The Twins
Kathryn's POV
Naglalakad kami ng bago kong kaibigan na si Bea. Napag-alaman kong magkaklase pala kami sa unang subject naming dalawa. Biruin mo nang dahil lang sa natapunan niya ako ng Ice Tea may kaibigan na ako.
"Parehas pala tayo ng room kaya sabay na tayo."sabi niya habang naglalakad kaming dalawa. Napangiti na lang ako dahil medyo slow pala si Bea.
"Sige."sabi ko at tumingin sa kanya medyo nag-aalangan pa rin kasi ako sa pangalan niya dahil nag-alangan pa siya sa pagsabi sa akin ng Pangalan niya kanina
"Beaby!"tawag ng isang maputing babae na mukhang Barbie Doll kay Bea.
"Juliaby!"sabi naman ni Bea at yinakap itong babaeng mukhang Barbie Doll.
"Wha! Beaby, Pasensya na na-late ako ng pagdating may Jetlag pa nga ako eh."sabi ng babaeng maputi kay Bea. Ka-ano-ano naman kaya ni Bea ang napakagandang babaeng ito. Na-insecure naman ako dahil ang puti isa pa nakakainggit yung dimples niya na lumalabas tuwing nagsasalita siya.
"Sinundo ka nila mama?"tanong naman ni Bea. Seriously para akong Display ngayon dito sa harapan nila.
"Hindi, Dumeretso agad ako dito kasi pagagalitan daw ako ni mama kapag umuwi pa ko kaya nasa Car ko yung mga luggage ko. Nga pala sino siya?"oh? Buti napansin niya ko.
"Ah si Kath, New Friend ko."sabi naman ni Bea, Tumaas naman ang kilay nung babae kaya tuloy nag-alangan akong kausapin. Ayoko ng gulo mukha siyang masungit dahil maputi.
"New Friend? Beaby alam na ba ito nila Ku-"naputol yung pagsasalita nung babae ng agad na umaksyon si Bea na para bang may tinatago sila.
"Shh! Hindi pa nga nila alam na nandito na ko eh, Hindi ba nga sabi ko kay mama na sabay tayong uuwi."sabi ni Bea. Ugh! Hindi ko sila maintindihan pwede bang umalis na lang ako? Pero halatang magkapatid ang dalawang ito.
"Sige alis na ko hindi ko nga alam kung saan yung room ng Trigo eh, Malas naman Trigo pa ang una kong subject."sabi niya at umalis na sa harapan namin ni Bea pero bago iyon ay nag-beso muna sila.
"Kath, Pagpasensyahan mo na si Juliaby. May Jetlag lang yun kaya masungit pero mabait naman yung kakambal ko."sabi ni Bea kaya naman napanganga ako. Kakambal niya iyon? Akala ko kapatid lang pero seryoso kakambal niya? Hindi halata.
"Kambal mo?"medyo gulat kong bulalas kay Bea dahil kakambal pala niya iyong mukhang Barbie Doll na babae. Kung si Bea ay may pagka-chinita, Yung kakambal niya mukhang Barbie Doll.
"Ahh oo Kambal ko yun, Julia Pa este Estrada ang pangalan niya kaso tawagan namin yung Juliaby at Beaby."paliwanag niya kaya napatango na lang ako at naglakad na kaming dalawa.
Nakapasok na kami sa room at nandoon na yung Teacher namin, Malas!
"Miss Bernardo and Miss Pa i mean Miss Estrada why are you two Late?"sabi ni Mrs. Reyes ang matandang medyo na menopause na. Nung sinabi niya yung apilido ko medyo asar siya pero nung sinabi niya yung apilido ni Bea bakit parang bumait siya?
"Sorry po Mrs. Reyes tinulungan lang po kasi ako ni Kath sa paghahanap nitong room hindi ko po kasi alam."sabi ni Bea, Nga naman since Transferre Student siya kaya mapapaniwalaan siya.
"Ganoon ba? You may seat now."sabi niya at umupo na kami. Si Bea sa harapan naka-upo kami naman sa may pangalawa sa likod.
Since First Day, Boring ang Class. Pakilala dito parang kasisilang lang tapos rules-rules na hindi naman nasusunod at sinusuway pa! Tss.. Alam niyo yung feeling na Terror yung Teacher pero ala Jigglypuff kung magsalita? Nakaka-antok. Nakalaklak ata si ma'am ng isang drum ng Sleeping Pills tapos hindi tumalab kaya lumalabas yung effect sa bunganga niya kaya kami ang inaantok.
BINABASA MO ANG
Kiss Can Tell
Roman pour AdolescentsSimpleng Hotdog na punong-puno ng ketchup ang dahilan ng magulong lovelife ni Kathryn. Matapos kasing hiramin ang labi niya ng isang hindi kilalang lalaki nasundan pa iyon ng sunod-sunod na nakawan ng halik. Kung sakaling mabait ang tadhana makilala...