Chapter 26

7.2K 196 7
                                    




Marco

Bakit kaya iniiwan si Lucas? Wala ba siyang asawa? Bakit kailangan niyang magtrabaho pa? Yung ganung kagwapong bata tiyak na may magandang nanay, alangang iwan siya ng asawa niya? O baka patay na siya? Kaya naiwan siyang nag aalaga sa anak nila? Hindi mawala sa isip ko si Lucas. Yung gaan sa pakiramdam na dinulot niya sa akin ramdam ko pa din hanggang ngayon. Kung single siya? Pero hindi, hindi ko siya liligawan. Ang pangit ng dating na kaya ako lalapit sa kanya dahil gustong gusto ko si Lucas. At hindi ko kayang magmahal ng iba. Si Monica pa din.



"Mommy, ok lang naman na mag ampon ako di ba?"


Gusto ko sanang puntahan si Lucas ulit kaso baka lalo akong mapamahal sa bata na hindi ko na magawang lumayo. Baka nga may Daddy pa siya at buo ang pamilya, ayaw kong makagulo. Ayaw ko ding alamin kung single mom ba nanay niya kasi baka hindi ko mapigilan na  makipaglapit para kay Lucas. Kaya kung makakaiwas ako, iiwas muna ako. Siguro yung parte ng pagkatao ko na kung hindi siguro lumayo si Monica baka may anak na kami ayun ang pakiramdam na binuhay sa akin ni Lucas. Yung kakulangan na yun. Kaya si Lucas ang napagtuunan kong pumuno.



"Akala ko puso mo lang ang nadala ni Monica, pati pala pagkalalaki mo?"

"Mommy!"

Hindi ako nagulat dun sa kabulgaran na sinabi niya. Mas nagulat ako kasi may binanggit siyang pangalan.



"Wala namang problema sa akin Marco, kaso bata ka pa. Noong una sinusuportahan kita sa mga desisyon mo sa buhay. Walang kaso ang pag aampon sa akin alam mo yan. Pero kasi ang dating parang itinigil mo na talaga ang buhay mo para sa kanya. Sa paghihintay sa taong walang kasiguraduhan ang pagbalik. Madami pa namang babae diyan na pwede mong mahalin, na posibleng maging ina ng anak mo. Huwag namang ganito anak."



Wala naman akong masasabi talaga sa suporta ni Mommy sa akin. Simula nung iwan ako. Kahit ang pansamantalang pag alis ko sa company dati dahil sa hindi ko kayang pumasok dahil sobra sobra akong nasasaktan, naiintindihan yun ni Mommy. Hindi niya ako sinumbatan na pabaya akong anak. Wala akong narinig na ganoon. Wala akong naramdaman na ganoon.


"Iniisip ko din Mommy na maghanap na lang ng surrogate mother kung gusto niyo talaga na mula sa akin ang magiging anak ko."


"Marco, hindi yun sa kung galing sa'yo o hindi. Ang sa akin lang kahit ano doon ang piliin mo parang isinara mo talaga ang posibilidad na magmahal ulit."


Pero paano kasi ako magmamahal ulit? O magagawang magmahal ng iba? Kung ang puso ko ay patuloy pa din naman na nagmamahal sa kanya. Hindi yun nabawasan kahit sa sobrang tagal na nung umalis siya. Nalulungkot ako, nasasaktan pero hindi ako nakakalimot.



"May nakilala akong bata kanina Mommy. Yung saya ng puso ko hanggang ngayon andito pa din. Kaya naisip ko na baka baby yung maging sagot sa kalungkutan ko. Hindi ko kayang magmahal ng iba Mom. Hindi ko mahanap sa ibang babae yung pakiramdam na naramdaman ko noon kay Monica."



"Ikaw na ang bahala sa kung anong gusto mo. Kung ibang lalaki magpapalipat lipat sa iba't ibang kandungan para makalimot ikaw nanatili ka sa pagmamahal na hindi
mo alam kung babalik pa."


"Ayaw kong gumamit ng babae para lang makalimot. Babae ka, babae ang kapatid ko. Ayaw kong manamantala ng kahit sino kahit madali lang naman yun para sa akin kasi sila na mismo ang lumalapit. Ayaw ko na pag bumalik siya may problema kaming haharapin dahil lang sa nakipagrelasyon ako sa iba habang wala siya. Oo, iniwan niya ako. Pero hindi naman kami nag break. Technincally, girlfriend ko pa din siya."


Ang martir man ng datingan pero mahal ko talaga siya.


"Gwapo ka naman anak, matalino, pero yung maging ganito para sa isang babae?"


"Sisihin niyo si Daddy, kasi sa kanya  ko namana yung isang babae lang din ang minahal. Swerte lang ni Dad, hindi mo siya iniwan."


"Muntik na din. Pero buntis na kasi ako noon eh. Ayaw kong ipagkait sa'yo ang pagkakaroon ng buong pamilya dahil lang inuna ko na magalit sa Daddy mo. Pero paano pag nagka anak pala kayo? Magagalit ka ba sa kanya?"



Hindi ko naisip yun. Yung posibleng buntis siya nung umalis siya. Ang naiisip ko lang kasi na baka may anak na kami kung hindi niya ako iniwan.


"Hindi ko alam Mommy kung ano ba dapat ang maramdaman pag ganun? Mauuna ba yung galit? o yung kasiyahan dahil naisipan niyang bumalik?"




Parang masakit isipin kung buntis nga siya tapos hindi niya ipinaalam sa akin. Kasi ganoon ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya para ipagkait ang anak ko? Sana hindi. Sana simpleng lumayo lang siya na mag isa at babalik sa akin na mag isa.




_casper_

Love Drunk (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon