"Aray..aray!"Paano pagkapasok namin sa kwarto niya ay pinagkukurot ko siya.
"Para yan sa hindi mo pagsasabi na ipapakilala mo ako sa pamilya mo. Mahirap ba yun Marco? Atleast hindi ako magugulat ng ganito."
"Monica.." Huli nito sa mga kamay ko ng akmang kukurutin ko ulit siya. "Baka kasi hindi ka sumama sa akin. Dapat akong pumunta dito kasi lagot ako kay Mommy pag hindi. Pero gusto ko na kasama din kita. Paano ako pipili sa dapat at gusto?"
"Pero sana sinabi mo pa din." Mahina kong sabi. Balewala na naman yun ngayon. Andito na ako at nakilala ko na Mommy niya. "Kasi hindi mo alam kung gaano ang kaba ko kanina. Yung gusto ko tumakbo sa sobrang kaba. First time ko na makaharap ng pamilya ng boyfriend."
"So boyfriend mo na talaga ako?"
Nakangiti nitong sabi. Tila ba balewala yung hina ng boses ko dahil sa kaba ko kanina.
"Kasal lang naman ang tinatanggihan ko sayo. Kahit hindi ko pa sinasabi na mahal na nga kita. Hindi naman ibig sabihin na nakikipaglaro lang ako sayo." Kahit pa sabihin na mahal ko na nga siya. At yung takot sa puso ko ay wala na. Ang problema. Nakasanayan ko na nga din na hindi yun sinasabi sa kanya. "Kaya ayun sa ayaw mo at gusto boyfriend na kita Ethan Marco"
"syempre. Gustong gusto ko yun"
Niyakap na niya ako. Yung galit niya noong nakaraan na parang iniiwasan ko siya ay hindi ko na ulit gustong makita pa. Kaya kahit pa sobrang kaba ko kanina hindi naman yun sapat para umalis ako dito.
"Ang bait ng Mommy mo Marco" Nanatili lang kaming nakatayo habang magkayakap pa din kami. "Pero kinakabahan ako pag si sir Mark na yung makakaharap ko. Anong iisipin niya pag nalaman na sa company na pinatatakbo niya ako nagtatrabaho? Hindi ba nakakahiya?"
"Siguro sasabihin ni Daddy.. Tamang tama pag sa inyo na ni Marco ang company hindi ka n mhihirapan na pag aralan ito"
"Wow.. At iyon talaga ang iisipin niya? O pinapalakas mo lang ang loob ko?" Para kasing walang iniisip si Marco na negatibo sa kung ano ang pwedeng harapin ang aming relasyon. Masaya na siya na ganito. Magkasama kami. Magkayakap. "Baka iisipin niya na pera lang habol ko sayo"
"Hindi niya iisipin yun. Iisipin niya na gwapo ako kaya patay na patay ka sa akin"
"Baliw"
"Tara na sa baba" Kumalas ako ng pagkakayakap dito. "Nakakahiya sa Mommy mo na ang tagal tagal natin dito eh dapat magdadala lang tayo ng gamit natin"
"Bakit ba masyado mong iniisip ang iisipin ng magulang ko? Relax lang Monica."
Hinaplos ko yung mukha niya. Bakit nga ba ang gwapo mo? Parang kulang yung salitang gwapo para idescribed kung gaano talaga siya kagandang lalaki. Tapos nakiuso pa siya ng gupit sa ibang kasama namin sa department. Yung usong gupit ngayon. Yung wala yung sa tabi at makapal yung ibabaw lang. Nung isearch ko kung anong tawag, Slicked Back Undercut with Long Hair. Mahaba pa yung tawag sa haircut kesa sa hair mismo. "Paputulan mo kaya ng konti. Medyo mahaba" Habang hawak hawak ko yung buhok niya.
"Basta yung buhok ko lang yung mahaba na pwedeng putulin huh?"
"Hahaha bastos" Hinalikan ko siya sa pisngi. Sabay bulong. "Parang papayag akong bawasan yun"
Nauna na akong lumabas sa kwarto niya. Pero rinig na rinig ko yung paghalakhak ni Marco. Ang baliw lang din talaga ng lalaking yun. Parang makatawa parang hindi niya ako ihaharap mamaya sa buong pamilya niya. Parang ako lang yung kinakabahan. Ang adik lang.
_casper_
Yung style ng buhok ni Marco yung nasa pic.
BINABASA MO ANG
Love Drunk (Completed)
General Fiction"Nakakatawa lang na ikaw ang nalasing pero ako ang may hangover" Cover: officialwhosthatgirl