Chapter 23

7.6K 200 14
                                    

Chapter 23



Wala halos nakaalam sa company nung nangyari. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Joseph pero sabi ni Marco siya na bahala. Ayaw ko naman siyang kontrahin din. Kung may namimiss ako nitong nakaraan ay ang mga tropa ko. Sinunod nila talaga si Marco na hindi muna lumapit sa akin. Kahit about sa trabaho hindi din nila ako nilalapitan.



"Pre, kamusta?"

Breaktime kasi. Magkakasama sina Russel at JP sa canteen. Umupo ako sa bakanteng upuan.

"Iiwasan niyo talaga ako?"

Mahalaga kasi sila sa akin. Kung ano man ang nangyari alam kong hindi nila yun kagustuhan.


"Monica, nahihiya kasi kami sa'yo at kay Marco. Tama naman kasi si Marco pre, hindi kami dapat nagsama sa lakad na para sa atin lang."


Ang seryoso ni Russel habang nagsasalita. At naiiyak ako dahil ramdam na ramdam ko naman yung pag aalala nila sa akin. Ang tagal naming magkakaibigan kaya alam ko na kung galit man si Marco sa nangyari alam ko na ganun din sila.




"Natatandaan niyo nung minsang mag bar tayo? Yung pinag gitnaan niyo ako sa upuan kasi ayaw niyong malapitan ako ng mga lalaki. Yung tipong pagkakataon ko na sanang makakilala ng iba at lumandi sana pero bantay sarado niyo ako. Yung hindi ko minsan naisip na mainis dahil doon. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sa inyo kasi hindi niyo hinahayaan na mapahamak ako o maloko ng lalaki. Kung ano man ang nangyari noong gabing yun. Kung natuloy man yung ginawa nung lalaking yun hindi ko alam pero hindi ko pa din magagawang magalit sa inyo. Mas lamang yung pinagsamahan natin sa kung ano man. Kaya pansinin niyo na ako."



Ngumiti lang sina Russel tapos ginulo niya buhok ko na parang bata. Alam ko na magagalit si Marco pag nakita kami ngayon pero hindi ko pwedeng talikuran basta basta ang mga kaibigan ko. Oo nasasabi ko ngayon na baka mapatawad ko pa din sila kung usakali man na natuloy yung pagsasamantala sa akin ni Joseph, nasasabi ko kasi hindi natuloy pero hindi ko alam kung nasa sitwasyon na ako. Pero hihintayin ko pa ba yung sitwasyon na yun? Ang mahalaga hindi natuloy at yung pagkakaibigan namin ay andun pa din.




"Paano si Marco?"



Pagkuway sabi ni JP. Hindi ko naman masisisi si Marco sa galit niya. Siya ang nakasaksi ng mga pangyayari. Pero ayaw kong mamili sa mga lalaki sa buhay ko. Sa kaibigan ko at sa kanya.



"Ako na bahala kay Marco. Kung magkakaproblema man ang pagsasama namin dahil dito wala akong magagawa."


"Pero Monica.,"


"Ok lang ako pre, ipapaliwanag ko sa kanya ng maayos. Huhupa din ang galit niya."


Sumabay na din ako ng pagkain sa kanila. Naiwan ko cellphone ko sa table ko kaya hindi ko alam kung nagmessage ba si Marco. Halos maghapon na yun naging busy na din kami. Kaya nung uwian na lang din talaga kami nagkita ni Marco. Ewan kung pagod lang ba siya pero kakaiba yung itsura niya. Parang badtrip din siya. Baka pagod lang.



"Kamusta?"



Pinagbuksan lang niya ako ng pinto pero hindi niya ako sinagot. Kahit nung napaandar na niya yung sasakyan hindi pa din siya nagsasalita. May problema ba kami? Madalas pagkakagaling ng company didiretso kami doon sa madalas naming kainan tas depende kung saan niya ako iuuwi. Kung sa unit niya o sa bahay ko. Pero dahil wala nga siyang imik kahit itinigil niya sa tapat ng bahay ko hindi pa din nga din siya nagsasalita.



"May problema ba tayo Marco?"



"Gaano ba kahirap yung pakiusap ko sa'yo na huwag ka munang lalapit sa mga barkada mo?"

Nakita niya ba kami kanina? Pero bakit hindi niya sinabi? o baka nagmessage siya pero hanggang ngayon hindi ko pa nabuksan yung cellphone ko.


"Gaano ba katagal ko silang iiwasan? Marco ok na naman na. Walang nakaalam sa company nung nangyari. Alam mo kung anong samahan  namin kaya hindi ko alam kung bakit kailangan mong hilingin sa akin na iwasan ko sila."



Pinipilit kong magpakahinahon. Sa lahat ng emosyon na naramdaman ko nitong nakaraan ang paghinahon ang isa sa aking natutunan. Hindi ako pwedeng magtaas ng boses kasi maiiyak lang ako. Hindi din pwedeng palampasin ang usaping ito dahil masyado ng madaming apektado.





"Madali lang sa'yo kasi na kalimutan yung lahat kasi hindi ikaw yung nakasaksi nung ginawa sa'yo. Habang tulog yung mga tropa mo may ibang nagsasamntala sa kahinaan mo. Ang dali mong kalimutan kasi wala ka naman ngang alam sa kung anong nadatnan ko nung gabing yun."




Hindi ko mapigilan na masaktan sa sinasabi niya. Sa ilang linggo na nagdaan wala naman siyang sinabi sa akin.


"Hindi mo din alam kung anong nararamdaman ko Marco. Yung mas pinili ko na lumapit sa mga barkada ko kasi masyado kang busy na masaktan dahil sa nangyari na nakalimutan mo na kailangan ko din ikaw. Masyadong nasaktan yang pagkakalalaki mo na may nakahawak na iba sa akin na hindi mo alam  na unti unti kang lumalayo. Sabi mo kahit natuloy man yun hindi mo ako iiwan? Pero parang hindi naman yun ang kinikilos mo. Paano ako makakamove on kung pinaparamdam mo lagi na apektado ka. Sa lahat ng pwedeng magparamdam sa akin na parang ang dumi dumi ko sayo ko pa yun naramdaman. Kaya saan ako lalapit?" Hindi ko alam kung paano pa lumalabas lahat ng sinasabi ko. Yung sama ng loob na pilit kong tinatago isa isang lumalabas. Hindi ko mapigilan. Kinuha ko ang singsing sa daliri ko na bigay niya. "Mukhang hindi para sa akin ang singsing na ito. Maghiwalay muna tayo kasi nagkakasakitan lang naman tayo. Sinabi ko na sa'yo dati di ba? Ipagpapalit ko lahat ng sayang pwede kong maramdaman basta hindi ko maranasan yung sakit. Pero ang sakit sakit na kasi."


Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa. Hindi din naman kasi siya tumitingin sa akin kanina habang nagsasalita ako at umiiyak. Paano niya ako magagawang mahalin kung busy siya masyadong masaktan? Kaya kahit hindi ko alam kung kakayanin ko na lumayo sa kanya. O hindi ko alam kung kaya ko nga na wala siya kailangan kong gawin ito. Kaya paalam Ethan Marco Valero.






_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon