at ngumiti naman ako.

"Sandali na lang promise."sabi ko at sinarado ulit yung pinto habang tinali ko na yung dulo ng buhok ko. Kinuha ko yung Tote Bag ko saka lumabas.

"Ta.. Ang tagal mo."sabi niya medyo natigilan pa siya pero di ko na lang pinansin. Nauna din siyang maglakad pababa at ako nakasunod sa kanya habang hawak ang Tote Bag ko.

"Ano yan? Pinag-usapan niyong dalawa na White Shirt or Couple shirt?"sabi ng mama ni Your Highness kaya naman agad akong napa-nganga.

"Ma tumigil ka nga! Eto ang color coding namin."sabi ni Your Highness, Oo nga eto ang color coding namin eh.

"Sige ma alis na kami."sabi ni Your Highness at naglakad na siya.

"Sige po."sabi ko at sumunod ako dito sa lalaking ito mamaya maligaw pa ako dito.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon