Kiss 3

2.2K 35 4
                                    

Party, Party it's Party Time


"Okay na ba kayo? Wala na kayong kailangan?"tanong ng yaya Marie nila Kiray sa kanilang apat.



"Opo ya, Ayos na po kami. Goodnight Te Marie, Sweet Dreams."sabi ni Kiray na may halong sweet tone. Kinabahan naman bigla si Kathryn dahil sa gagawin nilang pag-sneak out. Napatingin siya kayna Julia at Miles na nakatingin kay Yaya Marie.



"Sige Goodnight."sabi ni yaya Marie sa kanila at umalis na. Tumayo naman agad si Kiray at ni-lock ang pintuan ng kwarto niya at humarap sa mga kaibigan.



"Ready?"tanong nito kaya naman napatayo ang tatlo at tinanggal ang long vest ng Night Gown nila at whala! Ready to go na sila. Naka-pang Party Dress kasi ang apat. Kaya hindi sila nag-PJ's as usual nag-night gown sila para matakpan yung Party Dress nila.



"Buti na lang at kinulot ko na yung buhok ko."sabi naman ni Kiray. Napatingin sila Kathryn sa kanya dahil sila nga nila Miles ay straight hair pero nilagay nila sa side para medyo mag-curly siya habang si Julia naman ay straight lang.



"Tara na ingat kayo sa pagbaba sa Veranda huh."sabi ni Kiray at pinatay na ang ilaw sa kwarto niya. Kinuha naman ni Kiray yung Accesories at heels nila. Naglagay rin sila ng Figure sa higaan nilaa at tinalukbungan ng kumot.



"Ako mauna."sabi ni Miles at bumaba gamit ang Puno malapit sa Veranda ni Kiray na malapit sa Backdoor nila. Sumunod si Kathryn tapos si Julia at huli naman si Kiray. Dahan-dahang naglakad ang apat papunta sa Backdoor nila Kiray na halos kinakalawang na dahil hindi nagagamit, Iyan ang Secret door nila lalo na ni Kiray tuwing tatakas siya.



"Bilisan niyo."bulong ni Julia nang biglang..



"Sino yan?!"nanlaki ang mata nilang apat kaya dagli silang nagtago sa may gilid malapit sa Maid's Quarters.



"Sino yan?!"medyo galit na sabi nito habang papalapit sa apat. Kinakabahan sila dahil baka mahuli silang apat at malagot sa kani-kanilang parents. Titili na sana sila dahil nakita na nila yung anino nang..



"Shemay hangin lang pala."sabi ni Yaya Marie at pumasok na sa loob ng bahay. Nakahinga naman sila ng maluwag. Wala ang parents ni Kiray pero bantay sarado siya sa tatlong maids nila.



"Lalakarin na lang natin yun tapos makakaalis na tayo."mahinang-mahina na bulong ni Kiray sa kanila. Kinakabahan na silang apat dahil baka mahuli sila.


Tiptoe kung maglakad ang apat. Binuksan nila ng dahan-dahan ang backdoor nila Kiray at pigil hininga sila habang ginagawa iyon dahil baka mamaya mahuli sila. Pagbukas palang ay agad silang tumakbo si Miles ay napahawak sa dibdib niya.


Tumakbo si Kathryn at Julia habang si Kiray ay sinarado ang backdoor. Okay na sana, Nakahinga na sana sila ng maluwag kaso..



"arf! arf!"kahol ng aso. Pesteng aso ang epal! Dagling tumakbo ang apat palayo sa block nila Kiray.



"Phew! That was too close!"sabi ni Kathryn at napa-upo sa may bangketa habang hingal na hingal mula sa pagtakbo. Kinuha naman nila yung Accesories at Heels nila kay Kiray at sinuot iyon.



"Grabe akala ko patay na tayo.. Tara na nga ma-late pa tayo 9pm na."sabi ni Julia na masyadong excited na makita si Enrique sa party



"Tara-tara."sabi ni Miles at naglakad na silang apat with poise. Sa Gitna ng kalye.. Sa Ginta ng tahimik na Kalye.



"Freedom! Ahhh!"sabi ni Julia at sininghot pa ang simoy ng hangin kapag gabi na habang naglalakad sila sa Subdivision. Iisang subdivision lang kasi ang tinitirhan nila Kiray, Miles at Julia habang si Kathryn naman malapit sa labas ng subdivision ang bahay nila.


Hanggang sa natanaw nila ang exclusive block para sa mga Padilla sa loob ng subdivision na iyon. Isa sa mga bahay ng mga Padilla na sigurado ang apat na bahay nila Kylie dahil puno ito ng students sa PIU.. Lahat ata nandito na except lang siguro sa mga nerds at invisible.


Kung tatanungin niyo ang apat? Hindi sila popular, Hindi rin sila Invisible. Average slash commoner ang apat.



"Grabe amoy alak! Kiray akala ko ba walang alcohol?"medyo inis na tanong ni Miles kay Kiray, Si Kiray kasi ang nagsabi ng tungkol sa party kay Miles.



"Wala nga, Si Kylie pa mismo ang nag-post sa Twitter niya. Siguro bisita na nagdala niyaan para kunwari cool kahit na hindi. Ang kakapal ng mukha tara pasok tayo baka cool lang."sabi ni Kiray at sinundan namin siya ng tatlo. Si Kiray ang pinaka-party person sa kanilang apat kaya ganyan kalakas ang confidence niya. Napansin naman ni Kathryn na palingon-lingon si Julia.



"Uy Bhes! Sino hinahanap mo? Baka mamaya maging Giraffe ka na."matawa-tawang sabi ni Kathryn kay Julia siniko naman siya nito at nagpatuloy sa paglinga na hinahanap si Enrique.



"Nga pala Kira- Eh? Mil- Eh? Bhe- Naman?! Saan nagpunta yung tatlong babaitang iyon? Tama ba naman na iwan ako? Dito.. Sa Gitna.. Ng madaming.. tao."bulalas ni Kath sa sarili. Saan ba kasi naglulusot yung tatlong iyon? Nag-ala Giraffe pa si Kathryn para mahanap sila ng makita ni Kathryn ang bulto ni Julia kaya nagpumilit itong sumiksik sa mga tao.



"Sh*t."rinig ni Kathryn na cuss ng isang lalaki nasa tapat niya at tumingin ito sa kanya este sa may likod pala nito. Lilingon na sana si Kathryn para sundan si Julia ng hawakan nito ang balikat niya. Napakunot ang noo ni Kathryn na para bang nangyari na ito..



"Miss pwede bang.."sabi nito sa kanya at tumingin sa likuran niya saka siya yinakap nito. Nanigas si Kathryn sa kinatatayuan niya ng yakapin siya ng lalaki. Napatingin siya dito kaya lang hindi niya makita masyado ang mukha nito dahil sa madilim na parte ng bahay sila nakatayo pero medyo naaninag niya ang matangos nitong ilong.



"Sandali lang miss may tinatakasan lang ako."sabi nito sa kanya habang siya natulala sa matangos nitong ilong.



"Dayn! Where art thou?"rinig ni Kathryn na sabi ng isang babae sa likuran niya.



"Ugh! Miss malapit na yung babaeng linta na yun pwede bang.."sabi nito sa kanya habang nakatingin sa likuran ni Kathryn. "Anong pwede bang?" sa isip-isip ni Kathryn. Kinakabahan si Kathryn at the same time hindi niya alam kung ano ang mangyayari pero lumakas ang tibok ng puso niya ng sabihin nito ang mga katagang hindi niya inaasahan.



"Pwede ko bang hiramin ang labi mo?"tanong nito sa kanya niya habang nakatitig sa kanya habang si Kathryn naman ay napako sa kinatatayuan niya.


Hindi malaman ni Kathryn ang gagawin niya, Pati na rin ang sasabihin niya hindi niya malaman kung ano ang isasagot habang hawak-hawak ng lalaki ng sobrang higpit ang balikat niya na para bang kinakabahan din ito. Iisa lang ang nasa isip ni Kathryn na para bang nangyari na ito.


Sa kabilang dako naman hinahanap ni Julia ang kanyang Papa Enrique. Napabuntong hininga siya at napayuko dahil sa sobrang pagkadismaya niya. Kaklase na niya si Enrique since 2nd Grade at Crush na crush na niya ito pero hanggang ngayon hindi pa rin siya napapansin ni Enrique.


Matagal na silang magkaklase ni Enrique pero hindi siya nito napapansin, Ang saklap lang ng kanyang lovelife ano?



"Julz! Nakita mo ba si Kath?"tanong ni Miles kay Julia at napalinga naman siya para hanapin ang bhes niya at ng maalala niya biglang nanlaki ang mata ni Julia.



"Hala Miles! Nakalimutan ko si Bhes!"kinakabahan na sabi ni Julia kay Miles.



"Hala ka! Saan natin mahahanap si Kath?"tanong ni Miles kay Julia at kinabahan din agad.



"Nawawala si Kath?"sumulpot naman si Kiray out of nowhere.



"Oo nakalimutan ko kung saan ko siya naiwan, Kayo di ba kanina kayo ang kasama niya?"tanong ni Julia sa kanilang dalawa kasi sure siya na kanina lang ay kasama nila si Kathryn.



"Hindi akala ko kayo ni Miles ang kasama niya."sabi naman ni Kiray.



"Uy akala ko nga kayo ang kasama niya eh kaya umalis na lang ako."sabi naman ni Miles. Tsk! Pare-Parehas lang pala nilang naiwan si Kathryn pero lagot sila nito kapag may nangyaring masama kay Kathryn.


"Parang kailan lang at na-devirginize ang labi ni Kathryn baka pati ang.. OMG!"sa isip-isip ng berdeng utak ni Julia.



"Kiray! Invited ba ang grupo nila Jon Lucas dito sa party?"medyo kinakabahang tanong ni Julia kay Kiray.



"Oo yata.."alanganing pagkasabi ni Kiray kay Julia at nagkatinginan silang tatlo.



"Patay!"sabay na sabi nilang tatlo. Si Jon Lucas, Since Grade 7 kursunada na nito si Kathryn pero dahil sa hindi naman Flirt si Kathryn sinupladahan niya si Jon Lucas at ang akala ni Jon ay pakipot si Kathryn. Kaya ngayon baka may mangyaring masama sa kanya kapag nagkataon dahil kay Jon Lucas.



"BASTOS!"napalingon sila sa may bandang entrance. Boses ni Kathryn iyon! Napatigil ang mga tao sa paligid. Tumahimik bigla..



"S-Si Kath iyon."sabi ni Kiray kaya naman dagling lumapit ang tatlo at doon nila nakita si Kathryn na hawak ang labi niya at yung lalaki namang hindi nila masyadong maaninag ang mukha pero hatalang namumula ang pisngi nito


"The Fvck! Don't tell me si Jon Lucas iyan?" sa isip-isip ni Julia at galit na galit siyang lumapit para ipagtanggol ang kanyang Bhes na si Kathryn.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon