"At anong sabi mo dun sa receptionist? na mag asawa tayo?"Andito na kami sa Palawan at kakacheck in lang namin sa hotel na kasama nga nung sa package na napanalunan ko.
"At anong sasabihin ko? Na magkapatid tayo? Paano pag hindi mo mapigilan na halayin ako? anong iisipin nila? Incest yun Monica"
At hindi ko napigilan ang sarili ko na batukan siya. Ang adik lang talaga ng lalaking to. At ako pa talaga ang hahalay sa kanya? Yung tipong pag matino siya hindi hindi mangyayari na may mamagitan sa aming dalawa. Ang yabang yabang talaga.
"Makabatok ka naman Mrs. Valero. "
"Mrs. Valero ka dyan.. pinapaalala ko may girlfriend ka para umasta ng ganyan"
"Kaya nga. Girlfriend ko lang siya ikaw ang Misis ko."
"Ilang batok ba ang gusto mo Marco?"
"Ilang halik ba ang gusto mong iganti ko Monica?"
Medyo napatigil ako sa medyo pagseryoso ng boses niya pati ng mukha niya. At nakakatigil lang lalo ang sinabi niya. Ilang halik daw? Pwede bang directly proportional Marco? Pag dami ng batok ko sayo doble doble ang halik na igaganti mo. Ok lang ba? Ok na Ok yun sa akin.
"Pag binatukan kita, batukan mo din ako. Ganun dapat"
"Pag hinalikan kita, halikan mo din dapat ako. Ganun dapat ba Monica?"
Tinalikuran ko na lang siya para ayusin ang gamit ko. At dahil nga pang couple yung package na napanalunan ko syempre isang kama lang ang meron sa kwartong to. At yung mayabang na gwapong lalaking kasama ko aba bigla na lang humiga dun sa kama kung saan halos sakupin na niya. Eh dun din ako nag aayos ng gamit ko.
"Hindi ka ba napapagod sa byahe? Tara idlip muna tayo."
At inayos niya yung higa niya at may espasyong tinira para sa akin. Kaso hindi sapat yung space na binigay niya.. magkakatabi pa din kami kasi halos nasa gitna nga siya.. magkakadikit pa din ang mga katawan namin at yun ang hindi ko alam kung paano ihandle. Ok lang dati sa company na magdikit ang katawan namin pero ngayon? Na nasa isang kwarto lang kaming dalawa? Baka bigla akong ipagkanulo ng katawan ko at magkakatotoo nga na mahalay ko siya.
"Hindi ok lang ako. Umidlip ka lang kung gusto mo"
At tumalikod na ako para sana pumunta sa cr pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hila hila na niya ako palapit sa kanya. Sa sobrang bilis ng pangyayari naihiga na niya ako.
"Ang taray taray mo talaga kahit kailan"
Ok lang naman sana na ngitian niya ako habang sinasabi niya yun kaso nasa ibabaw ko siya. At ang sitwasyon na ganito ang hindi ko alam kung paano magrereact. Nakakainis.
"Umalis ka nga dyan sa ibabaw ko Marco. Ang kulit mo"
Pero lalo lang niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Gwapo naman"
"Alis sabi"
Ipinikit ko na ang mata ko kasi hindi ko naman nga masasalubong ang titig niya.
"hahaha bakit namumula ka?"
Pero hinayaan ko lang siya na tawanan ko basta hindi ko imumulat ang mata ko. Mas lalo lang akong mapapahiya pag ginawa ko yun. At baka lalo lang akong ipagkanulo ng nararamdaman ko sa makulit na lalaking ito.
At dahil hindi ko na nga minulat ang mata ko. Umalis na siya sa ibabaw ko. Pero naramdaman ko ang bisig niya na yumakap sa akin. Kaya lalo akong hindi nakakilos. Parang ang init init bigla ng paligid. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa tiyan ko.
"Samahan mo lang akong matulog Elise Monica. Dito ka lang sa tabi ko. Mahirap ba ang hinihingi ko?"
At hinapit niya ako malapit sa kanya. Mahirap Marco ang hinihingi mo. Lalo na ngayon na hindi ko alam kung paano ang paghinga na gagawin ko dahil sa ikinikilos mo.
_casper_
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl