Kiss 5

2.2K 38 4
                                    

Borrowed Lips

"Ano nga ulit iyon? Si DJ? Nagnakaw ng halik? Not once but twice?"at humalakhak ng napaka-lakas si Marco na nag-echo pa sa loob ng kwarto ni Daniel kung saan sila nakatambay ngayon at para na rin magtago sa isang "linta" kung tawagin ni Daniel.

"Oo nga ang kulit? Pang isang-libong beses mo na iyan."sabi ni EJ at inilingan si Marco dahil hindi na ito nag-sawa sa topic na iyon.

"Sige tawa pa! Saka sabi ng hiniram okay? Hiniram hindi ninakaw."defensive na sabi ni Daniel habang naka-pokerface kay Marco na tawa ng tawa. Bukod kasi sa nabubwisit ito sa lintang dikit ng dikit at kapit ng kapit sa kanya naiinis din siya sa mga bagong recruit na friends ng bestfriend niyang si Enrique nung natira siya sa States sa loob ng sampung libong daang taon para kay Daniel pero kung susumahin Ten years lang siya halos sa States.

"Sabi ko nga Hiniram, Hindi ba EJ?"sabi ni Marco na siniko-siko pa si EJ na nakatingin sa bahay nila Kylie na puno ng estudyante ng PIU..

"Tigilan mo ko Marco may hinahanap ako."sabi ni EJ hoping na makita niya ang babaeng hinahanap niya at sumandal na lang railings ng Veranda sa loob ng kwarto ni Daniel. Padilla so expect malaki ang kwarto niya.

"Sino hinahanap mo? Yung babaeng nabunggo mo last time sa Mall?"tanong ni Marco at si EJ na ang kinulit. Napatingin naman si Daniel sa kaibigang si Enrique na naglalaro sa Xbox niya na nag-sawa na.

"Tsk! Ano magkukulong na lang ba tayo dito sa kwarto mo DJ?"tanong ni Enrique kay Daniel na bestfriend niya simula pa nung nasa incubator silang dalawa. Family Friend ng mga Padilla ang mga Gil kaya ganyan na lang ka-close si Enrique kay Daniel.

"Ano pa nga ba?"matawa-tawa ulit na sabi ni Marco na kinulit na naman si Daniel at tinigilan si EJ.

"Marco Polo tumigil ka nga sa kakatawa pasakan kita nitong unan diyaan eh."naiinis na sabi ni Daniel at inambahang ihahagis kay Marco ang pinaka-malapit na unan sa kanya. Ang sabi ng mama ni Daniel mage-enjoy daw siya sa Pilipinas pero para kay Daniel hindi siya makapag-enjoy-enjoy.

"Tsk! Ako Magiging Masaya? Eh may linta nga kung makakapit sa akin! Psh.. Happy my ass."sa isip-isip ni Daniel at ngumiwi pa.

"Alam mo DJ, Bakit kasi di mo na lang sabihin diyaan sa Janella na yan na ayaw mo sa kanya."simpleng sabi ni EJ kay Daniel kaya naman napahalakhak si Daniel kay EJ, A sarcastic one.

"Gago! Ilang beses ko na nga ginawa iyan eh pero sabi niya.."pinutol ni Enrique ang nagsasalitang si Daniel at siya ang nagpatuloy.

"Ayos lang iyan Dayn, Kasi nabasa ko sa Wattpad.. Yung Same Love at House hihi The More You Hate The More You Love kaya kung sasabihin mong ayaw mo sa akin at hate mo ko i-coconsider kong love mo ko."pangga-gaya ni Enrique sa boses ni Janella at tumawa ng sobrang lakas na halos makita na ang ngalangala nito at kumakaway na rin ang lungs sa sobrang laki ng bunganga sa pagtawa.

Na-badtrip lalo si Daniel dahil naalala niya nung sinabi sa kanya iyon ni Janella ay narinig ni Enrique at tawa ito ng tawa hanggang sa nagpasabog ito ng napaka-bahong amoy.

"Cheer up Jay, Malay mo makita mo yung babaeng pwedeng magpalayo kay Janella at the same time mamahalin mo sa pagpasok mo sa PIU."sabi ni Marco kay Daniel at alam niyang niloloko siya nito dahil tumatawa ito ng nakaka-asar sa kanya.

"Mamahalin? Ang mais mo."sabi ni Daniel kay Marco at binato kay Marco ang PSP niya. Mayaman kaya binabato lang ng parang bato ang PSP.

Kiss Can TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon