Chapter 24

7.4K 196 21
                                    



MARCO

Halos sariwa pa din sa aking isipan yung gabing sinauli niya sa akin yung singsing. Yung katunayan na handa akong magpakasal lagi sa kanya ibinalik niya sa akin. Akala ko simpleng hindi pagkakaunawan lang yun pero humantong sa pangyayaring hindi ko na napigilan. Umalis din ako agad pagkababa niya ng sasakyan. Alam ko na hindi kami magkakaintindihan pag pinilit ko na magkausap kami. Balak ko sana kausapin siya kinabukasan. Sinundo ko pa siya kaso ang aga niyang umalis ng bahay. Pagdating ko sa office may kailangan akong gawin na hindi ko siya napuntahan. Hindi ko din siya matawagan. Hindi ko alam kung saan ako magfofocus nung araw na yun kasi biglang nagkaproblema ng malaki doon sa isang branch namin. Ilang araw ang ginugol ko para maayos ang problema.




"Marco, wala ka pa ding balita sa kanya?"





Siguro nga masyadong nagustuhan nina Mommy at Daddy si Monica at kahit sila nasaktan sa biglang pag alis nito. Hindi ko na siya nakita simula nung gabing yun. Noong busy ako sa pag aasikaso ng problema ng company naging busy din siya para tuluyan akong iwan. Nagresign siya. Pinagbili ang bahay nila. Kahit ang mga barkada niya wala ding balita kung nasaan siya. Pinuntahan ko pa ang mga magulang niya sa ibang bansa baka doon siya nagpunta pero nabigo lang ako. Kung gaano kabilis na naging kami ganoon din kabilis niya ako iniwan.




"Wala pa Mom. Naka alert naman sa akin kung sakaling dumating siya ng bansa. May kaibigan na ako na nagmomonitor. "





Tatlong taon. Yung sakit na dulot ng pag iwan niya sa akin ay hindi nababawasan. Parang pasakit pa nga ng pasakit. Yung kinakain na ng sakit yung pagkatao ko, yung pag iisip ko. Yung hindi ko alam kung matatagalan ko pa. Nakipag ayos ako sa mga kaibigan ni Monica na siyang naging dulot ng aming hindi pagkakaintindihan. Akala ko makakarating sa kanya yun. Akala ko pag ok na babalik siya. Pero araw araw pa din akong naghihintay ng pagbabalik niya.






"Paano kung hindi naman siya umalis ng bansa?"



"Hindi ko alam Mommy. Mas mahirap kasing maghanap talaga sa ayaw talagang magpahanap. Ano bang naging kasalanan ko sa kanya para iwanan niya agad ako?"




Inisang inom ko ang alak na hawak ko. Simula nung umalis siya dito muna ako sa bahay ng magulang ko umuuwi. Dito pwede akong mag inom kahit gaano kadami. Nakakatawa lang na dati ang hina hina ko sa alak pero ngayon mukhang makakasabay na ako sa kanyang mag inom. Hindi ko alam kung babalik pa siya. Hindi ko alam kung gaano katagal pa. Hindi ko alam kung ano ba ang unang susuko? ang atay ko ba? o ang puso ko?


"Pero hanggang kailan mo siya mahihintay anak? Tatlong taon na din."





"Yung paghihintay ko sa kanya yung nagbibigay sa akin ng lakas para makaya ko pa."




Naalala ko noong minsan nasaktan ko siya. Yung ipagpapalit daw niya yung kaligayahan na nararamdaman niya basta hindi niya maranasan na masaktan. Ginawa ko naman lahat para hindi siya masaktan kaso sa huli nasaktan ko pa din siya. Siguro mababaw para sa akin ang dahilan ng pag alis niya. Pero baka nga nasaktan ko talaga siya kaya mas pinili niyang lumayo kesa piliin yung pagmamahalan namin. Tinanggap ko ang pamamahala ng kompanya kasi iniisip ko yung future na kasama siya. Pero dahil sa desisyon na yun nawala din naman siya sa akin. Kung pwede nga lang takasan lahat ng ito. Pero ayaw ko naman na mabigo ko pa ang pamilya ko. Bigo na ako sa pag ibig. Pamilya na lang ang meron ako. Ayaw kong mawala ang pinaghirapan nila dahil sa magiging desisyon ko. Kung babalik si Monica, bumalik siya. Handa ko naman siyang tanggapin. Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Oo nasaktan ako. Pero hindi ako galit. Ayaw kong haluhan ng ibang emosyon ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya. Ayun lang ang kakapitan ko.

_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon